chapter 9

1.4K 50 1
                                    

"Sige po ma'am, sir! mag hahanda na po kami para sa operasyon, maiwan ko po muna kayo." ani nito at tumayo. Nang tumango ako kay pumasok na sila sa isang kwarto na hindi ko alam kung para saan.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas sila roon. Siguro ay pinag-usapan nila ang gagawin mamaya?

Kinakabahan ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa mall kung saan gustong makipag kita nang kumuha sa anak ko.

Anim na minuto lang naman ang byahe papunta roon kaya mabilis kaming nakarating. Binaba ako ng mga pulis sa likod ng mall bago umalis para mag masid sa harap kung saan mismo naroon ang kumidnap sa anak ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sinumulahang mag lakad, ibinilin pa sa akin ng mga pulis kanina na kung may masama raw na mangyari ay sumenyas lang daw ako sa kanila. Andun din si itay dahil hindi siya pwedeng sumama sa akin.

Baka kasi ay makatunog o malaman ng kumidnap kay elias na may kasama ako at baka mabulilyaso pa kami.

Nang makarating sa harap ng mall ay lumingon ako sa paligid, wala namang kakaiba. Medyo kinakabahan lang ako sa hindi malamang dahilan.

Mabilis akong lumingon sa aking likuran nang makarining ng pagtikhim. Isang medyo may kantandaan na lalaki ang bumungad sa akin, naka formal attire siya at may naka kabit din na earpiece sa kanyang kaliwang tenga.

"Madame rihanna?" ani niya.

"B-bakit? bakit alam mo ang pangalan ko?" nag tatakang tanong ko. Hindi siya pamilyar sa akin kaya nakakapag taka na alam niya ang pangalan ko.

"Mr. Laurier is waiting for you inside the car, madame." magalang na sabi niya at tumabi ng konti para makadaan ako. Sinong laurier ba? sana mali ang hinala ko.

Pasimple akong tumingin sa direksyon nila itay. Nag dadalawang isip ako, sana ay mali ang nasa isip ko ngayon.

"T-teka! paano ako makakasiguro na na sa inyo nga ang anak ko?" tanong ko sa kanya. Hindi naman pwedeng basta basta nalang akong sumama.

Tumalikod siya sa akin bago naglabas nang cellphone at itapat sa kanyang tenga. Tumatango-tango siya bago ibaba ang hawak na cellphone.

Kinalikot niya muna iyon bago iharap sa akin. Nag play ang video ni elias na naka tali ang kamay at paa habang nag pupumiglas.

"Pakawalan niyo ang anak ko!" nang-gagalaiti kong sabi. Walang hiya! talagang tinali pa nila, paano nalang pag nasugatan siya or 'di kaya ay magmarka yong tali?

Dahan dahan akong tumango kaya tumalikod na siya at nauna ng maglakad. Masama ang pakiramdam ko, parang may masamang mangyayari.

Iniling ko nalang ang ulo para alisin ang mga negatibong nasa isipan ko, gagawin ko 'to para sa anak ko. Kailangan ko siya makuha.

Sumunod ako sa lalaking naka earpiece. Sino kayang laurier ang tinutukoy niya? hindi kaya si ano? pero mukha namang malabong siya nga iyon.

Tsaka lang ako bumalik sa reyalidad ng tumigil sa paglalakad si kuyang naka earpiece. Huminto kami sa isang jaguar car na kulay itim, hindi rin makita ang taong nasa loob nito dahil tinted ang bintana ng kotse.

Sumenyas si kuyang naka earpiece bago ako pagbuksan ng pinto. Nag aalangan pa ako kung papasok ba ako or hindi dahil naaaninag ko mula rito sa kinatatayuan ko ang lalaking naka upo sa backseat ng kotse.

Huminga ako ng malalim bago nag lakas loob na pumasok sa kotse. Mas lalalong tumindi ang kabang nararamdam ko nang isarado na ni kuyang naka earpiece ang pinto.

"Kuyang naka earpiece" ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko alam ang pangalan niya. Pwede rin namang "manong na naka earpiece"

"So? how's life?" malamig na tanong ng katabi ko dahilan para mapalingon
ako sa kanya.

Halos mawalan ako ng dugo nang makita kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon.

"A-anong ginagawa mo rito?" kinakabahang taong ko. Matunog siyang ngumisi bago ako tuluyang balingan ng tingin.

"You didn't answer my damn question, rihanna." mariin niyang sabi. Ilang beses pa ako lumunok bago siya sagutin.

"A-ayos lang naman." ani ko. "Saan mo ba dinala ang anak ko? ibalik mo na siya sakin please!" nagmamakaawa kong sabi.

"Anak ko ba si elias?" tanong niya gamit ang kalmadong boses. Hindi ko alam ang isasagot, gusto kong sabihin sa kanya na anak niya si elias dahil ayaw ko namang ipagdamot ang bata kaso baka sa huli ang anak ko lang ang masaktan.

"Hindi." ani ko. Buti naman at hindi ako nautal, baka kasi ay makahalata siyang nagsisinungaling ako.

"Liar! you can't fool me." madiin at seryoso niyang sabi bago hinablot sa passenger seat ang brown envelope na hindi ko alam kung ano ang laman. Linapag niyo yon sa pagitan namin.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang envelope. Nang makuha ay dahan dahan kong binuksan, nanlaki ang mata ko nang makitang DNA test yon, 99.99999998% at may nakalagay na positive.

"I'm the father." ani niya at nanatiling nasa harap ang tingin.

"P-paanong-?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya nalang akong tinignan sa mata.

"Let's go, you will come with me." aniya bago lumabas at pumasok sa driver's seat. Nagulat naman ako nang bumukas ang pinto ng kotse kung saan lumabas si silas. Pumasok si kuyang naka earpiece.

"Ano? h-hindi ako sasama sayo o sa inyo!" aligaga kong sabi. Nakarinig naman ako ng pag click or pag locked ng pinto, damn!

"I won't let you run away again." sabi niya bago inistart ang makina.

"Ano ba?! palabasin mo nga ako!" naiiritang sigaw ko sa kanya pero ang mukong parang wala lang narinig at ipinagpatuloy ang pagd-drive.

"Itali mo, gonzalez." utos niya kay kuyang naka earpiece na agad naman nitong sinunod.

Anak naman ng tokwa oh! kailangan ba talagang may patali-tali pa?

"Ipapakulong ko talaga kayo oras na makawala ako rito!" banta ko habang nagpupumiglas pero ang dalawang 'to parang wala lang sa kanila yong banta ko.

"Okay, I won't stop you." sabi ni silas at nang-aasar na tumingin sa akin sa view mirror.

"This is bullshit." pagmumura ko dahil sa matinding galit. Hindi naman talaga ako palamura dahil ayaw kong naririnig akong nagmumura ni elias, pero kasi nababanas na talaga ako sa ugali ni silas.

"Your mouth, rihanna." aniya sa nag babantang tono.

"Your mouth rihanna, nye nye nye" pang-gagaya ko sa kanya, pero imbes na mainis ay humagalpak lang siya ng tawa.

"At anong nakakatawa?" inis na tanong ko.

Umiling lang siya at pinipigilang ngumiti. "You're so cute baby."

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now