CHAPTER 20

732 29 8
                                    

Halos apat na linggo pa ang lumipas at mas napapa- dalas na ang paga-away bati nila mayi at gabby sa mga panahon naman na iyon ay halos araw araw na rin ang pagkikita nila gabby at ashley, hindi nalang ito sa bar kundi pati na rin sa labas.

Naging abala rin kasi ang dalaga sa trabaho nito dahil sa sunod sunod na demand ng mga client at naging abala rin ito sa matalik na kaibigan dahil ito ang umalalay kay aria lalo na at nagbubuntis ito ngayon.

Nasusundo at nahahatid pa rin naman ni gabby ang dalaga kahit madalas palagi itong late, na pansin rin ni mayi na hindi na rin palaging naga-update si gabby sa kaniya may kinalaman sa trabaho o ginagawa nito.

Ngunit lahat ng mga iyon hindi nalang pinapansin ng dalaga dahil alam niya na may pagkukulang rin siya sa kasintahan na kailangan niyang punan, kaya ngayong araw nagdesisyon itong maagang tapusin ang trabaho para makapaglaan ito ng oras kay gabby.

Kahit nagtataka ang dalaga ngayon kung bakit hindi pa tumatawag o nagtitext si gabby sa kaniya upang sunduin siya nito ngayon, ginamit niya nalang ito para surpresahin ang kasintahan para sa kanilang 3rd year anniversary.

Nag-grocery pa ang dalaga para kay gabby dahil naalala niya na wala ng laman ang ref sa condo nito at wala na rin stock ng food sa kusina nito, nilinisan rin ni mayi ang makalat na condo ni gabby bago ito magluto ng dinner para sa anniversary nila.

Bumili rin ng regalo ang dalaga para kay gabby isang mamahaling motocross helmet kahit hindi naman talaga sang-ayon si mayi sa paglalaro ni gabby ng sports na ito ngunit upang makabawi sa kasintahan ito nalang ang naisip niyang iregalo.

Naglagay pa ng anniversary message sa wall ang dalaga dahil gusto talaga nito na maging special ang 3rd year anniversary nila ni gabby.

-----

" Hi, late na ba ako? Bungad na bati ni gabby sa likod ng maliit na babae.

" Gabby. " Masayang bati ni ashley dito at umangkla sa leeg ni gabby na kinagulat naman nito ngunit nagkibit balikat nalang.

" Sorry ashley ha? Late ko na kasi nabasa yung message mo sobrang busy kasi eh." Pagpapaliwanag ni gabby at inabutan ito ni ashley ng beer.

" No its okay gabby alam ko busy ka sa trabaho pero ngayon kalimutan mo muna yan okay? Tara doon tayo." Pagyaya ni Ashley sa dance floor.

" Sorry hindi ako marunong sumayaw ashley." Bulong ni gabby sa tenga ni Ashley dahil hindi sila magkarinigan.

" Okay lang yan gabby sunod ka lang sa flow ng music ano kaba hindi rin nga ako marunong sumayaw eh." Usap ni ashley, natawa naman si gabby dito.

" Cute mo talaga." Sambit ni ashley sa tenga ng isa dahil hindi nito maiwasan na hindi humanga kay gabby.

" Ano yun Ashley?

" Ang sabi ko ang pogi mo! Muli naman napangiti si gabby sa narinig nito sa dalaga.

" Maganda ka rin ashley."

" Hmm bolero."

" Hindi ashley, totoo maganda ka."

" Thank you." Bulong ni ashley sa tenga ni gabby tila nakaramdam naman ng kakaiba si gabby sa ginawa nito sa kaniya.

Sandali pa at huminto ang napakaingay ng musika sa palagid nila at napalitan ito ng slow music.

" Hays, hindi talaga ako marunong sumayaw ashley pero puwede kaba isayaw? Nahihiyang alok pa ni gabby dito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon