chapter 3

1.7K 72 2
                                    

Hindi ko nalang ito pinansin at tuloy-tuloy na naglakad. Kailangan ko nang maka-alis sa lugar na 'to.

"Not that fast." madiin na sabi niya at hinila ang aking braso. "Face me." utos niya.

Kinakabahan akong lumingon sa kanya. Halos mabulunan ako dahil sa kaba, normal lang ba 'to? malamig 'tong naka-tingin sa akin.

"A-ano ba? b-bitawan mo ako!" halos mag kanda utal-utal ako nang sabihin ko 'yon.

'Ano pa ba ang kailangan niya sa akin?!' sigaw ko sa aking isipan.

"Come with me." matigas na sabi niya at mas hinigpitan pa ang pag-kakahawak niya sakin.

"Ayaw ko! Bitawan mo nga ako." pasigaw na sabi ko sa kanya. Matapos niya akong iwan na parag wala lang, ngayon naman gagambalahin niya ang tahimik na buhay ko.

"No! let's talk." seryosong sabi niya at sinimulan na akong hilain.

"Sabing bitawan mo ako eh!" sigaw ko at nag-umpisa nang mag-pumiglas sa pagkakahawak niya.

"I said no! just trust me this time, anna." mahinahon na sabi niya at patuloy na naglakad.

wth? pagkatapos niya akong iwanan ay babalik nalang siya na para bang walang nangyari. Tapos ngayon bigla-bigla nalang siyang manghihila at inaasahan niyang mag titiwala ulit ako sa kanya, i'm not fool.

At hindi na ako mag-papakatanga pa. Tama na yong isang beses na ginawa ko, hindi ko na siya kailangan. Kaya ko mag-isa.

"Silas, please! let me go." nagmamaka-awa kong sabi sa kanya. Tapos na eh, naka-move on na ako, hindi na dapat siya nag-pakita pa.

Hindi nalang siya umimik at patuloy lang ang pag hila sa akin. Saan naman kaya ako dadalhin nang kumag na 'to? baka andito na si itay, at nag hihintay.

Nakarating kami sa harap ng isang itim na kotse, at do'n niya lang binitiwan ang kamay ko.

"Anong ginagawa natin dito? kailangan ko ng umalis! nag hihintay si itay sa labas." dahilan ko. At, wala naman na kaming dapat na pag usapan pa.

"I want to apologize." mahinang sabi niya. Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya. Apologize? nabagok ba ang ulo nito?

"For what?" i sarcastically asked.

"F-for all i have done." nauutal na sabi niya. At, hindi rin siya mapakali sa kinatatayuan niya.

"Yon lang ba? oka-" naputol ang dapat na sasabihin ko nang sumulpot ang babaeng kasama nila. Ang babaeng pinili niya.

"Sila?!" tawag niya kay silas nang makalapit siya sa harapan namin.

"Tyra? what are you doing here?" naiiritang tanong ni sila sa babae. Named, tyra.

So? tyra pala ang palangan niya? tsk. Di hamak naman na mas maganda ako.

"I'm looking for you." mahinang usal niya at napipilitang ngumiti sa akin nang mabaling sa akin ang kanyang tingin.

Pwede namang hindi nalang siya ngumiti. Hindi yong napipilitang ngumiti pa yong ipapakita niya.

Napabaling ang patingin ko kay silas nang mahina siyang tumikhim. "Bumalik kana roon, wait me there." mahinang sabi niya kay tyra na ikinatango naman nito.

So? anong gagawin ko rito? tutunganga?

"Mauna na ako." sabat ko sa usapan nila at tumalikod na para umalis.

"Wait, rihanna!" habol ni silas. Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na lumakad paalis.

Nang makalabas sa gate ng auditorium ay agad kong nakita si itay na nag hihintay. Siguro kanina pa siya rito‚ palingon-lingon kasi siya eh.

"Tay!" agaw pansin ko sa kanya at lumapit sa pwesto niya. Agad naman itong lumingon sa kinaruruonan ko.

"Anak? bakit naman ang aga mo umiwi? hindi pa naman tapos ah!" takang tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

Pilit akong ngumiti at nag isip nang idadahilan. "Sumakit po kasi yong tyan ko, tay."

"Sige! halikana!" aya niya sa akin. Agad naman akong sumakay sa tricycle.

Nang makasakay ay agad akong napahawak sa akong dibdib. Grabe yong kaba ko, akala ko kasi wala na yong sakit eh.

Napailing nalang ako at pagod na napasandal sa upuan ng tricycle. Nang umandar ito ay lumingon pa ako sa likod. At, nakita ko roon si silas na diretsong nakatingin sa akin.

Binalik ko nalang ang aking tingin sa harapan at malalim na bumuntong hininga. Hindi na talaga ako dadalo sa mga ganitong events.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit gusto niyang makipag-usap sa akin? matagal nang tapos ang relasyon namin, yon ang ipinag-tataka ko.

Almost there years na rin yon at hindi niya pa rin kinakalimutan. Matapos niya akong iwan at ipagpalit kay tyra ay babalik siya at a-astang parang walang nangyari.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba sa tricycle at pumasok sa loob. Nakita ko namang sumunod si itay nang maiparada niya ang tricycle sa garahe.

"Itay?! matutulog na po ako! good night po." malambing na paalam ko kay itay.

"Sige anak, good night" usal nito at binigyan ako ng isang magaang yakap. Ganiyan talaga si itay, kung inaakala niyong masungit sa, nag-kakamali kayo. Mabait siya at maalagain.

Ngumiti nalang ako sa kanya at pumasok na sa kwarto namin ni elias. Wala siya rito, siguro ay nasa kwarto nila inay. Siguro ay hahayaan ko nalang silang mag tabi.

Hindi naman siguro ako hahanapin ni elias. Nag hugas lang ako ng katawan at ginawa ang night routine.

Pasado alas syete na rin kasi, may pasok pa kasi bumakas. At dapat maaga akong makapunta sa school kasi tutulungan ko pa yong mga estudyante ko na linisin yong room.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Excited na ulit akong mag turo, miss ko na rin yong mga estudyante ko. Hindi ba naman ang hindi makakamiss sa kanila kong walang araw na hindi ako nagagalit dahil sa sobrang kakulitan ang taglay nila.

Minsan ay sinasama ko rin si elias sa school kung wala siyang pasok. Hindi naman siya pasay, nakasundo niya pa nga ang mga estudyante ko.

Lumabas ako sa kwarto na naka uniporme na. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko roon si inay na pinapakain na si elias. Ang aga naman ata magising ni elias ngayon.

"Good morning nay! good morning anak!" bati ko sa kanila at kumuha ng plato para sabayan sila sa pagkain.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now