chapter 34

638 14 0
                                    

"Ma'am? pinapatawag ho kayo ni sir Silas sa hapag, kakain na raw po." boses ng isang babae ang naririnig ko sa labas ng kwarto, habang kumakatok.

"Susunod na po ako, namang." may kalakasang saad ko, para marinig niya. Masyado kasing malaki ang kwarto ni Silas kaya kailangan mo pang sumigaw para marinig hanggang sa labas ng pinto.

Sinampay ko pabalik ang tuwalyang ginamit ko. Habang naglalakad pababa sa hagdan ay sinusuklay ko na rin ang medyo may kahabaan kong buhok.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay ang malalakas na halakhak na ang sumalubong sa akin. Nasa mahabang mesa ang mga magulang ni Silas at tumatawang nakatingin kay Elias na may kanin sa ilong at gilid ng labi. Samantalang si Silas naman ay hindi magkanda uga-uga sa pag-alis ng mga kanin sa mukha ng anak namin.

Napailing ako at nilapitan sila. Noong una ay hindi pa nila ako napansin pero nang tuluyang makalapit sa kanila ay naagaw ko na ang atensiyon nila.

"Oh, iha. Come and join us." aya sa akin ni tita Aya.

"Sige po..." nahihiya akong ngumiti at tumabi sa anak ko. Kumuha ako ng tissue paper sa mesa at tinulungan si Silas sa pagtanggal ng mga kanin sa mukha ng aming anak.

"Oo nga pala, Silas. Aalis din kami bukas ng umaga kasi may mga importante lang kaming aasikasuhin sa London bago natin pag-usapan ang kasal niyo." halos mabilaukan ako sa sinabi ni tita Aya. Kasal? hindi pa nga nag pro-propose sa akin si Silas eh.

"Ahmm.... hindi naman po sa nakikialam ah, pero hindi po ba masyadong mabilis? I mean, nakakabigla po kasi," alanganin kong saad.

Ngumiti si tita at makahulugang tinignan si Silas. "Ano ka ba naman iha, huwag niyo ng patagalin. Doon din naman ang bagsak..."

Nahihiya akong na lang akong ngumiti rito at tinignan ng masamang tingin si Silas na wala man lang akong narinig na pagtutol sa kanya.

Tumikhim siya at kunwari ay naging seryoso ang kaninang tila natutuwa niyang mukha. "My baby is right mom, I didn't propose to her yet."

Napasimangot ang ina niya at tinapunan siya ng dismayadong tingin. "Ang hina mo naman kasi eh, buti pa yang tatay mo noon. Kakasagot ko pa lang sa kanya inaya na akong magpakasal." natatawang paninisi nito sa anak. Agad namang umangal si tito Leonardo.

"Hay naku! huwag kang maniniwala dyan sa mommy mo, anak. Siya kaya itong patay na patay sa akin, college pa lang ako crush na ako ng mommy niyo." halos humagalpak kami sa tawa nang makitang mahinang pinalo ni tita Aya si tito Leonardo sa balikat.

"Tama na nga iyan, kumain na tayo at gusto ko ng magpahinga. Pinapaniwala mo pa sila sa fake news," pag iiba ni tita Aya ng hindi na siya makaganti kay tito Leonardo. Nakangiti ko silang pinagmamasdan, ang sweet kasi nilang tignan. Para silang mga teenager kung mag asaran.

Napatingin ako kay Elias ng maramdamang kinakalabit niya ako sa hita. "Mama, I want water po...." malambing na saad nito at nag puppy eyes pa. Mahina ko siyang kinurot sa pisngi at nilagyan ng tubig ang baso niya bago iyon iabot sa kanya.

Marunong naman na siyang kumain mag-isa pero minsan ay inaalalayan ko pa rin naman. Sobrang kalat niya nga kumain pero ganon naman talaga ang mga bata, makalat kumain.

Napatingin ako kay Silas nang lagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. "Here, eat this." ani niya at nilagyan ng maraming ulam ang plato ko.

"Salamat!" pagpapasalamat ko sa kanya at sumubo na ng pagkain. Napansin kong kanina niya pa inaasika si Elias at hindi na siya nakakakain ng maayos kaya nilagyan ko ng kanin at ulam ang kutsara ko at itinapat sa labi niya.

Gulat pa siyang napatingin sa akin pero binuka niya rin naman ang labi niya para isubo ang laman ng kutsara. Sinubukan niya pang itago ang ngiti na gustong kumawala sa mapupula niyang labi sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig pero hindi iyon nakatakas sa paningin ko.

Matapos kumain ay agad na kaming umakyat sa itaas para matulog pagkatapos mag-paalam sa magulang ni Silas.

"Goodnight po tita, tito." saad ko at nakipagbeso pa sa kanila.

"Goodnight din iha, and syempre to my grandson." matamis na saad ni tita Aya at hinalikan pa sa noo si Elias na nasa bisig ng kanyang ama.

"Goodnight po mommyla and daddylo! sweet dreams po!" hyper na bati nito pabalik at pinaghahalikan pa ang kanyang lala at lalo. Natawa naman kami pagiging hyper niya, gabi na pero hindi pa pa rin siya nauubusan ng enerhiya.

"Goodnight mom, dad..." saad ni Silas.

Ngumiti naman ang mag-asaw, "goodnight too, son."

Umakyat na kami pagkatapos mag-paalam at pumasok sa kwarto namin ni Silas. Dito muna matutulog si Elias kasi kanina niya pa kinukulit ang daddy niya na gusto niya raw matulog dito, kaya ayon. Pinagbigyan ng ama.

Pahiga na sana ako ng saktong mag-ring ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table. Kinuha ko iyon at tumabi ng higa sa mag-ama bago sagutin ang tawag ni inay.

"Hello po inay?" saad ko pagkatapos sagutin ang tawag.

"Anak? hindi ba kayo uuwi? dito kayo magpasko. Gusto kasi ng tatay mo na makasama kayo sa darating na pasko at bagong taon." saad ni inay sa kabilang linya. Napatingin ako kay Silas nang maramdamang pumalibot ang braso niya sa bewang ko.

Binaba ko ang cellphone sa tenga at tinanong siya. "Ah, Silas? gusto kasi ni nanay na doon tayo magpasko at bagong taon eh, gusto mo ba?" alanganin kong tanong.

Tumingin muna siya sa akin ng ilang segundo bago tumango. "Alright, if that's what tita want."

Masaya akong ngumiti sa kanya at binalik na ang cellphone sa tenga. "Pumayag na po si Silas, inay. D-Deritso na lang po kami nila Silas dyan pagkatapos naming ihatid ang mga magulang niya sa airport."

"Osige, papatayin ko na ang tawag anak. Tumawag lang talaga ako para tanungin iyon, pasabi na lang sa mga magulang ni Silas 'fly safe', iyong apo ko ha? ikiss mo para sa akin." mahabang saad nito na ikinatawa ko.

"Sige po inay, goodnight po. I love you." nakangiting saad ko.

"Mahal din kita, osige papatayin ko na, anak." tumango na lang ako kahit na hindi naman niya nakikita at kasabay niyon ang pagkamatay ng linya.

Matapos ang tawag ay nakangiti akong nakatulog. Kontento na ako kung anong meron ako ngayon at wala nang hihilingin pang iba.

Nakatulog akong may ngiti sa labi at yakap ko ang mag-ama.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now