chapter 1

2.4K 74 5
                                    

Tulad nga ng ipinangako ko kay insan pumunta kami kinabukasan sa palengke para bumili ng mga iluluto para sa fiesta.

"Insan, bibili pa ba tayo ng cake? favorite yon ni elias eh." tanong niya nang mapadaan kami sa tapat ng bake shop.

"Oo‚ pero yong maliit nalang. Tayo-tayo lang din naman kakain n'yan." ani ko.

Pumasok kami sa loob ng bake shop at si insan na ang pumili sa flavor. Nang matapos kaming mamalengke ay umuwi na kami sa bahay, bukas na kasi ang fiesta sa baryo namin kaya naman excited na si insan.

Ewan ko ba ro'n, inaaya na naman akong pumunta sa mall para raw makabili na kami ng damit ko para sa pageant.

Pero tinanggihan ko, hindi naman kasi ako ang rarampa sa stage. Judge lang ako, ang loka tumutol pa pero sa huli sumuko rin.

May mga bagong damit pa naman ako, siguro ay mag d-dress nalang ako para bukas.

Kinabukasan, kasalukuyan kaming nag hahanda ng mga pagkain nang biglang magsalita si inay. "Balita ko may mga bisita raw ang pupunta ngayon." usal nito. "Tapos mayaman daw, isa sa mga mag ju-judge mamaya." chismis niya.

"Saan mo naman narinig yan tita?" singit ni johan.

"Sa mga kapitbahay natin." simpleng sabi niya.

"Si inay talaga! umiiral na naman ang pagiging chismosa." bulong ko sa sarili at sinabayan pa ng pag-iling.

"Anong binubulong mo r'yan rihanna?" asik nito. Patay! narinig ata ni inay.

"Wala ho inay!" natatawang sabi ko. Natawa na rin si insan na nakikinig lang sa usapan namin ni inay.

Matapos maluto ay inayos na namin ito sa hapag. Spaghetti, macaroni salad, leche flan, cake at syempre ang pinaka main food, ang kakanin.

Konti lang ang hinanda namin kasi kami-kami lang naman ang kakain nito. May mga sarili rin kasing handa ang mga kapitbahay namin.

"Insan? may susuotin  kana ba?" tanong sa akin ni insan ng matapos kami sa pag hahanda. Kailangan ko pa palang sunduin si elias sa bahay nila aleng tinay, kinuha kasi siya ni aleng tinay kanina tsaka mahilig kasi sa bata si aleng tinay kaya minsan ay kinukuha niya si elias at tinadala sa bahay niya.

Pabor naman ako ro'n, hindi niya naman kasi pinapabayaan si elias at laging itong binubusog.

"Wala pa eh, siguro mag titingin nalang ako ro'n sa mga hindi ko pa nasuot na damit." ani ko rito. Mamayang gabi kasi gaganapin ang pageant, kaya tudo kulit sa akin tong si insan.

Kala mo naman siya yong inayang mag judge, hays.

"Gandahan mo naman mamili insan!" naka-simangot niyang sabi sa akin. "Ang pangit mo pa naman pumili ng damit." asar niya.

"Tigilan mo nga ako johan!" asik ko.

"Maiwan na kita, susunduin ko pa si elias kila aleng tinay." paalam ko rito at lumabas na.

Habang nag lalakad ang nakarinig naman akong ng mga bulungan, as usual.

"Narinig niyo ba yong kumakalat na balita? may bisita raw na pupunta." rinig kong usal nang babaeng medyo may edad na, may kasama pa siyang dalawang babae.

"Oo! mayaman pa nga. Yon ang sabi nila." sabi nung babaeng kaharap nung unang nag salita kanina.

"Bakit naman kaya biglaan? dati-dati naman walang pumupunta rito ah?!" nag tatakang tanong nung isa.

Hindi ko na narinig pa yong iba nilang usapan dahil medyo malayo na ako sa kanila. Nang makarating ako sa bahay nila aleng tinay ay kagad akong kumatok.

"Aleng tinay!" sabi ko habang kumakatok. Agad naman itong bumukas at bumungad sa akin si adele.

"Oh ate? ikaw pala, pasok ka!" pag-aaya niya sa akin at niluwagan ang siwang ng pinto.

"Hi ade!" nakangiti kong bati sa kanya."Si elias?"

"Nasa kusina po ate, pinapakain ni nanay." sabi niya sabay turo sa kusina nila.

"Sige, maiwan na muna kita ha!" paalam ko sa kanya at tinungo ang kusina nila.

"Oh anna! kain ka." aya sa akin ni aleng tinay nang makita nitong pumasok ako sa kusina.

"Hindi na po aleng tinay! susunduin ko lang po si elias." magalang na usal ko.

"Ah ganon ba? sabagay malapit na rin naman matapos si elias." ani niya.

Napatingin ako kay elias na busy sa pagkain at tila hindi manlang ako napansing pumasok.

Hinintay lang naming matapos kumain si elias at umuwi na rin kami, halos hindi ko nga napansin na hapon na pala. Ang bilis talaga ng oras.

Nang makauwi na kami ay sinalubong agad kami ni itay.

"Apo!" tawag niya kay elias at binuhat ito.

"Lalo! namiss po kita hihihi!" hagikhik nito, nako! nang lalambing na naman.

Iniwan ko nalang silang dalawa at dumeritso nalang sa loob, ano pang gagawin ko ro'n? ni-hindi nga ako napansin ni itay. hays, nagka-anak lang ako, hindi na favorite.

Pumunta ako sa kwarto namin ni elias para mag halungkat ng damit, para sa pageant. Nung mag collage kasi ako ay binilihan ako ni inay at itay ng mga damit bago lumuwas ng maynila. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap, sakto lang.

May malaking sakahan kasi si itay samantalang si inay naman ay may karinderya na mga trabahador nalang namin ang nag tra-trabaho. Simula kasi nang magka-anak ako ay mas pinili nalang ni inay na samahan ako sa pag babantay kay elias.

At higit sa lahat, ayaw ko naman maging mabigat kaya nag apply akong teacher dito sa amin. Fiesta ngayon ka walang pasok.

Balik na nga tayo sa pag hahanap ng damit, ang dami ko nang nasabi. Agad kong nilapag sa kama ang mga napili kong dress at tinignan ito nang maigi.

Naagaw ang pansin ko sa isang backless dress na long sleeve, regalo sa akin to ni viola nung graduation namin.

Mapait akong napangiti nang maalala ang nakaraan, namiss ko nang sobra si viola. Siya lang kasi ang naging kaibigan ko nung una kong pasok sa UOL.

Nagulat ako ng may kumatok at bumakas ang pinto, iniluwa nito si inay.

"Anak! yan ba ang susuotin mo mamaya?" tanong nito nang makita niya ang hawak kong dress.

"Ah, opo inay." ani ko.

"Hindi ka ba mahahamugan o di kaya ay mababastos n'yan?" bakas sa tuno ng kanyang boses ang pag aalala kaya napangiti nalang ako. Si inay talaga, maalalahanin.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now