chapter 18

1K 39 9
                                    

"Hi ma'am! si Rihanna Ruiz po?" tanong niya. Nagtaka naman ako kung bakit niya ako hinahanap.

"Yes. She's here! why?" tanong ni ma'am at itinuro ang pwesto ko.

"Pinapatawag po kasi siya ni Mr. President sa office niya." aniya. "Mauna na po ako!" paalam niya at umalis na.

"Miss Ruiz? go to the ssg president's office, now." aniya kaya tumayo ako at yumuko. Bakit naman kasi ako pinapatawag nung lalaking yon.

Naramdaman kong lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin kaya lalo akong napayuko. Kainis naman, baka isipin nila may nagawa akong masama kaya ako pinapatawag sa office ni silas.

Nakayuko akong lubas ng room dahil sa kaba. Baka may nagawa akong mali nang hindi ka nalalaman? ang shunga ko naman.

Nang makarating ako sa tapat ng office niya ay kinakabahan akong kumatok. Nakaka isang katok palang ako ng marinig ko na ang mala yelo niyang boses.

"Come in." kinakabahan kong pinihit ang hawakan ng pinto. Nang makapasok ay nakita ko siya diretso ang tingin sa akin habang naka-sandal sa swivel chair niya.

Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya habang naka-tupi naman ang dulo ng polo niya.

Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa baba niya habang ang isa ay may hawak na ballpen at pinapaikot iyon.

Grabe, ang hot niya tignan.

"P-pinapatawag mo raw ako?" hindi makatingin ng diretso kong tanong. Nakakailang kasi yong titig niya tapos ang gwapo niya pa tignan.

"Hmm, yes." mahinang niya sagot.

"B-bakit?" tanong ko at taka ko siyang binalingan ng tingin.

He smirk before answering my question. "Hmm, nothing. I just want to see your beautiful face?" saad niya na ikina-init ng pisngi ko.

"H-ha?" nagtataka kong tanong. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya kasi gusto niyang makita yong mukha ko?

"Tsk!" singhal niya. Hindi niya yata nagustuhan yong sinabi ko.

"Sit." utos niya. Ayos ah! parang aso lang?

"Sabihin mo na lang ku-" hindi ko na natapos ang balak kong sabihin ng unahan niya ako.

"Just fucking do what I said rihanna." dumagundong ang boses niya sa loob ng opisina niya ng malakas siyang sumigaw. Mukha siyang galit at naiirita.

Dahil sa takot ay agad akong umupo sa kaharap niyang upuan.

"Not there, come here." saad niya gamit ang kalmadong boses. Kaya kahit na hindi ko siya maintindihan ay tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nang makalapit sa kanya ay tumigil ako sa gilid niya. Saan naman ako uupo? bukod kasi sa kinauupuan niya at sa harap ng mesa niya na may dalawang upuan ay wala na akong ibang upuan na nakikita.

"Saan ako uupo?" nagtataka kong tanong. Kinilabutan ako ng makita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya.

"Sit on my lap." nakangising utos niya. Mas lalo akong kinabahan.

"H-ha?" naiilang kong saad. Punyemas sino ba naman ang hindi maiilang dun? gusto niyang umupo ako sa hita niya? tsaka wala naman kaming relasyon, bakit ako uupo sa hita niya?

"Don't make me mad again, rihanna. Sit on my lap." seryoso niyang wika kaya umiling ako.

Napasabunot siya sa kanyang buhok dahil sa inis at mabilis akong hinila pa-upo sa hita niya.

Nanlalaki ang mga mata ko ng tuluyan na akong mapa-upo roon. Nanigas ako sa gulat at pinipilit na tumayo pero agad niya nang ipinulupot ang malalaki niyang braso sa bewang ko.

"A-ano....ahm, a-alis n-na a-ako!" nauutal kong saad. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo lang iyon humihigpit.

"Stay." seryoso niyang saad.

"Did you eat your breakfast?" tanong niya nang mapansing nananatili akong tahimik. Tumango ako at nanatiling tikom ang bibig.

"Good to know." saad niya. Naramdaman kong bahagya niyang inaamoy ang buhok ko habang nilalaro ang dulo niyon.

Ewan pero nakaka-antok ang ginagawa niya. Habang tumatagal ay hinihila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog sa bisig niya.

"Hmmm..." ungot ko ng nakaramdam ng lamig. Bakit ang lamig?

Mas lalo akong sumiksik sa unan na yakap-yakap ko dahil sa lamig. Wait, unan? ang naalala ko ay sa hita ni silas ako natulog. Bakit biglang nagka-unan?

Hindi ko naman pinansin yon at natulog muli. Ang sarap sa pakiramdam nung hinihigaan ko, napakal-lambot nito. Ang unan naman na kanina ko pa yakap yakap ay napaka-bango.

Lalo akong nagsumiksik sa unan at nilanghap langhap ito.

"Stop sniffing me." natigilan ako ng biglang magsalita ang niyayakap ko.

"H-huh? nagsasalita ba ang unan?" nakapikit kong tanong sa sarili.

"I'm not a pillow." I was stunned for a moment because of shock. Sabi na eh, minumulto ata ako. Nagsasalita ba naman yong unan. Wow.

"I know what you're thinking. I'm not a pillow, open your eyes." ka-agad akong napamulat ng mabosesan ko kung kanino nang gagalin ang boses.

Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising.

Napahawak ako sa mata ko para icheck kung may muta ba ako, nakakahiya naman kasi sa katabi ko. Siya fresh pa rin kahit bagong gising pero ako parang tindera na ng isda.

"A-ah hehehe, g-goodmorning?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya.

"Hmm," he hummed softly. Halatang kagigising niya lang kasi medyo paos pa siya. "Goodmorning too, baby."

"A-ahm-" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang bigla siyang sumingit.

"Are you hungry? I'll tell manang to cook our lunch." he said and pull me closer to him. Lalo akong naiilang sa ginagawa niya.

"A-ahm, hin-" I was interrupted again. Tumunog kasi ang tiyan ko senyales na gutom na ako. Itatangi ko sanang hindi ako gutom pero naunahan na ako ng magaling kong tiyan.

At ano raw? lunch na?

"Lunch na?" tanong ko. He nodded as respond.

"Yes!" he stared at me. "I'm hungry too. Wait me here, I will just tell manang to prepare food for us." aniya at hinalikan muna ako sa noo at pisngi bago lumabas.

Inilibot ko ang patingin ko sa kwartong pinagtulugan namin. Black ang pintura at amoy pang lalaki, malamang sa kanya ito. 

LS #1: Silas LaurierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon