CHAPTER 25

712 28 4
                                    

Gabi sa opisina ni mayi habang abala ito sa trabaho at hinihintay ang food delivery niya dahil nag-order ito ng pagkain para sa sarili, marami pa ito kasing trabaho na kailangan tapusin kaya magpapagabi ito sa opisina niya.

Sandali pa at nakarinig na ito ng katok sa pinto mabilis naman na nagtungo si mayi sa harap at binuksan ang pintuan ngunit na gulat ito sa mukhang bumungad sa kaniya dahil hindi niya inaasahan na makikita niya pa ang taong ito.

" Gabby." Pansin pa rin ng dalaga ang bugbog sa mukha ng dating kasintahan.

" Hi." Bati ni gabby sa dalaga.

" Hmm pasok ka." Gulat man ang dalaga ngunit pinapasok niya pa rin ang dating kasintahan.

" Kumusta ka? Umpisa ni gabby, bumalik naman ang isa sa trabaho nito.

" Mabuti naman ako. " Maiksing tugon ng dalaga dito.

" Hmm nag-ayos ka ng opisina mo? Napansin kasi ni gabby nag-iba ang puwesto ng mga gamit sa loob ng opisina ng dalaga.

" Ahh oo, sorry ha sobrang busy lang ako hindi kita maasikaso." Sagot ng dalaga.

" Okay lang mayi." Tugon ni gabby habang iniikot pa rin nito ang mga mata sa loob ng opisina ng dalaga, nakita rin ni gabby na wala na rin ang nakadisplay na picture nila ni mayi noon sa table at sa sala nito.

" Coffee, gabby?

" Sige. " Umupo naman sa sofa si gabby habang hinihintay si mayi.

" Here oh." Pag-abot ni mayi ng kape kay gabby.

" Thank you. " Tumalikod naman agad si mayi kay gabby ng matapos maiabot ang kape dito.

" I'm sorry pala sa nangyari kagabi sa bar, mayi alam ko kasalanan ko talaga yun." Natahimik naman ang dalaga sa sinabi ni gabby at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Ramdam ni gabby na iniiwasan siya ng dalaga kaya sinundan niya ito hindi naman na pansin ni mayi na sinundan siya nito sa likod.

" Oo nga pala gabby muntik ko ng makalimutan yung mga gamit mo." Usap ng dalaga dito ngunit pagharap nito ay bumungad naman sa kaniya ang mukha ni gab na matiim nakatingin lang sa kaniyang mga mata bahagya naman napaatras ang dalaga ngunit umiwas rin ito sa huli.

" Naayos at natabi ko na 'to nung isang araw lang sorry kung hindi ko napadala kaagad sayo ah ang dami ko rin kasing ginagawa eh." Pagpapatuloy ni mayi at pumasok sa loob ng kuwarto.

Paglabas naman ni mayi ay dala na nito ang isang box laman ang mga gamit ng dating kasintahan na naiwan sa kaniya.

" Ito oh. " Pag-abot nito kay gabby, tinanggap naman ito ng isa ngunit nilapag rin sa sahig.

" Patawarin mo ako mayi please ayusin pa natin 'to bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na bumawi sayo." Biglang usap nito sa dalaga panandalian naman na tahimik si mayi sa narinig nito.

" Bakit ngayon lang gabby? Tinanong kita, ilang beses kitang tinanong, kung sino samin dalawa pero siya ang pinili mo."

" Hindi ko siya pinili mayi, ikaw mismo ang pumili sa ating dalawa."

" Ngayon kasalanan ko pa gabby?! Mataas na tuno ng dalaga.

" Hindi, at alam kong kasalanan ko, yung pinapapili mo ako litong lito ako nun bago sa akin yung ganun hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo, dahil alam ko malaki yung kasalanan nagawa ko."

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now