CHAPTER 15

1.5K 28 3
                                    

Nagising si mayi ngayong umaga na masakit ang katawan nito, naalala rin niya ang nangyari sa kanila ng kasintahan noong gabi, nakapikit pa rin ito at tila hindi pa gustong bumangon mula sa higaan dahil sa bigat ng pakiramdam nito ngayon.

Hindi rin makapaniwala ang dalaga na binigay nito ang sarili sa kasintahan, na hindi niya ginawa noon sa dating kasintahan na si Ralph, ngunit hindi naman ito nagsisisi sa ginawa dahil mahal naman nito si gabby.

" Babe." Sambit ni gabby sa likuran ng dalaga at niyakap ang hubad na katawan nito mula sa bewang at hinila palapit sa kaniya.

" Hmm." Tugon ni mayi sa kasintahan na kagigising palang.

" Babe, magpakasal na kaya tayo? Gusto ko yung ganito, yung lagi kitang nakikita paggising ko palang sa umaga." Usap ni gabby kahit tila inaantok pa ito, nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng kasintahan kaya humarap ito sa kaniya.

" Huh? Kasal?

" Oo babe pakasal kana sakin." Usap muli ni gabby na makikita sa mata nito na seryoso ito.

" Alam mong hindi pa puwede gabby diba? Usap ng dalaga at hinawakan ang mukha ng kasintahan.

" Bakit hindi puwede? Kaya naman kita buhayin babe may trabaho naman tayo pareho."

" Kasi po hindi pa okay yung family natin ayoko naman na magpapakasal tayo, tapos ganito yung sitwasyon ng pamilya natin diba?

" Hays, okay wala naman ako magagawa ikaw ang masusunod sa atin eh." Malungkot na usap ni gabby.

" Babe, naiintindihan mo naman diba? Tumango lang naman si gabby bilang tugon dito kahit gusto talaga nitong pakasalan ang kasintahan.

" Oh saan ka pupunta? Tanong ni mayi dito ng biglang tumayo ang kasintahan mula sa kama.

" Kukuha lang ako ng damit mo babe." Sagot ni gabby dito dahil hanggang ngayon wala pa rin suot ang dalaga ngunit natigilan ito ng lingunin muli ang kasintahan at makita ang mga dugo sa kumot at kama.

" Why? Pagtatakang tanong ni mayi dahil hindi nito alam na dinugo ito noong gabi marahil sa dilim ng kuwarto.

" Bakit hindi mo sinabi sakin? Usap ni gabby paglapit niya sa dalaga.

" Ang alin gabby?

" Na--

" Na ano gabby?

" Na v*rg*n kapa? Akala ko kasi hindi kana--

" Akala mo may nangyari na samin ni ralph hmm? Dalawang taon nga naman kasi kami diba? Nakataas kilay na usap ng dalaga.

" Oo." Nakayukong sagot ni gabby sa kasintahan.

" Okay." Maiksing tugon ni mayi dito tumayo nalang ito at kinuha ang gray longsleeve ng kasintahan sa tabi ng kama, sinuot ito at lumabas ng kuwarto.

" Babe, galit kaba? Habol ni gabby sa dalaga.

" Hindi. " Usap muli ng dalaga paglingon nito kay gabby habang pinupulot ang mga damit nito isa isa sa sahig na naiwan noong gabi.

" Galit ka eh, babe I'm sorry na."

" Hindi nga sabi eh." Iritang sagot ng dalaga at muli itong pumasok ng kuwarto upang magtungo ng banyo ngunit hinarang na ito ni gabby.

" Ano ba gabby! Maliligo na nga ako! Inis na usap nito sa kasintahan.

" Hays bakit kaba nagagalit?

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin