chapter 35

641 11 0
                                    

Kasalukuyan kaming bumabyahe pabalik ng probinsya namin, kasama si Silas at ng kanang kamay niya. Nagsama rin siya ng isangpu't dalawa niyang tauhan.

Samantalang ang mga magulang niya naman ay kaninang madaling araw na umalis, kanina ay hinatid pa namin sila sa airport at dumeritso na kami papunta sa probinsya namin.

Tumikhim ako, "Bakit ka nga pala nagdala ng mga tauhan Silas?" takang tanong ko. Hindi naman niya kailangan pang magdala ng tauhan kasi safe naman sa probinsya namin.

"Nothing. I just want you and our son to be safe, that's why I bring them with us." saad niya at panandaliang sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa labas.

Napabaling kay Elias ang tingin ko ng gumalaw siya sa bisig ko. Naka-kandong kasi kasi si Elias sa akin. Mahimbing itong natutulog habang hawak ang isa kong braso. Napangiti ako at tinapik-tapik ng mahina ang hita niya para hindi ito magising.

Matapos ang halos anim na oras na byahe ay nakarating na rin kami sa wakas. Itinigil ni Silas ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Lumabas siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Kinuha niya sa akin si Elias na nagising sa pag tigil ng sasakyan at inalalayan ako sa pagbaba.

Nagtaka pa ako ng makitang halos lahat na ng kapit-bahay namin ay nagsilabasan sa kani-kanilang bahay.

"Anak? buti at hindi kayo ginabi sa byahe." saad ni inay at naglapag ng pitsel at dalawang baso sa lamesita. Nasabi ko na rin kasi sa kanila sa tawag na uuwi kami rito kasama si Silas.

"Oo nga po inay." saad ko. Nilagyan ko ng tubig ang baso tsaka inabot kay Silas na agad naman niyang kinuha.

"Dito ba kayo mag papasko?" tanong niya.

Tumango si Silas, "Opo tita." magalang na saad ni Silas.

"Ay kung ganon samahan niyo akong mamalengke mamaya. Wala kasi ang itay niyo, nasa sakahan pa at hinihintay na matapos ang mga magsasaka." saad niya. Malapit na rin kasing mag pasko, dalawang araw nalang ay magpapasko na.

"Sige po inay! si johan po pala, nay?" takang tanong ko. Wala kasi siya rito sa bahay at hindi mahalagilap.

"Nasa trabaho, hindi pa nga niya alam na andito kayo eh. Tawagan mo anak." tumango ako at agad na nilabas ang cellphone. Nakakailang ring pa ito bago sagutin ni insan.

"Hello insan? napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Kailan uwi mo, insan?" tanong ko.

"Mamaya siguro, tatapusin ko lang iyong mga ginagawa ko, insan." saad niya.

"Makakasama ka ba na mamalengke sa amin, insan?" tanong ko. Mahina akong natawa ng marinig ko siyang napasinghap.

"Andyan kayo kila tita? oo, oo! sasama ako mamaya sa inyo." bakas ang pagka-excite sa boses niya.

"Sige! ibaba ko na ha?" tanong ko. Agad naman siyang nag "oo" kaya pinatay ko na ang linya.

Pagkatapos kong maibaba ang cellphone ay bumaling ako kay Silas na nakikipag-usap sa mga tauhan niya mula sa labas ng bahay. Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay naglibot siya ng tingin, sakto namang nag tagpo ang paningin namin. Inalis niya ang tingin niya sa akin bago bumaling sa tauhan na kinakakausap niya kanin at may sinabi bago siya maglakad palapit sa akin.

"Hey!" saad niya at ipinalibot ang matigas niyang braso sa bewang ko.

"Sasama sa atin si insan mamaya, Silas. Hintayin natin siya bago tapos pumunta sa palengke." saad ko. Tumango siya at sumubsob sa leeg ko.

"H-hoy! itigil mo nga iyan!" namumulang suway ko sa kanya ng maramdamang kinakagat at sinisipsip niya ang balat ko sa leeg.

"Hmmm.... I like your smell," bulong niya sa tenga ko. Bahagya ko siyang tinaluk sa balikat pero hindi man lang natinag ang gago at mas lalo lang siyang nag sumiksik sa akin.

"Lumayo ka nga! baka makita tayo ni inay sa ganitong sitwasyon!" saad ko at pilit siyang tinutulak palayo. Lumayo naman siya at tinitignan ako ng mariin.

"Are we going to use a car?" tanong niya. Napa-isip naman ako, kung tricycle ang gagamitin namin ay hindi kami mag kakasya roon lalo na't madami rin ang bibilihin namin. Saka isasama namin si Elias kasi walang magbabantay sa kanya rito.

Tumango ako, "Oo, marami pa naman kaming bibilihin, baka hindi tayo mag kakasya sa tricycle tsaka isasama natin si Elias."

"Okay, my men will come to us." saad niya. Tumango nalang ako.

Makalipas ang minuto ay nakauwi na rin si insan kaya naghahanda na kami para sa pag-alis. Nabihisan na namin ni inay si Elias kaya pina-alaga ko muna kay Silas para makapagbihis na rin ako. Matapos magbihis ay agad akong lumabas ng bahay at naabutan ko sila insan, inay, at si Silas.

"Tara na?" tanong ko at isinukbit ang shoulder bag sa balikat.

"Tara!" excited na saad ni isan dahilan ng pagtawa ko.

Sumakay ako sa kotse ng pagbuksan ako ng pintuan ni Silas at binigay niya sa akin ang anak namin, pinagbuksan niya rin ng pintuan ng kotse si inay bago umikot para pumunta sa driver seat.

Nang mai-start niya ang sasakyan ay pinausad niya na iyon papunta sa palengke. Dahil nga hindi niya alam ang daan ay todo turo ako sa kanya.

"Mama? magkano po ang dala niyong pera? pag nagkulang po sabihin niyo lang sa akin para po madagdagan ko." saad ko. Baka kasi magkulang ang ipangbibili niya mamaya, kilala ko pa naman iyang si inay, pag nagkukulang ang pera niya pag namamalengke ay hindi niya na bibilihin ang mga gusto niya.

Tumango si inay, "Na-kwenta ko naman na ang mga bibilihin ko, hindi naman matumal ang benta ng palay kaya malaki ang budget natin ngayon."

Tumango tango ako, mas mabuti na rin iyon para hindi na mahirapan si papa sa pag bubudget nang magagastos sa palayan namin, ibibigay ko rin ang kalahati ng sweldo ko sa deped at ang kalahati naman ay para sa amin ni Elias.

Bilang anak, obligasyon nating sustentuhan ang ating mga magulang lalo na pag hindi na nila kayang magtrabaho para sa sarili nila.

Kaya pa namang magtrabaho nila inay pero ayaw ko na silang mag trabaho nang magtrabaho dahil nagkaka-edad na rin sila. Hindi man mataas ang sine-sweldo ko sa pagiging guro pero at least nakakapag bigay pa rin ako ng pera sa kanila.

Tama na iyong mahabang panahon na pag sasakrepisyo nila para sa akin.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now