chapter 14

1.1K 42 0
                                    

"Basta hindi ako iinom ha? sasamahan lang kita." nag-aanlinlangan kong tanong sa kanya. Agad namang umaliwalas ang kaninang naka-simangot niyang mukha dahil sa pag pagpayag ko.

Nakangiting tumango siya. "Promise!" aniya at nag-taas pa ng kamay. Tumatawang napa-iling naman ako ng ulo.

Kahit talaga kailan napaka-kulit niya, hindi talaga siya titigil hangga't hindi ka niya napapapayag. Hays!

Natapos ang buong araw na nakatunganga lang kami ni viola, minsan naman ay nakikipag usap kami sa iba naming kakaklase. Isasabay na ako ni viola pumunta ng bar kasi hindi ko naman alam ang daan papunta roon.

Kasalukuyan kaming naka-sakay sa kotse niya papunta sa bahay ko. Ihahatid daw muna namin ang gamit ko bago pumunta sa bar. Bumaba ako ng kotse niya ng makarating na kami sa bahay.

"Baka gusto mo munang pumasok habang naghihintay?" i asked. Tumango naman siya kaya nag pa-una na akong pumasok habang siya naman ay sumunod sa akin.

Sinusi ko ang pintuan at nang makapasok ay ibinaba ko ang aking bag sa sofa samantalang siya naman ay umupo sa isang pang isahang upuan.

"Gusto mo ba ng malamig na tubig or juice nalang?" tanong ko at pumasok sa kusina para magpalaman ng tinapay.

"Tubig nalang!" saad niya at pretenting sumandal sa sandalan ng upuan. Tumango-tango naman ako kahit hindi niya nakikita. Naglabas ako ng petsel sa ref at nilagyan ang isang baso bago ilagay sa platito ang apat na pirasong tinapay.

Inilapag ko sa mini table ang isang platitong tinapay at juice. Nginitian ko muna siya bago maglakad papasok sa kwarto ko.

Nagbihis lang ako ng isang kulay itim na t-shirt at pantalon. Nagdala lang ako ng shoulder bag, ang laman naman nun ay handkerchief at yong cellphone ko.

Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko naman si viola na parang naiinip na sa paghihintay. Napadapo naman ang paningin ko sa table, ubos na ang tinapay at ang juice.

"Wow! ilang araw kang hindi kumain?" nang-aasar kong tanong na ikinatingin niya sa kin. Agad namang tumalim ang tingin niya ng makitang inaasar ko siya.

"Tse! tara na nga! napaka-tagal mo." aniya at nagpauna nang lumakad palabas. Umiiling ko siyang sinundan pagkatapos ay ni-lock ko na ang pinto ng bahay.

Nakarating kami sa isang exclusive club na mayayaman lang ang kayang makapasok. Minsan nga ay napapa-isip ako, bakit mas gusto nila sa mas mahal eh pwede naman sa mas mura? sabagay mayaman nga sila eh! kaya nilang bilihin ang ano mang gugustuhin nila. Samantalang kaming mahihirap hirap pang pagkasyahin ang isang libo sa tatlong araw.

Hinila niya ako papasok ng makalabas kami sa kotse niya. Pag-dating namin sa pintuan ay hindi manlang siya hinarang ng mga nagbabantay roon. Nakakapagtaka lang, yong iba kasing pumapasok ay hinaharangan at hinahanapan ng id, pero kami ay hinayaan lang na pumasok.

"Bakit hindi tayo hinanapan ng id?" takang tanong ko kay viola. Makahulugan naman siyang tumingin sa akin at umiling.

"Ewan, siguro ay madalas na nila akong nakikita rito kaya nasanay na rin sila?" hindi sigurado niyang sagot at umupo sa isang upuan malapit sa hagdan papunta sa second floor.

Mahaba iyong upuan at round table naman yong mesa. Siguro ay sa taas yong Vip's room? ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar kaya nakakailang pang tignan ang mga taong naghahalikan o di kaya ay nag m-make out sa paligid.

Jusko! may kwarto naman siguro rito diba? bakit dito pa nila ginagawa yang kababalaghan.

Kinalabit ako ni viola at naka-ngiting tinanong ako. "Anong drink ang gusto mo?"

"Juice nalang, sasamahan lang naman kita diba?" tanong ko.

"Ayaw mo ba ng vodka or mine? hindi naman nakakalasing yon!" tanong nito. Agad naman akong umiling kaya tumango siya bago mag tawag ng waiter.

Agad namang may lumapit sa kanya at tinanong ang inimung oorderin niya. Tumatango-tango ang waiter habang nagsusulat sa maliit na papel.

Hindi ko kasi marinig ang pinag-uusapan nila dahil lalong lumakas ang tugtug na nagpabaliw sa mga taong na sa dance floor. Nagiging wild sila habang tumatagal.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga inuming order nu viola. Siya lang ang umiinom habang ako naman ay juice lang.

Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya agad kong inilibot ang paningin ko sa buong lugar. Halos matulos ako sa kinauupuan ko ng mag tama ang mata namin ni silas, ni mr. president.

Tiim bagang siyang naka-tingin sa akin. Dumako naman ang paningin ko sa babaeng katabi niya. Naka-hawak siya sa bewang nung babae at dikit na dikit talaga sila.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang maramdamang para akong nasasaktan sa nakita. Nung isang araw lang ay may pasabi-sabi pa siyang gusto niya ako pero heto siya ngayon, may hawak na babae sa bewang.

"Hey rihanna? are you listening?" iritadong tanong ni viola dahilan para nagtataka ko siyang tinignan. Bumuntong hininga siya at nag patuloy sa pagsasalita. "Kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka naman nakikinig! ano ba kasi ang tinitignan mo roon?!"

"A-ah w-wala naman." nauutal na sabi ko. Inirapan niya ako at binigyan ng isang baso ng cocktail. Agad ko naman yong kinuha dahil sa uhaw, nakakauhaw kasi ang mga tingin ni silas. Kanina pa kasi siya nakatitig, ni-hindi niya manlang yon pinuputol.

Napapikit ako dahil sa pait. Nanuot ang pait ng alak sa lalamunan ko, shems! kung alam ko lang na ganun pala ang lasa ng alak ay yong tubig nalang ang dinampot ko.

"Hoy! dahan-dahan naman!" gulat na gulat na saad ni viola nang makitang isang lagok lang ang pag-inom ko ng cocktail.

"Ang pait pala?" tanong ko. Totoo namang mapait pero habang tumatagal ay parang tubig nalang, sa una lang pala mapait.

Tumango naman siya at tinungga ang natitirang laman sa baso niya. "Pag nasanay ka naman na ay hindi na masyadong mapait. Ito pa, inumin mo!" saad niya at ibinigay sa akin ang isa pang baso ng cocktail. Masarap naman pala, pero sa una talaga sobrang pait kaya nakakasuka.

LS #1: Silas LaurierOnde histórias criam vida. Descubra agora