CHAPTER 42

696 27 9
                                    

1 week later.

Araw araw pa rin ni gabby na pinupuntahan ang nobya sa bahay nito, subalit hindi ito hinaharap ng kasintahan ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa panunuyo dito, araw araw itong nagpapadala ng bulaklak sa mansyon pati na sa opisina nito.

Ngayon araw bumalik muli si gabby sa mansyon ng mga ricalde, umaasa siya na makikita niya– na ang nobya at kakausapin na siya nito. Nakita si gabby ng ina ng nobya sa labas ng mansyon kaya inutusan ang mga katulong na papasukin ito sa loob.

" Nandiyan si gabby mag-usap kayo anak." Usap ng ina ni mayi sa kaniya pagbaba nito.

" Mama' ayoko pang kausapin si gabby."

" Kailan mo siya kakausapin mayi? Isang linggo na yan pabalik balik dito hindi mo hinaharap yung tao."

" Pero mama."

" Kung hindi mo kakausapin si gabby sasabihin ko na sa daddy mo kung bakit nandito ka at wala ka sa bahay niyo ni gabby."

" Hays." Wala ng nagawa si mayi kundi harapin ang kasintahan at sundin ang pakiusap ng ina.

" Baby. " Sambit ni gabby ng makita ang nobya at tumayo ito dala ang bulaklak para dito.

" Anong ginagawa mo dito gabby wala kabang trabaho? Napakamot naman ng ulo ito sa tanong ng nobya.

" Hindi kana naman pumasok? Tumango lang si gabby dito.

" Baby umuwi kana umuwi na tayo please." Naiiyak na usap nito sa nobya.

" Diba sinabi ko sayo hindi ako uuwi hanggat hindi mo na aayos ang problema mo gabby!?

" Inaayos ko naman baby."

" Inaayos mo gabby pero nandito kana naman hindi kapa pumasok sa trabaho mo! Inis na usap ng dalaga.

" Hindi ako makapag-focus sa trabaho ngayon alam ko na hindi tayo okay mayi please umuwi kana." Naamoy naman ni mayi na tila nakainom ang kasintahan.

" Nakatulog kana ba gabby? Sobrang aga pa oh pero nakainom kana tapos gusto mo umuwi ako ng ganyan ang sitwasyon mo?! Hays! Naiiling na usap ni mayi.

" Umuwi kana kasi sa bahay baby."

" Para kang bata gabby hays! Sinabi ng hindi ako uuwi hindi tayo magiging okay hanggat kasal ka sa kaniya!

" Yun lang ba talaga ang dahilan mo mayi? Sadyang ayaw mo nalang bumalik sakin kasi hindi mo na ako mahal?! [ A: Gaslighting ito haha! ]

" Oh ngayon naman pati pagmamahal ko sayo gabby kinuwestiyon mo na! Natahimik naman ito sa sinabi ni mayi.

" Umuwi kana gabby ayusin mo yung sarili mo." Akma ng tatalikod si mayi kay gabby at lalabas ng mansyon ngunit pinigilan ito at hinawakan sa braso ng kasintahan.

" Paano ko aayusin yung sarili ko ngayon mayi kung hindi ko alam kung babalik kapa ba sakin!? Humigpit naman ang pagkakahawak ni gabby sa nobya.

" Ano ba gabby! Bitawan mo nga ako! Lalo pa hinigpitan ni gabby ang pagkakahawak nito sa nobya.

" Gabby bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! Galit na usap ni mayi tila nakabalik naman si gabby sa ulirat nito.

" I'm sorry baby umuwi kana kasi sakin hindi ko na kaya." Naaawa si mayi sa kasintahan ngunit ayaw nito na bumigay nalang basta dito.

" Please gabby puwede bang hayaan mo muna akong mag-isip ngayon!?

" Ang hirap naman kasi ng hinihingi mo sakin mayi eh." Bigla naman dumating ang panganay na kapatid ni mayi at narinig nito ang pagtatalo ng dalawa.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now