CHAPTER 12

3.1K 118 7
                                        

1 month later.

Nandito ngayon ang tatlong magkakaibigang sila mika, cley at joey sa isang motocross race track sa meycauayan bulacan, ngayon lang rin kasi nagka-oras ang tatlo para makapaglaro ng paborito nilang extreme sports.

Sumasama pa rin si joey sa mga kaibigan nito kahit hindi naman ito naglalaro ng nasabing sports para suportahan na rin ang mga kaibigan nito, si gabby naman ay hindi na kasama dahil noong gabing nagpapaalam ito sa nobya ay hindi siya nito pinayagan.

Wala naman competition silang sasalihan ngayon gusto lang talaga makapaglaro ang tatlong ito dahil matagal na rin ng huli silang nakatapak sa race track.

" Kawawa naman yung kaibigan natin' si gabby mga tol gustong gusto na rin yun maglaro, sa inyong dalawa siya talaga mahilig dito eh." Paguumpisa ni joey habang nagbibihis ang dalawa ng gear nila.

" Wala under eh." Pagbibiro ni mika.

" Hmm kung nandito yun pahihirapan na naman niya kami ang hirap niyang talunin eh kahit nga itong si mika hirap siyang talunin kapag nasa track na." Sabat ni cley.

" Ikaw lang hindi makatalo sa kaniya ano, ilang beses ko na kaya siyang natalo dito." Pagyayabang ni mika.

" Sus ilang beses ka lang naman nanalo sa kaniya mas marami pa rin yung natalo ka niya." Pangaasar ni cley kay mika, inirapan lang naman ito ng isa dahil totoo naman talaga ang sinabi ng kaibigan nito.

Sa tatlong magkakaibigan si gabby talaga ang bata palang sumasali na sa competition may kinalaman sa motocross at pagdating sa sports dito masasabi na lamang si gabby sa pinsan nitong si mika.

" Late na ba ako? Usap ni gabby pagdating bitbit ang mga gamit nito pang race.

" Oh gabby kala ko ba hindi ka makakapaglaro ngayon? Tanong ni cley.

" Oo nga sabi mo hindi ka pinayagan ni mayi? Sabat naman ni joey.

" Last 2 mins pinayagan rin ako tsaka alam naman niya na ito talaga yung sports ko eh basta daw umuwi ako ng buo sa kaniya mamaya."

" Akala naman namin maangas kana talaga at pumunta ka dito kahit hindi ka pinayagan, hahanga na sana kami sayo eh." Natatawang usap ni joey.

" Oo sa sobrang angas ko pagbalik ko wala na akong girlfriend ganun gusto niyo? Naiiling na usap ni gabby habang hinahanda na nito ang mga gear na pang race.

" So kapag sinabi sayo ni mayi na hindi kana puwede maglaro titigil kana talaga tol? Seryosong tanong ni cley.

" Syempre, ayoko lang na magalit sakin si mayi at pag-awayan pa namin 'to mas mahalaga pa rin siya kumpara sa paglalaro ko."

" Takusa talaga." Sabay na sambit ng tatlo kay gabby.

" Heh! Inggit lang kayo!

" Hindi rin! Dibale nalang! Wala akong balak magpa-under gaya sayo gabby." Sabat ni mika.

" Hmm makakahanap ka rin ng katapat mo pinsan! Nginitian lang naman ni mika ang pinsan nito.

Habang nagu-usap ang apat at naghahanda na para sa race mamaya at nagsusuot na rin ng gear si gabby dahil na huli ito ng dating, may lumapit naman sa mga ito.

" Gabby, hindi ko alam nagmo-motocross ka rin pala? Pagbati ng lalake dito kasama ang mga barkada nito bigla naman nagbago ang awra ni gabby ng makita ito.

" Oo ralph matagal na, hmm hindi ko rin alam naglalaro ka rin pala nito ngayon lang kasi kita nakita dito."

" Ah oo sa taguig lang kasi ako naglalaro dati eh sabi maganda raw dito kaya napadayo ako tsaka natalo ko na lahat ng tao dun maiba lang kaya nagtry ako dito, gusto mo race tayo mamaya? Katuwaan lang. " Usap ni ralph na tila nagyayabang ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now