chapter 17

1.1K 38 0
                                    

"We're here!" aniya at bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Salamat sa paghatid!" pasasalamat ko at nginitian siya. Ginantihan niya naman ako ng ngiti bago ako halikan sa pisngi.

"I'll go now, see you tomorrow!" paalam niya na ikinatango ko. Pumasok siya sa kotse niya at bumusina muna bago tuluyang umalis.

Teka?! hinalikan niya ako sa pisngi??!!

Namumulang pumasok ako sa loob ng bahay ko. Sa sobrang gulat ay nakatutulala pa rin ako hanggang sa makapasok ako sa bahay.

Bumuntong hininga ako at pinipigilan ang sariling wag mapangiti. Ngayon lang ako kinikilig sa lalaki. Dati kasi ay hindi naman talaga ako interesado sa lalaki, mas gusto ko pang mag aral kesa makipag usap o lumabas. Sa probinsya namin ay marami ang nagsasabing gusto niya ako pero tinatawanan ko nalang, para kasi sa akin ay hindi sila seryoso.

Nagbihis ako ng pang-bahay ng makabali sa pagkagulat.

Buong mag hapon akong naglinis ng apartment ko. Naisipan ko rin maglinis kasi yong isang kwarto dito ay puro gamit ang laman. Inalis ko yon at nilipat sa isang malaking kahon kasi ibibigay ko yon yon kay aling loraine. Siya ang may-ari ng apartment na inuupahan ko.

Mabait naman siya pero minsan ay masungit, nung minsang ngang nagtanong ako sa kanya ay kung bakit wala siyang asawa ay sinigawan niya lang ako. Mag isa lang kasi siya kaya nagtataka ako kung bakit wala siyang asawa gayong matanda na siya.

Sino nalang ang mag aalaga sa kanya pag ulyanin na siya, diba?

Syempre joke lang.

Naisipan kong tawagan sila inay dahil tapos naman na ako maglinis ng bahay, simula kasi ng makapunta ako rito ay hindi pa ako nakakatawag kaya sigurado akong nag aalala na sila.

Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone ng mag-umpisa na itong mag ring.

Nakakailang ring pa bago ito tuluyang sinagot ni inay. "Hello, anak?!"

"Nay! kamusta po?" masigla kong tanong.

Narinig ko namang bumuntong hininga si inay bago ako sagutin. "Ayos lang naman kami ng itay mo, ikaw?! miss na kita." kahit hindi ko siya kaharap ngayon ay alam kong malungkot si inay.

"Ayos lang naman po! may nahanap akong murang apartment, nay." saad ko. "Miss ko na rin po kayo ni itay!" malungkot na saad ko.

"Huwag mo kaming alalahanin ha? pagbutihan mo sa school para maka-graduate ka na at maka-uwi na dito." wika niya.

Ngayon lang kasi ako napalayo sa kanila ni itay. Ayaw ko mang umalis pero kailangan eh, kailangan kong mag aral para maiahon ko sila sa kahirapan.

"Opo! si insan nay, kamusta na?" tanong ko.

"Ayos naman siya, busy sa trabaho at sa boyfriend niya." saad niya at tumawa.

Natawa rin ako at napailing. "Si insan talaga! bago na naman ba ang boyfriend niya, nay?" tumatawang tanong ko.

Papalit-palit kasi siya ng boyfriend simula nung iniwan siya ng ex niya at ipagpalit sa mas malapit. Kaya ayon, hindi na siya nagseryoso.

Alam kong makakahanap din siya ng katapat niya someday.

"Oo. Nung isang araw ay aldred ang pangalan pero ngayon naman ay alvin na. A ang nais!" sabi ni inay at humagalpak ng tawa.

Si inay talaga parang bata. I mean para siyang teenager kasi alam niya yong mga salitang yon. Siguro ay naririnig niya sa kapitbahay or baka naman ay kay insan.

"Sige na anak, ibababa ko na ha? tinatawag kasi ako ni mareng tinay." paalam ni inay at kasabay nun ay narinig ko sa kabilang linya na tinatawag nga siya ni aleng tinay.

"Sige po! ingat po kayo ni itay! pasabi rin po kay itay na miss na miss ko na kayo." mahinang sabi ko habang pinipigalan na huwag tumulo ang luhang nag papadyang bumuhos. Wala si itay at sigurado akong na sa bukid yon at nag papakain ng mga alagang baka at kambing, at iba pa.

"Sige. Mag iingat ka ha?" wika ni inay.

Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita. "Opo!"

Pagkatapos naming mag usap ni inay nung araw na iyon ay wala na akong ibang ginawa kundi ni-review ko lang ang mga pinag aralan namin.

Wala rin naman akong ginagawa, mas mabuting mag aral nalang ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko sa may gate si viola. Naka-sandal siya sa may gilid habang nag ce-cellphone. Ano naman kaya ang ginagawa nang niya riyan?

Mabilis akong lumapit sa kanya. "Pst! anong ginagawa mo rito?"

Napalingon siya sa akin at sinagot ang tanong ko. "Hinihintay ka?" patanong na saad niya. Para siyang hindi sigurado.

"Hindi mo naman na ako dapat pang hintayin 'no!" ani ko. Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko.

"Hinanap kaya kita sa bar kaso wala ka na. Tapos kahapon naman hindi ka pumasok." bakas sa tono ng pananalita niya ang tampo at pag-aalala kaya nakaramdam ako konsensya.

"Ayos ka lang ba? sinong kasama mo umuwi?" dugtong pa niya kaya lalo akong nakonsensya.

Nag aalangan pa ako kung sasabihin ko sa kanya na inuwi ako ni silas sa bahay niya.

"Ahm, i-inuwi kasi ako ni s-silas sa ahm, bahay nila?" naiilang kong saad. Bahala na kung hindi siya maniwala. Totoo naman kasing inuwi ako ni silas sa bahay niya eh.

Umukit ang pagtataka sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "Paano ka iuuwi ni silas sa bahay nila eh, hindi ka naman niya kilala, hindi niyo kilala ang isa't isa?"

"Ahm, paano ko ba ito ipapaliwanag?" mahina kong tanong sa sarili. Oo nga naman! hindi namin kilala ang isa't isa. Ang alam ko lang sa kanya ay ang pangalan niya.

"Nevermind! tara na nga! baka malate pa tayo eh." aniya at hinala ako.

Pagpasok naman sa room ay wala pang guro kaya nakahinga ako ng maluwag. 7:20 pm palang naman, 7:30 ang umpisa ng klase namin. May 10 minutes pa.

Medyo marami na rin kaming kaklase na nandito sa loob at yong prof nalang ang hinihintay namin.

Habang nag d-discuss si Ma'am Villanova ay may bigla nalang kumatok sa pintuan kaya lahat kami ay napalingon dun.

May isang lalaki na medyo morena at pandak ang nakatayo sa may pintuan.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now