chapter 28

1K 26 0
                                    

"Guys! kakain na! tama na yang inom, kain muna tayo!" pagtatawag ni Chelsea sa mga pinsan niyang nag iinom habang nilalagay sa plato ang mga naihaw na. Tinulungan ko siyang mag lagay niyon sa pinggan. Habang si Sofie naman ay inaayos ang mga pinggan na gagamitin namin.

Tumayo na sila at lumapit sa amin. Pahaba kasi ang mesa tapos medyo malaki pa kaya talagang malaki ang space namin.

Tumabi sa akin si silas at hinila pa palapit sa kanya ang inuupuan ko. "Silas, ano ba? para na tayong kambal tuko sa sobrang lapit sa isa't isa." naka nguso kong reklamo.

Seryoso niya akong tinignan. "I want you near me."

Agad namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Minsan talaga hindi ko maiwasang mamula pag may sinasabi siyang nakakakilig para sa akin, na hindi niya alam na nakakakilig pala.

Hindi na lang ako umimik at nagpanggap na hindi ako apektado. Hinila ko palapit sa akin ang hipon. Favorite ko ang hipon eh, noong na sa probinsya pa lamang ako ay laging nagluluto nito si inay.

"Let me peal it for you." aniya at inagaw sa akin ang mga hipon at nilagay sa platong walang laman. Isa-isa niya yong binalatan at binalik na rin sa plato ko.

"Sayang wala kasi si ate tyra, kung bakit ba kasi hindi siya pinayagan nung tukmol niyang boyfriend?!" saad ni Chelsea habang salubong ang kilay. Halata rin ang pagkainis sa tono ng boses niya.

Sino si tyra?

"True! bakit kaya simula nung naging sila na hindi na pinapayagan si ate tyra na sumama sa atin sa outing?" takang tanong ni Sofie.

"Baka busy lang sila?" singit naman ni gael. Sumang-ayon naman sila kael sa sinabi ni gael.

Lumapit ako kay silas at tinapat ang bibig ko sa tenga niya. "Sino si tyra, silas?"

Tumikhim siya at binalingan ako ng tingin. "My c-" natigil siya sa sasabihin ng sumabat si gael.

"Kuya silas? saang bansa pala dinala ni josh si tyra?" koryusong tanong nito.

"France." tipid na sagot ni silas.

"Bakit niya naman dinala sa france si ate tyra? tsaka nag aaral pa yon eh!" tanong naman ni Chelsea. Jusko hindi na nasasagot ni silas yong tanong ko.

Nagkabit-balikat si silas, "I don't know."

Namayani ang katahimikan pagkatapos magsalita ni silas. Tatanungin ko na lang siguro siya ulit mamaya pag kaming dalawa na lang.

Matapos mag lunch ay nag-aya na silang maligo sa dagat pero naiwan kami nila Chelsea at Sofie rito sa cottage. Mag papaiwan din sana si silas kaso hinila na siya nila kael.

"Ate Rihanna, palit tayo?" excited na tanong ni Chelsea.

Naguguluhan ko siyang tinignan, "Ha?! palit ang ano?"

Mahina namang siyang natawa, "Swimsuit, ate."

"Ayaw ni silas na mag swimsuit ako eh!" naka ngiwing saad ko. Ewan ko ba ro'n sa lalaking yon! ayaw akong payagan.

"Si kuya silas talaga!" wika ni Sofie at umiling, "Basta hayaan niya na si kuya silas, enjoyin na lang natin tapos papagalitan tayo later."

"Tara na!" saad ni Chelsea at hinila na kaming dalawa ni Sofie papasok sa loob ng hotel.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay dali-dali kaming pumunta sa hotel room ni Chelsea. Pinatong niya sa kama ang malaking maleta at hinalungkat, nilabas niya mula roon ang tatlong two piece swimsuit.

Binigay niya sa akin ang black samantalang kay Sofie naman ay pula at ang kanya naman ay blue. Pagkatapos isuot ay humarap ako sa malaking salamin. Bumagay sa balat ko ang kulay itim kaya lumilitaw pa lalo ang maputi at makinis kong balat.

Sabay na lumabas mula sa banyo si Sofie at Chelsea, tinignan ko sila mula sa salamin na napa-ngiti ng makita akong suot ang swimsuit.

Mas lumapit si Chelsea sa akin, "Ngayon ko lang napansin na ang kinis at ang puti pala ng kutis mo ate?!" sabi niya sa hindi makapaliwanang tono.

"Huh? lagi naman akong naka dress ah?" saad ko.

Tumango siya at pinag-masdan ang sarili sa salamin. "Hindi ko kasi napansin nung una nating pagkikita, ate. Ang ganda mo naman kasi kaya yong mukha mo na lang ang lagi kong tinitignan." saad niya at mahinang tumawa.

"True." sang-ayon naman ni Sofie.

Napasimangot ako dahil dun, malay ko ba kong naliliko nila ako. "Tapos na kayo? tara na nga!"

"Tara na nga." saad ni Sofie at tumungo sa gilid ng kama niya kung saan naka-lagay ang tatlong roba na pinakuha niya kanina sa staff. Binigay niya sa amin 'yon. Nakakahiya naman kasi sa ibang tao kung lalabas kaming naka-ganon. Although, pwede naman magsuot ng swimsuit kasi na sa dagat kami pero kasi nakakahiya naman sa ibang tao. Minsan kasi may tao na basta-basta na lang may sinasabi, kumbaga mabilis humusga.

"Oy ate? tara na!" nabalik lamang ako sa reyalidad ng bigla na lang pumitik ng kamay si Chelsea sa harap ko. "Kanina pa kami nagsasalita rito pero nakatulala ka lang, ayos ka lang ba ate?"

Pilit akong ngumiti, "Okay lang ako, iniisip ko lang kung magagalit ba si Silas sa suot ko."

Alanganin din siyang ngumiti, "Mamaya na lang natin isipin iyan ate rihanna, mamaya pa naman magagalit si kuya eh. I-enjoy muna natin itong suot natin hehehe....." saad ni Sofie, pero mahihimigan ang kaba sa boses niya.

"Oo nga ate! mamaya na lang natin isipin 'yan!" sang-ayon naman ni Chelsea. Mahina akong bumuntong-hininga dahil sa kaba.

Dahan-dahan akong tumango kaya inaya na nila akong bumaba na sa lobby para na rin maabutan namin ang mga pinsan nila na naliligo pa. Para na rin maka-bonding namin silas, minsan lang naman 'to kaya dapat ay sinusulit.

Pagkababa namin sa lobby ay agad na napunta ang tingin ng mga tao sa amin. Dahil na rin siguro sa naka-roba kami, tatanggalin rin naman namin ito mamaya.

Pagkalabas namin sa hotel ay agad naming natanaw ang kinaruruonan nila Silas, na sa may bandang pang-pang siya kasama ang iba pa nilang pinsan habang pinapanood sila kael at gael na naglalaro ng volleyball. Bakit yang dalawang unggoy lang ata ang naglalaro?

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now