chapter 29

1K 25 0
                                    

Nang tuluyang makalapit sa kanila ay tsaka lang nila kami napansin. Napatigil pa nga sa paglalaro ng volleyball sila gael at kael.

Nagtatakang lumapit si silas sa akin. "Why are you wearing a bathrobe?" he seriously asked and snaked he's arms on my waist.

Napaubo ako at kinakabahang tinignas sila sofie, tila humihingi ng tulong. "Uhmm....."

Kumunot ang noo niya, "What?"

Tumingin ulit ako sa direksyon nila chelsea at sofie kaso hinihila na sila ngayon nila gael at nila xavier.

Lumingon ako kay silas, "Ahh! kas...." nangangapang sagot niya.

"What, rihanna?!" tila nagpipigil ng galit na tanong niya.

Nagbaba ako ng tingin. "Inaya akong magsuot nila sofie ng swimsuit."

Tumiim bagang siya at humigpit din ang hawak sa bewang ko. "Huwag na huwag mong ta-tanggalin iyang robang iyan, rihanna." bakas sa tono ng boses niya ang pagkainis at pagkairita.

Tumango ako bilang pag sang-ayon. Baka kasi magalit na naman siya pag hindi ko siya sinunod.

"Maliligo ba ako na naka roba lang, silas?" nag aalangan kong tanong.

Tumango tango siya, "Absolutely, yes."

Napasimangot ako at nag iwas ng tingin. "Ikaw bahala..."

Matapos ang tatlong araw na bakasyon namin sa Boracay ay umuwi na rin kami kinaumagahan. Nag-enjoy kami sa mga rides at iba pang activities doon.

Napagdesisyonan nilang tatlong araw lang kami doon kasi ilang araw  na rin akong hindi pumapasok, nakakahiya naman sa mga professors ko.

Pagbalik namin sa manila ay parehas na kaming naging abala ni silas sa kanya kanya naming ginagawa. Dahil si silas nga ang ssg president ng pa-aralan ay maraming mga gawain sa school ang pinagawa sa kanya, tsaka ilang araw din siyang nawala kaya marami siyang naiwan na mga gawain.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi kasi hindi ko na nahintay pa si silas. Sa sobra kasing dami ng ginagawa niya ay halos gabihin na rin kami sa pag-uwi minsan.

Minsan kasi ay pinapasundo niya na lang ako sa driver niya sa bahay niya at tsaka siya mag papaiwan. Kaso ngayon kasi ay umuwi ang driver niya sa probinsya para alagaan ang asawa nitong nag-kasakit.

Hindi ko maiwasang mag tampo sa kanya minsan, kasi naman sobra na siyang busy tapos minsan na lang din kami mag usap. Although sabay naman kaming mag breakfast, lunch at dinner pero dahil nga sa sobrang busy niya ay kahit kumakain kami hindi na rin kami nakakapag-usap dahil puro papel ang kaharap niya.

Naiintidihan ko naman kung bakit siya busy  eh. Anak siya ng may-ari ng school at ssg president din siya, sumabay pa na wala ang mga magulang niya rito sa Pilipinas at kasalukuyang na sa london.

Napatigil ako sa paglalakad sa gilid ng kalsada nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko na hula ko ay si silas. Jeep ang dala niyang sasakyan ngayon at hindi Mercedes Benz

Binaba niya ang bintana ng sasakyan at dumungaw. "Get in."

Tumango ako at pumasok sa sasakyan niya. "Wala ka bang masyadong ginawa sa school at ang aga mo naman atang umuwi?"

"Nothing much," saad niya at minaobra na ang sasakyan. "Why did you not wait for me?" tanong niya at mabilis na sumulyap sa akin. 

"Akala ko kasi busy ka eh, kaya hindi na kita hinintay..... tsaka nagpasundo ako kay manong pidreng kaso biglang nagkasakit ang asawa niya sa probinsya." paliwanag ko. Sumulyap siya ulit sa akin at tumango.

"I see, I'll talk to him later, then." he once glance at me. I nod.

 Narating namin ang bahay niya na hindi masyadong nag-uusap. Pansin ko rin ang problemado niyang mukha. Hindi ko alam kung anong problema ng isang 'to pero nakaka-kaba, hindi naman kasi siya nagsasabi kung may problema ba o wala.

Pagkapasok namin sa bahay niya ay walang imik akong umupo sa sofa samantalang siya naman ay dumiretso sa kusina. Hindi ko naman na kailangang ipagluto o ipaghain pa siya ng pagkain kasi lagi namang nagluluto at naghahanda ng pagkain ang mga katulong niya rito.

Lumabas siya mula sa kusina at tumayo sa harap ko mismo. Tiningala ko siya. "Bakit?" 

"Let's eat?" saad niya at naglahad ng kamay.

Tumango at tinanggap ang naka-lahad niyang kamay. "Tara!"

Iginaya niya ako papunta sa dinning room at pinaghila ng upuan. "Thank you!" pagpapasalamat ko sa kanya at bago umupo.

Tipid lang siyang ngumiti at nilagyan ako ng kainin at ulam sa plato ko. Tahimik kaming kumakain, ni kahit na kanina sa amin ay hindi umiimik. Pansin ko rin ang palagi niyang pananahimik nitong mga nakaraang linggo. Minsan ko na rin siyang kinulit na sabihin sa akin kung may problema man siya pero hindi naman niya sinabi sa akin ang dahilan ng pananahimik niya.

"Bakit ata ang tahimik mo lately?" hindi ko na mapigilang tanong sa kanya. Tuminga siya sa akin at bahagyang ngumiti ng tipid o napipilitan lang?

"Don't mind me, rihanna. Just focus on studying." saad niya at binalik ang tingin sa kinakain. Sa totoo lang hindi ko alam ang dahilan ng pagbago ng trato niya sa akin simula nang bumalik kami rito galing sa boracay.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung may problema ka o kung may bumabagabag man sa isipan mo. Makikinig ako, silas." malungkot kong saad. Nalulungkot ako kasi para ang may pumipigil sa kanyang sabihin sa kin.

"I'll tell it to you someday. Not now, babe." saad niya.

"Okay, if that's what you want."

Matapos kumain ay dumeritso ako sa kwarto namin ni silas para magbihis. Wala siya at na sa library niya, doon kasi siya nag-aaral tsaka ayaw ko rin siyang istorbohin kasi mukhang mahalaga ang mga pinipermahan niya.

Pagkatapos magbihis ay para akong lantang gulay na humiga sa kama. Hindi ko alam kong anong nangyari at bigla na lang naging ganito ang mga nangyayari. Ang huling naaalala ko ay hindi naman kami nag-away o ano man. Maayos pa naman kami bago kami umuwi.

Malungkot kong kinuha ang unan na nakapatong sa isa ko pang unan at yinakap iyon. Hihintayin ko siyang sabihin sa akin ang problem.

Tumagilid ako ng higa at tumingin sa bintana, hanggang sa tuluyang pumikit ang aking mga mata.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now