CHAPTER 23

715 31 7
                                    

Lagpas isang linggo ang nakalipas simula ng malaman ni mayi ang relasyon ni gabby sa ibang babae, pinilit nitong bumalik sa normal ang buhay kahit may mabigat ito' dinadala sa dibdib.

Dinalaw rin nito ang kaibigang si aria dahil hindi niya ito nadalaw noong na hospital ito at nakunan, hindi niya rin kasi kaya na humarap sa kaibigan kung siya rin mismo ay hindi okay kaya nagpalipas pa ito ng mga araw.

Matapos madalaw ni mayi si aria ay dumiretso naman ito kay Stephanie sa coffee shop upang makahinga sa mga isipin niya.

" Kumusta ka mayi? Paguumpisa ni Stephanie, hindi naman agad nakasagot ang dalaga, bigla nalang tumulo ang luha nito sa mata nilapitan naman ito ni Stephanie upang yakapin.

" Iiyak mo lang yan mayi. " Sambit ni Stephanie Habang hinahagod nito ang likod ng kaibigan.

" Masakit pa rin steph sobrang sakit." Habang patuloy ang pag-agos ng luha nito, tila lahat ng sama ng loob ay nailabas na nito ngayon, hindi kasi magawang mailabas ni mayi ang lahat ng nararamdaman nito sa harap ni aria dahil kahit ang kaibigan ay may mabigat rin na dinadala.

" Alam na ba nila tito at tita? Yung mga kuya mo alam na ba nila?

" Hindi pa ayoko na rin sabihin baka anong gawin nila kuya kapag nalaman nila yung ginawa ni gabby."

" Pinuprotektahan mo pa rin yung gagong yun mayi kahit niloko kana niya? Inis na usap ni Stephanie.

" Hindi naman sa ganun steph ayoko lang na magkagulo pa kami gusto ko nalang maging tahimik buhay ko at isa pa problema namin yun ni gabby ayoko ng isali pa ang pamilya ko."

" Paano kung malaman nila yung totoo? Anong gagawin mo mayi?

" Hindi ko alam steph, bahala na."

" Hmm kung ako ikaw? Papabugbog ko yung mokong na yun para makabawi naman ako sa panloloko niya sa akin! Galit na usap ni Stephanie.

" Minahal ko naman si gabby ng totoo steph at kahit nasaktan niya ako ng sobra hindi ko naman gugustuhin na masaktan rin siya para makaganti lang ako sa ginawa niya sakin."

" Ang bait mo pa rin sa kaniya kahit niloko ka niya hays! Pasensya kana mayi pero na iinis talaga ako sa ginawa sayo ni gabby sinayang niya lang yung tatlong taon niyo mas malala pa siya kay ralph akala ko pa naman kayo na magkakatuluyan sa dulo hays. "

" Hindi ko rin naman siya masisi may kasalanan rin naman ako kung bakit siya naghanap ng iba marami rin ako naging pagkukulang sa kaniya steph."

" Kahit na tsaka huwag mong sinisisi sarili mo dahil kahit ano pa yung dahilan niya hindi yun sapat para lokohin ka niya mayi." Napabuntong hininga nalang naman si mayi dahil totoo naman ang sinabi ng kaibigan nito.

Ilang oras pa nanatili si mayi sa coffee shop ni Stephanie bago ito nagdesisyon umuwi sa opisina nito at dun muna matulog.

[ Read the Girlfriend For Hire chapter 36 ]

-----

Kinagabihan sa bar tulad ng sinabi ni mika sa tatlong kaibigan nito na hanggang 10 pm lang ito mananatili kasama sila kaya pagkaalis nito ay naiwan nalang sila cley, joey at gabby kasama ang bago nitong nobya' si ashley.

" Hon dun lang muna ako kay angela saglit ah." Paalam ni ashley kay gabby humalik pa ito sa labi ni gabby bago umalis napailing nalang ang dalawa dahil dito.

" Sige hon."

" Wow naman tol may tawagan agad ha." Pangaasar ni joey pag-alis ni ashley, natawa naman si cley sa biro na 'to ni joey habang si gabby ay tahimik lang.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon