CHAPTER 27

849 42 4
                                    

Dalawang buwan pagkabalik nila mika at aria galing sa bakasyon ay nakipagkita ang mga ito sa mga kaibigan sa coffee shop ni Stephanie.

" Okay na ba kayo? Tanong ni cley pagpasok ng mag-asawa sa loob ng coffee shop.

" Oo cley kailangan lang ng konting lambing ng kaibigan mo na 'to eh." Pagbibiro ni aria habang nakatingin ito sa asawang si mika yumakap naman ito sa kaniya.

" Basta susunduin kita doon baby kapag hindi ka bumalik agad dito." Usap ni mika sa asawa.

" Sus ang clingy mika." Napapailing na usap ni Stephanie.

" Tol nakakawala ng angas yang ginagawa mo itigil mo yan please lang! Nakakahiya! Natatawang usap ni cley.

" Nagsalita ang hindi clingy siya rin naman." Sabat ni Stephanie at yumakap rin si cley sa nobya.

" Oh diba hindi lang ako? Kunwari kapa tanggal rin naman angas mo kay Steph." Pangaasar pa ni mika.

" Hays bakit ba ako nandito, sana natulog nalang ako." Sabat naman ni mayi.

" Bakit kasi hindi mo pa sagutin si ralph, mayi edi sana hindi ka naiinggit diyan hmm." Tanong ni Stephanie.

" May hinihintay nga kasi siya steph." Sabat na biro ni aria.

" Heh! Wala nga sabi akong hinihintay tsaka hindi naman kami nagmamadali ni ralph at ayoko madaliin yung sa amin."

" Hmm sabi mo eh." Sabay sabay na sambit ng apat kay mayi.

" Ewan ko sa inyo! Oo nga pala kailan balik mo ng new york aria? Pagiiba ng usapan ni mayi.

" Next, next week na mayi, punta pala kayo sa hacienda next week bonding muna tayo bago ako bumalik ng new york." Sagot ni aria sa kaibigan.

" Sama mo na rin si ralph kung gusto mo mayi magiging kayo rin naman diba? Sabat ni mika.

" Sigurado ka mika? Edi ba dati ayaw niyo sa kaniya?

" Dati yun mayi tsaka mga bata pa tayo nun matanda na tayo ngayon kalimutan na natin yun." Natatawang usap ni mika.

" Tama si mika hindi na tayo bumabata kaya ikaw mayi bilisan mo na at naiiwanan kana ng barko! Pangaasar ulit ni cley, inirapan nalang naman ito ni mayi.

Sa kalagitnaan ng usapan ng magkakaibigan ay may pumasok sa coffee siya na tila familiar kay Stephanie ito kasi unang nakapansin dito at tinignan niya ito ng maigi.

" Diba si gabby yun? Pagturo ni Stephanie sa taong nasa harap ng counter, nakawhite t-shirt at ripped jeans dala ang bomber jacket nito, nilingon naman ito ng apat.

" Oo si gabby yan, gabby! Sagot ni mika dito at tinawag ang pinsan nito lumingon naman agad ito sa kanila.

" Tangina si gabby nga." Biglang usap ni cley dahil ang alam nito ay nasa Australia ang kaibigan ngayon.

Nakangiting lumapit naman ito sa kanilang mesa umupo ito sa tabi ni mika at hindi nito sinasadya na mapabaling ang mata sa dating kasintahan ngunit umiwas naman si mayi ng tingin sa huli pero pansin pa rin ni mayi ang pagbabago sa katawan ni gabby at ang mga tattoo nito sa braso.

" Kala ko tol, nasa Australia ka? Tanong ni cley pagkaupo ni gabby.

" Pinauwi ako ni dad marami kasing problema sa company ngayon eh."

" Kailan kapa dumating gabby? Tanong naman ni mika sa pinsan nito.

" Ahh nung isang linggo lang pinsan."

" Ang payat mo ngayon gabby kumakain kapa ba? Pagbibiro ni aria, pansin rin kasi nito ang malaking pagbabago dito, nginitian lang naman ito ng isa.

" Anong coffee mo pala gabby, yung dati pa rin ba? Ako na gagawa teka lang." Tanong ni steph at tumayo ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon