chapter 19

1.1K 45 6
                                    

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na rin si silas dito.

"Let's go downstairs? the food is ready." he said. I nodded and stood up. He went out so I followed him. Hindi ko rin naman alam ang pasikot sikot dito kaya mas mabuting sundan ko nalang siya.

Dumaan kami sa napakahabang pasilyo ng mansion nila at bumaba ng hagdan. Nauuna siya kaya mabilis akong lumakad para pantayan ang lakad niya.

Nang mapantayan siya ay binagalan ko na ang lakad. Lumiko kami at bumungad sa akin ang napakahabang hagdan.

Sa laki at taas ba naman ng bahay nila malamang sa malamang may hagdan. Hindi kaya sila napapagod mag pabalik-balik?

Bumaba siya kaya sumunod ako. Nang makababa ay agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagod.

"Hah! nakakapagod pala pag may hagdanan sa bahay." hinihingal kong bulong na alam kong hindi nakatakas sa tenga ni silas kasi na sa tabi ko lang naman siya.

Humalaklak lang siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko para pagsaklupin. Namula ang pisngi ko dahil dun.

Hinila niya ako kaya nagpahila na lang din ako. Pumasok kami sa mawalak na dining area. May mahabang mesa at sa magkabilang dulo niyon ay may malalaking upuan, yong parang upuan ng hari.

Hindi ko alam kong may kapatid ba si silas o wala. Ang haba ng mesa nila, nauupuan kaya nila lahat ng upuan?

Nawindag ako sa iniisip ng pekeng tumikhim si silas. Tinaasan ko siya ng kilay kaya umiling siya at ipinaghila ako ng upuan.

Sa dulo sa umupo at ako naman sa may bandang gilid niya. Nang makaupo siya ay may nagsilabasang katulong na may hawak na tray na nag lalaman siguro ng pagkain.

Isa-isa nilang nilapag iyon sa mesa. Nagtaka ako dahil napakarami niyon.

"Birthday mo ba?" hindi ko mapigilang tanong. Umiling lang siya at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko. "Eh ano? bakit ang dami ng pinahanda mo??!"

"Stop asking rihanna. Just eat." aniya kaya naiinis ako. Wala namang masamang mag tanong ah.

Dumako ang tingin ko sa mga katulong na nakatayo lang sa gilid kaya biglang may pumasok na idea sa utak ko.

"Ehem! ah, kain kayo oh! marami naman ito kaya sure akong hindi namin mauubos 'to ni silas." aya ko sa kanila. Bakas ang gulat sa mukha nila pero agad silang umiling.

"Hindi kami pwedeng sumabay senyorita." saad ni manang kaya nagtaka ako. Bakit naman hindi?

"Pst!" agaw pansin ko kay silas. Nagtatakang tingin naman ang ibinaling niya sa akin. "Pwede ba silang sumabay?" tanong ko at tinuro sila manang.

"No." sagot niya.

Nagtaka naman ako. "Bakit naman hindi, silas?"

"Because I just want to?" patanong na sagot niya. Ano ba naman yan, gusto ko lang naman makipag chikahan kila manang tapos tong ulikba naman na 'to ayaw pa silang pasabayin.

"Sabay na kasi sila sa atin, silas! pretty please.." saad ko at binaba ang hawak na kutsara para magsaklubin ang kamay at mag pacute sa harap niya.

Tumitig naman siya sa akin ng matagal bago napabuntong hininga hudyat ng pagsuko. "Fine! basta ngayon lang. Do you understand?"

Agad naman akong tumango. "Oo, thank you!" bumaling ako kila manang na kanin pa nanunuod sa amin. "Upo na po kayo!"

Agad naman silang tumalima at nag-iwas ng tingin kay silas na nakakatitig lang sa akin. Hindi naman siguro siya galit dahil pinilit ko siya, diba?

"Kain lang kayo hehehe!" ani ko at nagkamot sa batok. Para tuloy ako yong may-ari nitong bahay. Pinilit ko pa si silas, nakakahiya.

Natapos na kaming kumain lahat lahat at hindi pa rin inaalis ni silas ang paningin niya sa akin. Nakakailang tuloy.

"Ahm...tapos ka na ba?" tanong ko na ikinatango niya.

"How about you? are you done?" balik tanong niya. Tumango ako kaya tumayo na siya sa kinauupuan niya. "Let's go upstairs, then."

"W-wait! tutulungan ko lang sila," pigil ko sa kanya ng akma niya na sana akong hihilain. "P-wede?"

"No. Let's go upstairs." aniya at tuluyan na akong hihinala.

"Pero kas-" akma pa sana akong tututol ng unahan niya na ako.

"I said no, rihanna. Just do whatever I want you to do." he coldly said. Hays, bad mood na naman siguro siya. Hindi na ako tumutol at nagpatiunod na lang. Baka kasi bigla niya na lang akong sigawan dahil nga galit siya.

Nang makarating kami sa loob ng kwarto niya ay padabog niya isinara ang pinto. Natulos naman ako at napayuko.

"Galit ka ba?" tanong ko. Hindi ko siya narinig na sumagot at nilagpasan lang ako. Umupo sa siya kama at marahas na napasabunot sa buhok.

"G-galit ka ba, silas? galit ka ba sa akin kasi pinilit kitang pasabayin sila?" naluluha kong tanong. Dapat pala ay hindi ko na lang siya pinilit kanina.

Marahas siyang tumango kaya lalo akong napayuko. "Yes. I'm mad because you always disobeying me." aniya.

"P-pinasabay ko lang naman sila ah, wala namang masama roon." saad ko. Na sana ay hindi ko na lang sinabi kasi, mas nadagdagan pa kasi ang galit sa mata niya.

"Hindi ba halatang gusto kitang makasamang kumain?!" galit na tanong niya. "Gusto kitang makasamang kumain, just the two of us."

Napaangat ako ng tingin dahil dun. Kaya ba siya nagagalit kasi gusto niyang ako lang ang kasama niyang kumain? biglang tumibok ng kay lakas ang puso ko.

"Dapat ay sinabi mo na lang! grabe ka naman, para dun lang galit na galit ka na." nakangusong saad ko. Napa 'tsk' naman siya at padabog na tumayo at nag tungo sa banyo.

Ano ba yon, para dun lang talaga galit na galit na. Minsan talaga hindi ko rin maintindihan si silas eh, bipolar kasi.

Lumundag na lang ako sa kama at natalukbong ng kumot. Inaantok na naman ako! wala naman akong ginagawa pero inaantok ako. Hays buhay nga naman.

Siguro ay iidlip muna ako habang hinihintay si silas na matapos. Pumikit ako at tuluyan na ngang bumigat ang talukap ng mata ko.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may nakayakap sa akin. Bumangon ako at tinignan kung sino iyon, si silas. Mahimbing siyang natutulog habang yakap ako.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now