CHAPTER 37

801 37 2
                                    

Nang mahimas-masan na si mayi agad itong nagtungo ng banyo at niligo hinayaan naman ito nila Stephanie at Audrey para gumaan rin ang pakiramdam nito, nakatitig lang sa isa't isa ang dalawa habang hinihintay si mayi na lumabas ng banyo.

Maya maya lumabas na rin ng banyo si mayi at naupo ito sa kama nilapitan naman ito ng dalawa.

" Mayi, kumusta pakiramdam mo?

" Masakit lang yung katawan ko steph." Ilang suntok rin kasi ang natamo ni mayi galing kay ralph.

" Nagalaw kaba niya? Tanong ni Audrey, umiling lang naman si mayi dito bilang tugon.

" Puwede tayong magsampa ng kaso laban kay Ralph sa ginawa niya sayo mayi gago yun." Galit na usap ni steph.

" Hindi na kailangan dumating pa dun Steph nabigla lang si ralph."

" Anong na bigla mayi? Sinaktan ka niya oh attempted rape ang ginawa niya sayo tapos hahayaan mo lang?

" Ayoko ng gulo Audrey makakaladkad lang ang pamilya namin kung magsasampa pa ako ng kaso laban kay ralph wala naman nangyari sakin."

" Anong wala mayi? Tignan mo nga yang sarili mo hays! Inis na usap muli ni Steph, habang si audrey nakatingin lang kay mayi.

" Umamin ka nga mayi ano ba talaga nangyari? Anong dahilan bakit ganun nalang ang ginawa sayo ni Ralph? Napabaling naman si Stephanie kay Audrey dahil sa tanong nito kay mayi.

Napahinga naman ng malalim muna si mayi dahil wala na itong choice kundi sabihin sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni gabby.

" Nalaman ni ralph na nagkabalikan na kami ni gabby." Nagulat naman sila Stephanie at Audrey sa sinabi ng kaibigan.

" Ano??? Kailan pa mayi!? Sabay na sambit ng dalawa.

" 2 weeks na. "

" 2 weeks na pero wala kang sinasabi samin mayi? Naiiling na usap ni Stephanie.

" Sasabihin naman namin ni gabby sa inyo humahanap lang kami ng tamang panahon."

" Yan kakahanap niyo ng tamang panahon, yan ang nangyari sayo hays mayi kung kailan naman tayo tumanda oh! Inis na usap ni Audrey.

" Paano pala mga pamilya niyo mayi? Alam niyo pareho na ayaw na nila kayong magkabalikan ulit at may girlfriend pa si gabby sa Australia."

" Kaya nga babalik si gabby ng Australia para hiwalayan si ashley, steph."

" Paano kung sa pagbalik ni gabby sa Australia hindi na siya bumalik dito anong gagawin mo mayi? Napabaling naman ng tingin si mayi kay Audrey sa sinabi nito.

" Babalik siya Audrey nangako siya sakin tutuparin niya yun."

" Nangako rin siya noon sayo na hindi ka niya lolokohin mayi baka nakakalimutan mo na." Natahimik nalang si mayi sa sinabi na ito ni Stephanie.

" Mahal ka namin mayi, hindi naman sa ayaw namin na magkabalikan kayo ulit ni gabby, hays pero kasi mali may girlfriend pa siya sa Australia, ayaw lang namin na masaktan ka ulit tulad ng dati."

" Sinubukan ko naman audrey na umiwas kay gabby noon pero-- Nakayukong usap ni mayi habang pigil ito sa pagluha.

" Pero mahal mo talaga mayi ha? Pagputol ni Stephanie sa sasabihin ng kaibigan, tumango naman ang dalaga dito bilang tugon.

" Hays, mayi sana lang talaga nagbago na yang si gabby kundi malalagot na talaga siya samin." Naiiling na usap ni Audrey.

" Naiintindihan niyo naman ako diba? Tumango nalang ang dalawang kaibigan nito at niyakap si mayi.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang