CHAPTER 9 [ PG ]

1.5K 32 2
                                    

Pagkawala ng sakit ng ulo ni gabby nagasikaso na agad ang dalawa upang makapagikot ang mga ito sa paligid ng vigan, dito lang rin located ang hotel na tinutuluyan ng dalaga, kaya dito nalang muna nag-umpisa ang magkasintahan na mag-ikot.

Bumili na rin si gabby ng susuotin nitong damit para sa ilang araw pa na pagstay nila ng kasintahan sa ilocos bumili na rin ang dalawa ng puwede nilang ipasalubong sa mga kaibigan at pamilya.

Nagtungo rin ang magkasintahan sa sikat na church sa vigan ang vigan cathedral church, kumuha na rin ng mga photos at videos ang dalaga para sa project niya sa isang travel agency.

Ang huling destinasyon nila ay ang paoay church medyo malayo ito sa vigan kung saan ang hotel na tinutuluyan ng dalawa ngunit bumiyahe pa rin sila dahil gusto nila ito makita talaga ng malapitan isa kasi ito sa pinakakilala at sikat na church sa ilocos.

Magkahawak kamay lang na iniikot ng magkasintahan ang sikat na simbahan.

" Babe." Malambing na tawag ni gabby sa kasintahan.

" Hmm?

" Alam mo kung puwede lang ang same sex marriage dito sa pilipinas gusto ko dito kita pakakasalan." Usap ni gabby na makikita sa mata nito na seryoso ito sa sinasabi.

Tila na gulat naman ang dalaga sa narinig nito sa kasintahan kaya mabilis itong nagbaling ng tingin kay gabby at panandalian rin na tahimik ito, mga ilang minuto pa at nagsalita na rin naman ito.

" May balak kang pakasalan ako?

" Hmm oo naman kung puwede nga lang na pakasalan kita sa lahat ng simbahan sa pilipinas gagawin ko, kaso hindi naman puwede pero kahit walang ganun dito pakakasalan pa rin kita babe, kasi ang katulad mo pinapakasalan dapat." Nakangiting usap ni gabby at hinalikan ang kamay ng dalaga.

" Hindi mo naman ako kailangan pakasalan eh." Natatawang usap ni mayi sa kasintahan, kaya panandalian napatigil si gabby sa paglalakad.

" Iniisip mo siguro na hindi ako seryoso sa sinabi ko at nagbibiro lang ako babe ano?

" Hindi naman po sa ganun naisip ko lang kasi na bago palang tayo malayo pa tayo sa kasal, nagbabago ang panahon gabby, malay natin biglang magbago isip mo may makilala kang ibang babae yung mas bata sakin mas maganda tapos marealize mo na hindi mo na pala ako mahal." Usap ng dalaga at nagpatuloy muli ito sa paglalakad.

Naiwan naman si gabby na pinagmamasdan ang dalaga habang papalayo ito sa kaniya, dahil napaisip rin ito sa sinabi sa kaniya ng dalaga, kung bakit pumasok sa isip nito ang ganun mga senaryo, sandali pa at sinundan niya na rin ito, pagdating sa tabi ng dalaga ay mabilis nitong hinawakan ang kamay ni mayi at huminga ng malalim bago ito nagsalita.

" Hahawakan kong mahigpit 'to babe hindi ko' to bibitawan kahit ano pang mangyari kahit marami pang humarang sa atin dalawa, tutuparin ko yung sinabi ko sayo kanina na pakakasalan kita, hindi man sa lahat ng simbahan sa pilipinas pero pakakasalan kita, maniwala ka pangako ikaw lang." Lalo naman hinigpitan ni gabby ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.

" Okay. " Maiksing tugon ni mayi sa kasintahan at hinawakan ang mukha nito at muling nagpatuloy lang ang dalawa sa paglalakad.

Alam ni mayi na seryoso ang kasintahan sa mga sinabi nito sa kaniya makikita naman sa mata nito at galaw kung gaano siya kamahal ng kasintahan ngunit hindi pa rin mawala ang takot dito dahil na rin sa nakaraang relasyon nito.

Isang oras pa nanatili ang magkasintahan sa paoay church bago napagdesisyunan ng dalawa na bumalik ng vigan dahil pagabi na, sa labas na rin kumain ang dalawa upang pagdating sa hotel ay makapagpahinga na agad sila, dahil malayo pa ang destinasyon nila kinabukasan.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now