chapter 15

1.2K 46 8
                                    

Naka-limang baso pa ako ng cocktail bago ako inaya ni viola na sumayaw sa dance floor. Pumunta kami sa may bandang gitna, napaka-wild pa rin ng paligid dahil siguro ay lasing na rin sila.

Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo pero binalewala ko nalang yon at nagpatiunod sa paghila sa akin ni viola.

Nang huminto kami sa gitna at binitiwan niya na ako at nanghila ng lalaking may kasayawan. Napailing nalang ako, ang babaeng 'to talaga.

Naramdaman ko namang may yumapos sa bewang ko kaya napalingon ako sa taong may-ari ng mga kamay na nasa bewang ko.

Pilit kong tinatanggal yon pero mas lalo lang humihigpit. "Let's dance?" bulong niya sa tenga ko.

Umiling ako sa kanya at pilit pa rin na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko. Hindi kasi ako sanay na hinahawakan ng ibang lalaki. Nakakailang kaya.

"Bitawan mo nga!" nagpupumiglas na saad ko sa kanya. Hindi siya natinag at hindi manlang ako binitiwan.

Natigil lang ako sa pagpupumiglas ng makitang may malaking kamay ang mahigpit na humawak sa kamay nang lalaking naka hawak sa bewang ko.

"Let her go." seryoso saad niya at siya na mismo ang humila sa akin mula sa lalaki. Nag tatagis ang bagang niya senyales na galit siya. Teka! bakit naman siya magagalit?

"Sino ka ba? akin siya pre! humanap ka nalang ng iyo." maangas na sabi nung lalaki at hihilain pa sana ako nang bigla nalang siyang sinuntok ng malakas ni silas.

Napahiga naman yong lalaki dahil siguro sa lakas nun. Konti lang ang nakapansin sa ginawang pagsuntok ni silas kasi malakas ang tugtug, kaya siguro hindi nila napansin.

"Fuck off. She's mine." mariin na saad niya silas at binigyan pa ng isang suntok ang lalaki bago ako tuluyang hilain palabas ng bar.

Malakas na tumibok ang puso ko ng magpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? walang nag mamay-ari sa akin maliban lang sa sarili ko, pag-aari ko ang sarili ko at wala nang iba pang nag mamay-ari sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng isang magarang kotse na kulay itim. Hindi ito ang gamit niya ng ihatid niya ako sa bahay, ang dama niya namang kotse.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat at mariin na tinapunan ako ng tingin. "Get in."

Nang hindi ako sumunod sa utos niya ay mariin siya napapikit na tila pinapakalma ang sarili. Ayoko nga sumama baka hinahanap na ako ni viola.

Napayuko ako at napahawak sa sintido ko ng bigla nalang akong nakaramdam ng pakahilo.

Napaangat ang tingin ko sa kanya ng bigla nalang akong umangat sa ere. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong binuhat niya ako, binuhat niya ako nang parang sako ng bigas.

"You're so stubborn, tsk. As always." asik niya at ipinasok ako sa front seat. Pagkatapos niya akong ipasok ay siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko bago isara ang pinto.

Umikot siya at pumasok sa driver seat tsaka inistart ang makina ng sasakyan. Walang ni-isa ang gustong magsalita kaya dahil sa hilo ay mas pinili ko nalang matulog. Kanina pa ako nahihilo dahil sa alak na ininom ko.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may kamay na humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti akong dumilat at agad na nag tama ang paningin namin ni silas.

"You're awake. I've been waiting you for almost two minutes." mahina niyang saad habang patuloy paring hinahaplos ang pisngi ko.

Lumayo naman ako ng kaunti at inilipat ang tingin sa labas. Na sa isa kaming bahay, hindi bahay kundi mansion. Nakakamangha, sobrang ganda.

"K-kanino yan?" tanong ko at tinuro ang mansion.

"It's mine." saad nito. Gulat ko naman siyang tinignan. Ang bata niya pa pero may mansion na siya? iba talaga pag mayaman.

"Bakit nga pala tayo andito?" takang tanong ko. Ngumisi naman siya at pinakatitigan ako.

"I don't know, I want to spend my night with you. To give you a punishment?" mapaglaro siyang ngumisi sa akin. Nagtataka naman ako. Bakit ako nagkaroon ng punishment?

"Hindi kita maintindihan! anong punishment? may nagawa ba akong mali sa school?" natatarantang tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nilabag na rules ng school.

Umiling siya. "Sa school wala, pero sa akin meron."

"A-ano?" tanong ko. Nginisihan niya muna ako bago muling umiling.

"I'll tell you later, let's go inside." aniya at bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

Agad niya akong hinila ng makalabas ako. Ang hilig niya talagang manghila, tch.

Pagtapak palang namin sa may hagdan ng pintuan ay sumisigaw na ng karangyaan sa buhay ang may-ari ng mansion na ito. Nakapa-ganda ng desenyo at halatang mahal talaga ang nagastos dito.

Nang makapasok ay sinalubong kami ng nakaherilang mga kasambahay. Sa tansya ko ay na sa labing walo sila. Sa laki ba naman ng mansion na ito ay kakailanganin talaga ng maraming kasambahay para malinisan ang mansion na ito.

Binati nila si silas pero hindi niya manlang pinansin at patuloy na hinila ako papasok. Tumigil siya sa tapat ng isang medyo matandang babae na siguro ay mayordoma.

"Mang prepare our dinner. Thanks." aniya ng hindi manlang niya tinitignan ang matanda. Nahihiya naman akong tumingin dito at tinignan siya ng 'pagpasensyahan niyo na po ang ugali niya' look. Mukhang naintindihan naman yon ni manang at naka-ngiting tumango sa akin.

Agad kong naalis ang paningin ko kay. manang nang hilain na ako paakyat ni silas.

"Teka, saan tayo pupunta?!" takang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang na lumakad.

Tumigil kami sa tapat ng isang kulay kremang pinto. Binuksan niya iyon at agad akong hinila papasok.

Nagulat na lamang ako ng malakas niya akong isandal sa dingding. Nagtatagis ang bagang niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Sino ang nagbigay sayo ng permiso para pumunta sa ganung lugar?" galit na tanong niya. Nakakatakot siya, kanina naman ay ang kalmado niya pa, pero ngayon. Hays.

Bipolar.

"A-ahm, sarili ko?" patanong na saad ko na mas lalong ikinatagis ng bagang niya.

"Fuck rihanna! did you know that I want to fuck you hard and rough right now?" bigla ay ang kaninang galit na mukha niya ay napalitan ng ngisi.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now