prologue

3.5K 99 8
                                    

Nakangiti kong pinagmamasdan si elias habang nakikipaglaro sa mga bata rito sa parke. Hindi ko lubos akalain na darating pala ang isang anghel na kagaya ni elias.

Siya ang naging pahinga at sandalan ko noong mga araw na walang-wala na ako, kahit na siya rin ang nag-papaalala sa akin sa masalimuot kong nakaraan.

Naalala ko pa kung paano ako mag-makaawa at lumuhod sa harapan niya, para lang huwag niya ako iwanan.

"Mama!" napatigil ako sa pag balik-tanaw ng makita ko ang aking anak na tumatakbo papalapit sa akin.

"Dahan-dahan sa pag takbo anak!" malumanay na saway ko sa kanya, tumigil naman siya sa pag takbo at naka-ngiting lumapit sa akin.

"Mama‚ i want ice cream!" naka ngusong sabi niya sabay turo sa nag titinda ng ice cream.

"Okay‚ wait me here." natatawa kong sabi sa kanya at iginaya ko siya pa-upo, natatawa ako dahil sa pagiging bibo niya. Parang hindi nga siya nakakaramdam ng pagod, simula kasi nang makarating kami rito ay hindi na siya tumigil kakalaro.

Lumapit ako sa nag titinda ng ice cream. "Pabili nga po manong." nakangiti kong sabi.

"Ano pong flavor ma'am?" tanong niya. Sumilip naman ako sa lalagyanan ng mga ice cream.

"Ube at mangga nalang ho." Favorite kasi ni elias ang ube at mangga pag ice cream na ang usapan.

Nagsimula na siyang maglagay ng ice cream sa apa.

Nang matapos siya mag lagay ay ka-agad niya itong inabot sa akin.

"Magkano po ito manong?" tanong ko at tinanggap ito.

"Bente pesos ho ma'am!" inabot ko sa kanya ang eksaktong bayad, nginitian at tinanguan ko siya tanda ng pag-papaalam na ako'y aalis na.

Agad akong lumapit sa pwesto ni elias‚ naabutan ko siyang tahimik na naka-upo.

Mahina kong tinapik ang kanyang balikat. "Here's your ice cream, baby" sabi ko sabay abot sa kanya.

"Yey! thank you mama!" naka-ngiting pasasalamat niya sa akin.

"Anything for my baby." ani ko.

Nung sumapit na ang tanghali ay napagpasyahan na naming umuwi, kailangan na naming umuwi kasi baka mainip na si johan sa pag aantay sa amin.

Ayaw pa naman non ang pinaghihintay siya, short tempered person pa naman yon. Ewan ko ba r'on iniwan lang ng jowa niya naging ganon na.

Pumara ako ng tricycle, ka-agad naman itong huminto sa harapan namin.

"Saan kayo ineng?" tanong ni manong driver na agad ko namang sinagot.

"Sa pang apat na kanto po manong." ani ko sa kanya.

Maliit lang kasi ang probinsya namin kaya konti lang ang turistang bumibisita rito. Maganda naman ang mga lugar dito, sadyang hindi pa kasi ito nadidiskubre.

Huminto ang sinasakyan naming tricycle sa harap ng tindahan ni aleng tinay.

"Bayad po!" ani ko at inabot kay manong driver ang bayad.

Bumama na kami sa tricycle at dumeritso kami sa tindahan ni aleng tinay.

Kukunin kasi namin ang pina-reserve naming adobong manok sa kanya. Bukod kasi sa tindahan ni aleng tinay ay may maiilit din siyang kalinderya.

Wala na kasi akong oras para mag luto pa nang makakain namin ni elias para sa tanghalian, halos tatlong oras din kasi kaming nasa parke kaya nag pa-reserve nalang ako ng ulam namin.

Nang makuha na namin ang adobong manok ay dumeritso na kami sa bahay. Ilang metro ang layo sa tindahan ni aleng tinay.

"Inay! Itay! Andito na ho kami!" malumanay na sabi ko nang makapasok kami sa bahay.

"Dito ka muna anak ha? Mag papalit lang si mama." pa-alam ko kay elias at iginaya siya pa-upo sa upuan sa salas.

"Opo inay!" magiliw na sagot niya sa akin.

Nginitian ko lang siya atsaka gumayak na papasok sa kwarto namin ni elias.

Kasalukuyan kaming nakatira rito sa bahay nila mama. Pagkatapos kasi ng graduation ko ay agad akong lumuwas nang maynila para rito manirahan.

Kung saan ako nababagay.

Nang matapos akong mag bihis ay ka-agad akong pumunta sa kusina.

Naabutan ko ro'n sina inay‚ itay at si elias, at si johan na masama ang tingin sa akin.

"Oh anak, kain na!" aya sa akin ni inay.

Ngumiti at tumango ako‚ tsaka umupo sa tabi ni elias. Napag-gigitnaan kasi namin ni johan si elias, sa harap naman namin ay sina inay.

"Kanina pa kita hinihintay anna." seryosong sabi ni johan habang kumakain.

Sabi na eh.

Sabay sana kaming pupunta sa palengke ngayon‚ kaso napasarap nang laro si elias kaya inabot na kami ng tanghali.

"Pwede namang pag-katapos nalang nating kumain, hehehe." pag papalusot ko sa kanya. Syempre galit yan kasi ang sabi ko sa kanya maaga ang uwi namin.

Pupunta dapat kami sa palengke pero nag e-enjoy ang anak ko kaya nakalimutan ko na may pupuntahan pala kami‚ nawala sa isipan ko yon.

"May trabaho ako mamaya." ani niya. Tahimik namang nakikinig sa usapan namin sila inay.

"Oo nga pala!" mahinang bulong ko at napa-kamot pa sa batok.

"Bukas?" patanong na sabi ko at napipilitang ngumiti.

"Osige!" pagsuko niya at tipid na ngumiti.

Ganiyan talaga yan‚ tulad nga ng sabi ko nag bago lang ang pag uugali niyan nung iniwan siya nang ex niya.

Malapit na kasi ang fiesta rito sa amin kaya kailangan na naming mamalengke nang maihahanda namin.

At syempre yong excited kong pinsan hindi na makapaghintay‚ ayon hindi lang natuloy nagalit na.

"Ah anak?!" pag basag ni nanay sa katahimikan.

"Po?" tanong ko.

"Pumunta kasi si mareng iska rito kanina.." sabi niya at uminom muna bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kukunin ka raw nilang judge sa pageant sa fiesta." ani niya.

"Po? bakit ako?" nalilitong tanong ko‚ wala kasi akong alam sa pageant pageant na yan.

"Kinulang daw eh, hindi raw makakadalo yong isang magiging judge." paliwanag niya at ngumiti sa akin. "Tanggapin mo na anak!" pag pipilit niya sa akin.

"Wala pong magbabantay kay elias nay!" usal ko. Ano bang malay ko r'yan sa pageant pageant na yan? ni-hindi pa nga ako nakasali r'yan.

"Kami na ang magbabantay." presinta ni itay.

"Pero inay‚ itay! hindi ko pa alam yang pageant na yan." problemadong sabi ko.

"Kaya mo yan! i ju-judge mo lang naman anak." pag pupumilit ni nanay.

"Sige na nga, ang kulit niyo kasi eh!!" napipilitan kong sabi. Pumayag nalang ako kesa naman mag-damag nila akong pilitin.

Napuno ng tawanan at chikahan ang buong kusina nang tanghaling yon, bati na rin kami ni insan. Ang sabi niya ang nag tampo raw siya kasi pinaghintay ko siya. Ang babaw diba?

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now