chapter 36

598 13 0
                                    

Nang makarating sa palengke ay agad kaming bumaba mula sa sasakyan. Nagulat ako nang makitang bumaba rin sa sasakyan na katabi lang ng kotse ni Silas ang mga tauhan niya. Hindi ko kasi napansin kanina na naka sunod pala sila sa amin.

"Let's go?" tanong niya at ibinalibot sa bewang ko sa kanyang braso. Buhat niya na si Elias sa kabila niyang braso.

Tumango ako at pinauna na sila inay na mag tingin-tingin ng mga papamilihin nila.

Lumgin ako sa likuran namin at nakita kong nakasunod sa amin ang mga tauhan niya, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Pati ang mga nagtinda at mamimili ay nakakatingin na rin sa amin.

"Kailangan ba talaga nilang sumama sa atin, Silas?" I curiously asked him.

He looked at me and nods his head. "Yes, baby. We need them." he seriously said.

Sumimangot na lang ako at pumasok sa isang grocery store. Kumuha ako ng push cart at nagsimula nang maghanap ng mga kailangan sa bahay. Binigay sa akin ni Silas ang black card niya kaya iyon na lang ang gagamitin ko sa pambayad niyon, kay Silas na rin kasi nagmula na pwede ko iyon gamitin.

Naglagay ako sa push cart ng mga sangkap ng fruit salad at para sa spaghetti. My son, Elias. Spaghetti is one of his favorite food.

"Silas, anong gusto mong idagdag sa lulutuin?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Busy kasi ako sa paghahanap ng isasangkap sa pancit.

"Can we buy some meat, baby? for barbeque." aniya, naalala kong mag-iinom pala sila mamaya nila itay, kasama ang mga magsasaka na kaibigan ni tatay.

"Yes! mamaya sa palengke. Bibili pa ba tayo ng alak?" tanong ko at dumampot ng mga cheese at nilagay sa push cart. Samantalang ang anak naman namin ay tahimik na pinagmamasdan kami ni Silas.

"Maybe? I bought yesterday, baby." malambing na saad nito.

Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin. "Bumili ka?" tanong ko na tinanguan nito. "Bakit hindi ka nag paalam sa akin?" my voice was strict.

Nag iwas ito ng tangin, "Damn! this is Kael's fault!" he whispered to his self.

"Ano? may sinasabi ka?" pagalit na tanong ko rito.

Mabilis naman siyang umiling at naglalambing na yumapos sa akin. "Uhmm..... baby, I bought the wines to Kael."

Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng mukha ko. "Huh? nagtitinda ba siya ng wine?"

He chuckled softly, "I don't know, baby.  Maybe he's trying to sell wine and I'm his first customer."

Hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbili ng mga kakailanganin namin.

Matapos mag grocery  ay dumeritso naman kami sa bilihan ng mga karne para sa request niyang barbeque. Ipinalagay na rin naman ni Silas ang mga napamili namin sa sasakyan. 

Binalingan ko ang mag-ama ng makitang siksikan ang mga tao sa loob ng palengke. "Hintayin niyo na lang ako rito. Siksikan na sa loob ng palengke, baka maipit pa kayo roon."

"Mama I want water po!" singit ni Elias at kinamot niya pa ang mataba niyang pisngi. Cute.

"Okay, wait mama here. Bibili lang ako!" malambing kong saad dito at pinisil ang matambok nitong pisngi na mas lalong ikina-simangot nito. 

Luminga-linga ako para maghanap ng nagtitinda ng tubig at saktong nahagip ng paningin ko ang medyo may katandaan ng babae na nagtitinda ng palamig.

Linapitan ko ito para sa kanya na lang bumili, ang puwesto niya lang kasi ang malapit sa amin. 

"May bottled water po kayo, manang?" magalang na tanong ko rito.

Agad naman itong nag-angat ng tingin sa akin bago malawak na ngumiti. "Meron ineng, ilan ba?"

"Isang bundle po." saad ko, bibilhan ko na rin ng tubig ang mga tauhan ni Silas.

Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng tindera. "Naku! salamat naman at bumili ka sa akin!" tuwang-tuwang saad niya.

"Wala pa po ba kayong tinda?"

Tumango siya, "Oo ineng, ikaw pa lang ang unang bumili sa akin..."

"Ano pa po ba ang mga paninda niyo?" magalang kong tanong.

"May kakanin at banana cue ineng!" masayang sabi nito. Mahahalata mo ang galak sa tono ng kanyang boses.

"Tig twenty-five pieces po ng kakanin at banana cue," saad ko, napalingon pa ako sa aking likuran ng maramdamang may humawak na malapad na kamay sa likod ko.

"What took you so long?" seryosong tanong ni Silas sa akin at binalingan pa si manang na masayang binabalot ang pagkaing binili ko.

"Uh, bumili pa kasi ako ng memeryandahin natin." saad ko sa kanya at kinuha ang plastic na nag lalaman ng mga binili ko kay manang nang inabot niya iyon sa akin.

Bumaling ako kay Silas na hindi na pala buhat ang anak namin at inabot sa kanya ang plastic. "Hawakan mo muna, magbabayad lang ako kay manang!" saad ko sa kanya na agad naman niyang kinuha.

Ako ang magbabayad kasi na sa akin ang credit card niya tsaka wala siyang cash, kasi card ang ginagamit niyang pambayad sa maynila.

"Ito po manang! sa inyo na rin po ang sukli." ani ko, nag-aalangan pa ito kung tatanggapin ba niya o hindi pero matamis ko lang itong nginitian.

"Sigurado ka ba ineng?"

"Opo! sa inyo na po!" nakita ko kung paano mag ningning ang mga mata niya ng hindi ko na kinuha sa kamay niya ang isang-libo.

"Maraming salamat! naku! hulog ka ng langit!" natutuwang saad niya at hindi na mapigilang ngumiti ng mas malawak pa. Napangiti na rin tuloy ako.

"Sige ho! mauna na ho kami manang! maraming salamat po." paalaam ko rito, baka kasi naiinip na iyong si Elias.

"Sige! maraming salamat din!" hindi na maalis-alis ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Inabot niya na rin sa akin ang isang bundle ng bottled water, "Naku! ito nga pala iyong tubig ineng, nakalimutan ko hehehe....."

"Okay lang po! sige po, una na po kami!" saad ko. Nakangiti naman itong tumango-tango kaya nginitian ko muna ito bago tumalikod.

Tsaka ko lang napansin si Silas na kanina pa pala pinapanood ang bawat galaw ko. Ang kaning kamay niyang nakahawak sa aking likod ay napunta na sa aking bewang.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now