CHAPTER 13

876 32 2
                                    

Present time Philippines.

Isang buwan ang nakalipas ng muling makabalik si mayi sa bansa, maaga naman itong na gising ngayong araw dahil mayroon itong kikitain mga kliyente.

Pagdating naman ng tanghali magkikita sila ng dating kasintahan na si ralph, nanliligaw na rin kasi ulit ito sa kaniya.

Gustong bigyan ni mayi ng pangalawang pagkakataon ang dating kasintahan dahil nakikita nito ngayon na tila nagbago na ito malayo sa ralph na kilala niya noon.

Hindi masasabing malungkot ang buhay ni mayi ngayon, hindi rin naman masasabing masaya ito, ngunit masasabi itong tahimik naman, pero tila may kulang pa rin dito at kahit anong gawin ng dalaga hindi ito mapunan ng kahit na anong bagay.

Pagbaba ni mayi at pagtungo nito sa dining area ay nandoon na rin ang mama' at papa' nito kaya masaya nitong binati ang magulang.

" Good morning! Lumapit ito at hinalikan sa pisngi ang ama't ina.

" Oh Good morning iha maupo kana ng makakain na." Bati rin ng ina nito.

" Opo. "

" Good morning sa prinsesa ko. " Pagbati rin ng ama nito.

" Papa' hindi ba't parang ang tanda ko na para maging prinsesa pa rin? Nakingiting usap ng dalaga sa ama.

" Kahit gaano kapa katanda anak ikaw pa rin ang aming prinsesa. "

" Hmm sige na nga po." Natatawang usap nalang ng dalaga sa ama.

" May lakad kaba ngayon? Tanong ng ama.

" Opo papa' may kikitain lang na client saglit."

" Kumusta na pala kayo ni Ralph anak? Sabat ng ina nito.

" Okay naman po ma. " Nakayukong usap ni mayi sa ina dahil ayaw muna sana nito na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng binata, ayaw rin nito na madaliin kung anuman ang meron sa kanila ngayon.

" Magkikita ba kayo ni ralph ngayon? Dagdag ng ama.

" Opo papa' Maiksing tugon ng dalaga.

" Mabuti yan kilalanin niyo ulit ang isa't isa." Usap ng ama habang kumakain ito, nginitian lang naman ito ng dalaga.

Pagkatapos kumain ng almusal ang pamilya nagpaalam na rin ang dalaga sa magulang nito upang magtungo sa kaniyang meeting.

---

Natapos agad ni mayi ang dalawang meeting nito sa mga client niya kaya nagtungo muna ito sa kaniyang opisina upang makapagpalit ito ng damit para sa date nila ng binata.

Pagkatapos makapagpalit ng damit si mayi ay umalis na rin agad ito upang hindi rin malate sa date nila ni Ralph, pagdating sa restaurant ay nakita naman agad ng dalaga nandoon na ang binata.

" Hi, sorry ang tagal ko ba? Bungad na usap ng dalaga kay ralph.

" Ah, hindi naman mayi kararating ko lang rin halos." Usap ng binata at panandalian itong na tahimik habang pinagmamasdan ang dalaga.

" Bakit, Ralph? Biglang tanong ng dalaga.

" Wala mayi, ang ganda mo eh." Tugon ng binata at inalalayan ang dalaga sa pag-upo nito, panandalian rin naman na tahimik si mayi dahil bigla itong may naalala.

" Ang ganda mo." Mga salita na palaging lumalabas sa bibig ni gabby sa tuwing gusto nitong iparamdam ang paghanga sa dalaga, napapakit nalang naman si mayi at pilit na tinatanggal ito sa kaniyang isipan.

" Thank you ralph." Maiksing tugon ng dalaga sa binata at umupo nalang ito.

" Order na tayo?

" Sige. " Maiksing tugon ng dalaga dito.

Masayang binalikan lang ng dalawa ang mga nakaraan nila tila wala na talaga ang bigat ng kahapon sa hindi magandang pagtatapos ng relasyon nila noon, marahil na rin sa hindi na rin sila bata ngayon at seryoso na sa buhay.

" Mayi."

" Hmm?

" Gusto kong malaman mo na seryoso talaga ako sayo at gagawin ko ang lahat maging akin ka lang ulit." Usap ng binata at hinawakan ang kamay ng dalaga.

" Alam ko ralph pero puwede ba na huwag natin masyadong madaliin ang mga bagay bagay ngayon? Pakiusap ng dalaga dito, tinanguan naman ito ni ralph.

" Naiintindihan ko mayi, maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal pangako." Usap muli ng binata na makikita na seryoso talaga ito sa sinasabi.

" Thank you ralph."

Masaya si mayi na iginagalang ni ralph ang desisyon nito ngayon na huwag madaliin at kilalanin muli nila ang isa't tila nagbago na talaga ang binata sa dating ralph.

Pagkatapos kumain ng lunch lumabas pa ang dalawa at naglakad lakad sa mall at nanuod pa ng movie tila nilaan talaga nila ang araw na ito upang magkakilanlan muli.

---

Present time Australia.

Isang buwan na rin na mamalagi si gabby sa Australia kasama ang kasintahan nitong si ashley naninirahan na rin sila sa iisang bahay, bago sila magtungo sa Australia ay bumili na ang dalawa ng sarili nilang bahay dito dahil gusto ni Ashley na dito na sila manirahan ng kasintahan kulang nalang talaga sa dalawa ay kasal.

Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni gabby ang pilipinas at ang dating kasintahan nitong si mayi at kahit ano pa ang gawin nito na libangin ang sarili upang makalimutan lang ang dalaga ay hindi pa rin nito magawa.

-

📲

" Yes dad aasikasuhin ko rin po agad." Tugon ni gabby sa kabilang linya na tila seryoso ang pinagu-usapan ng mag-ama.

" Opo, naiintindihan ko po."

" Sige po dad bye." Pagpapaalam ni gabby sa kabilang linya kausap ang ama nito.

-

" Sino tumawag hon? Tanong ni Ashley ng makitang ibaba ni gabby ang telepono pagdating nito sa sala at nilapitan ang kasintahan at niyakap ito.

" Si daddy." Maiksing tugon ni gabby.

" Hmm bakit daw napatawag? Tanong ni Ashley.

" Pinapabalik ako ni dad sa manila. "

" Huh? Bakit?

" Kailangan niya daw ako doon ngayon maraming problema ang kompanya namin at hindi kaya ni dad na ihandle lahat ng yun ng sabay sabay."

" So uuwi ka talaga ng manila?

" Oo kailangan eh."

" Paano tayo? Seryosong tanong ni Ashley kay gabby na patingin naman ito dito.

" Paano tayo? Edi tayo pa rin uuwi lang naman ako ashley wala naman magbabago sa atin."

" Iiwanan mo talaga ako dito?

" Hindi ko puwede pabayaan ang obligasyon ko sa pamilya ko Ashley sana maintindihan mo yun."

" Okay sige babalik tayo ng manila sasama ako sayo."

" Hon kung sasama ka sa akin paano yung tinayo mong negosyo dito yung restaurant yung coffee shop paano? Diba pangarap mo yun tapos iiwanan mo ng dahil lang sakin?

" Oo pangarap ko yun na binuo kasama ka, kaya kung wala ka dito paano ako makakakilos?

" Ashley saglit lang ako doon tutulungan ko lang si dad at kapag naayos ko yun babalik rin naman ako dito."

" Mangako ka muna sa akin na babalikan mo ako dito." Maotoridad na usap ni Ashley sa kasintahan.

" Hays okay pangako hon babalik rin ako dito at isa pa hindi pa naman ako agad makakabalik ng manila may mga aayusin pa rin ako dito bago ako umalis may oras pa tayo na magkasama."

" Hmm okay." Maiksing tugon ni Ashley dito at niyakap lang nito si gabby dahil ayaw talaga nito na paalisin ang kasintahan natatakot ito na kapag umalis ito ngayon ay hindi na ito muling makabalik sa kaniya ngunit wala itong magawa kundi magtiwala nalang kay gabby.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now