chapter 20

1.1K 41 2
                                    

Nakadantay ang hita niya sa hita ko habang ang kamay niya naman ay nakayakap sa bewang ko.

Napatingin ako sa bintana. Umuulan pero may araw pa naman, hapon na siguro.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni silas sa bewang ko. Medyo nahirapan pa akong tanggalin iyon kasi pag minsang naaalis ko na ay bumabalik pa rin sa pagkakapulupot niyon sa bewang ko. Sinunod ko naman ang binti niya nang matanggal ko na ang kamay niya sa bewang ko. At sa wakas! pati ang binti niya ay natanggal ko rin.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama at nag tungo sa walk in closet niya. Gusto kong maligo kasi ang lagkit na ng pakiramdam ko.

Pag pasok ko ay namamanghang inilibot ko ang paningin sa loob, ang lawak. Naka organized ang mga damit niya, gaya ng suit, yong uniform niya sa school. Naka organized din yong mga tshirts niya depende sa kulay.

Kumuha ako ng puting t-shirt at boxer niya tsaka nag tungo sa banyo para maligo. Maghapon na kasi itong suot ko kaya naiinitan at nalalagkitan ako.

Bumungad sa akin ang napakalawak na banyo. May shower sa kaliwa at may bathtub naman sa kanan. Sa tabi naman ng shower ay may lababo at salamin. Napalawak pati banyo, mas malaki pa ata itong banyo niya kesa sa bahay na nirerentahan ko.

Matapos maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nagulat pa ako ng makitang gising na si silas at nakaupo sa kama habang matiim na nakatingin sa direksyon ng banyo.

"K-kanina k-ka pa gising?" medyo nautal pa ako dahil sa gulat. Mahimbing naman ang tulog niya nung iniwan ko siya.

"Actually, yes." saad niya. "Come here." pautos na dugtong niya.

Agad akong sumunod at lumapit sa puwesto niya.

"B-bakit?" tanong ko. Hindi siya sumagot at hinila niya lang ang kanang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.

Napasinghap ako ng yumuko siya at inamoy ang buhok at batok ko.

"Kailan mo ako ihahatid pauwi?" tanong ko. Napaangat naman ang tingin niya dahil dun.

"I don't know. Just stay here for a while." sagot niya at bumalik sa pag singhot sa akin.

"Baba tayo?" aya ko. Nagtatanong naman na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Gusto kong kumain ng sopas hehehe!"

"Hmm...okay, let's go then." aniya at walang pasabing binuhat ako paharap sa kanya at ipinulupot niya ang binti ko sa bewang niya tsaka walang kahirap-hirap akong binuhat.

Napatili ako at napayakap sa leeg niya. "I-ibaba m-o na lang ako, kaya ko naman maglakad." nauutal na bulalas ko.

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Lumabas kami sa kwarto niya at binaybay ang napakahabang pasilyo.

Nang makarating kami sa dinning area ay naghila muna siya ng isang upuan bago ako ibaba roon.

Lumingon siya sa isang pintuan na malapit lang sa amin at may tinawag. "Nay dulce?"

"Bakit?" sagot naman ng tinawag niyang lumabas galing sa pintuan na iyon.

"Can you cook sopas?" saad niya. Agad namang tumango ang nag ngangalang dulce.

"Oo naman, saglit lang at may tatapusin lang ako." aniya at pumasok ulit sa loob ng kitchen.

Umupo siya sa tabi ko at tinitignan lang ako. "Tititigan mo na lang ba ako mag damag?" tanong ko.

Patay malisya lang siyang tinitignan ulit ako at umiling. "You're so beautiful, baby."

Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. Humalaklak lang siya ng makitang namumula ang buong mukha ko.

"H-hoy! nakakaasar ka!" namumulang aniya ko at nag-iwas ng tingin. Narinig ko namang umatras ang inuupahan niya senyales na tumayo siya.

"What? I'm just telling the truth." nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ko, sa may bandang tenga.

"You're so fucking beautiful. You're mine. And I don't share what's mine." muli ay ramdam ko pa rin ang mainit niyang hininga sa tapat ng tenga ko.

Speechless, I'm speechless. Hindi ko alam ang isasagot o sasabihin ko. Halo halo ang nararamdam ko, pero ang mas nananaig ay ang pagdududa.

Paano niya nasasabing sa kanya lang ako kung pag aari na siya ng iba? nasasaktan, nasasaktan ako sa isiping may nag mamay-ari na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko gayung hindi ko naman siya kilala. Maraming tanong na tumatakbo sa isipan ko pero hindi ko alam ang sagot.

Napakabago lang nitong nararamdam ko para sa akin. Hindi maman kasi ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko, ngayon lang.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki.

"Hey?!" agad akong bumalik sa ulirat ng pumitik siya sa harap ng mukha ko.

"H-huh? b-bakit?" takang tanong ko.

Napa 'tsk' lang siya at muling naupo sa kanyang upuan.

Makalipas ang ilang segundo ay nakabalik na rin si manang dulce. Nagpumilit pa akong ako na lang ang magluluto kaso hindi ako pinayagan ni silas.

Ilang araw at linggo na ang dumaan at ganon pa ron ang set up namin. Iuuwi niya ako sa bahay nila at doon papatulugin, maski ako ay hindi alam kung ano ang meron sa amin.

Kagaya na lang ngayon, andito kami sa bahay nila at kasalukuyang nanonoud ng pelikula. Sabado ngayon at ayaw niya raw lumabas kaya niyaya ko na lang siyang manuod.

Nagpaluto siya ng popcorn kay manang dulce bago kami manuod. Ako na dapat ang gagawa non kasi madali lang naman kaso ang isang 'to ayaw akong pakilusin. Kaya ayon, wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang na si manang dulce na ang magluto.

"Hey? gael called me earlier, he want us to come with them in the Boracay." saad niya kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Nagtataka naman ako.

"Sinong gael? tsaka 'we?' bakit kasama ako? kilala niya ba ako?" sunod sunod kong tanong.

Tumango siya. "Actually yes! He know you."

Nakakapagtaka lang, kilala niya ako samantalang siya hindi ko kilala. "Paano niya ako nakilala? tsaka sino ba yang gael na yan?"

"Uhm....my cousin." aniya at hindi sinagot ang una kong tanong.

"Paano niya nga ako-" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla na lang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa center table.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now