CHAPTER 43

720 37 11
                                    

2 weeks later.

" Anak, gabby umuwi ka." Naiiyak na bati ng ina ni gabby sa kaniya at niyakap ito.

" Mommy kukunin ko lang po yung ibang mga gamit ko." Humalik naman sa pisngi ng ina si gabby.

" Sige anak hmm kumusta ka kumain kana ba? Ipaghahain kita."

" Okay lang ako hindi po ako nagugutom mom."

" Anak ang laki ng ipinayat mo pinababayaan mo yata ang sarili mo."

" Mommy wag na kayong mag-alala sakin okay lang ako, iwan ko muna kayo dito aakyat na ako baka maabutan pa ako ni daddy dito."

" Sige anak. " Hinayaan nalang si gabby ng ina sa gagawin nito at baka maabutan pa siya ng ama sa mansyon at mag-away na naman ang dalawa.

Kinuha lang naman ni gabby ang mga natitirang mga importanteng mga gamit niya sa kuwarto- pagkatapos nito bumaba na rin agad siya upang maka-alis at hindi na maabutan ng ama, ngunit pagkababa niya at siya naman pasok ng ama sa mansyon.

" Napadalaw ang pogi at paborito kong anak." Bungad ng ama ni gabby at Inabot ang dalang bag sa kasambahay.

" Paalis na rin siya lorenzo." Sabat ng ina ni gabby.

" Kinuha ko lang dad yung iba kong mga gamit." Nakayukong usap ni gabby.

" Hmm kumusta kayo ni mayi, gabby?

" Kailan pa kayo naging interesado sa relasyon namin ni mayi, dad?

" Ngayon lang gabby, pagkakaalam ko iniwanan kana niya." Namuo naman ang mga kamao ni gabby sa sinabi ng ama.

" Problema ko na po yun dad sige ho aalis na po ako mom." Akma na itong tatalikod sa ama.

" Hindi ako nagkamali noon gabby na iiwanan ka ni mayi sa oras na malaman niyang kasal ka kay ashley." Natahimik lang naman si gabby at akmang tatalikod na sa ama.

" Kung nakinig ka lang sana sa akin noon gabby hindi sana mangyayari 'to sayo ngayon, nawala na sayo lahat pati si mayi wala na sayo, ano pa ang ipagmamalaki mo sakin ngayon gabby?

" Wala na dad wala akong ipagmamalaki kasi sa inyo na rin nanggaling wala ako kung wala kayo, masaya na po ba kayo? Pagbaling nito sa ama.

" Aba't tarantado ka talagang bata ka ah! Sigaw nito sa anak.

" Lorenzo hayaan mo na si gabby na umalis tama na yan." Pag-awat muli ng asawa nito.

" Huwag kang mangialam dito ella asawa lang kita! Tila nagpantig naman ang tenga ni gabby sa narinig nito sa ama.

" Tumigil na kayo dad kung galit kayo sakin, sakin na lang! Kahit si mommy hindi niyo siya ginagalang kayo nalang laging nasusunod sa bahay na 'to!

" Matapang kana talaga ngayon ah! Hinawakan nito ang kuwelyo ng polo ni gabby.

" Lorenzo bitawan mo ang anak mo tama na yan." Umiiyak na usap ng ina ni gabby.

" Hindi ba totoo naman dad? Simula bata kami ni ate Sam kayo lang ang batas dito, ikaw lang ang dapat masusunod sa bahay na 'to! Habang hawak pa rin Mr, lorenzo ang kuwelyo ng anak at nasuntok ito ng ama sa mukha dahil sa sinabi nito na siyang kinabagsak ni gabby sa sahig.

" Tarantado ka wala kang utang na loob gabby! pagtapos kita damitan at palakihin! Nag-sisisi akong naging anak pa kita!

" Lorenzo tama na yan maawa ka naman sa anak mo." Lumapit ang ina ni gabby sa kaniya dahil sa awa dito.

" Hindi kita piniling maging ama pero kayo ang binigay sakin dad, buong buhay ko dad lahat ng sabihin niyo sakin ginagawa ko, minsan ko lang sinunod ang gusto ko! Tumayo ito at pinunasan ang dugo sa labi nito, akma pa itong susugurin ng ama ngunit inawat ng asawa.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now