chapter 37

619 13 3
                                    

Mabilis na dumating ang pasko nang hindi ko namamalayan. Nag-aayos na kami ngayon sa harap ng aming bakuran para sa gaganaping handaan.

Nag-imbita rin kasi si inay ng mga kamag-anak namin at mga malalapit pa sa amin. Iyong mga tauhan naman ni Silas ay pinauwi niya na sa kani-kanilang tahanan para makapag celebrate ng pasko kasama ang kanilang mahal sa buhay.

Nagpa-catering din si Silas dahil ang rason niya ay para hindi na raw kami mapagod nila inay. Hindi nga ako pumayag nong una kasi dagdag gastos lang kaso nagpumilit siya kaya wala na rin akong nagawa.

Nakabilis na kaming lahat at hinihintay na lang ang mga bisita na inimbita nila inay.

Pagkatapos kong magsuklay ng buhok ay humarap ako kay Silas na kanina pa ako tinititigan at nakasunod lang sa bawat galaw ko.

Pretente itong nakahilig sa hamba ng pintuan at seryosong hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Maganda ba?" tanong ko sa kanya. Simpleng dark blue sleeveless dress lang suot ko na pinaresan ko lang ng two inch na heels.

Hinagod niya ulit ako ng tingin at mas lalong nandilim ang kulay kahel nitong mga mata. "You look gorgeous, love." puri nito.

Namumula naman akong nag-iwas ng paningin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na sinabayan pa ng mga paru-parong nagsisiliparan sa aking tyan.

Pinasadahan ko ito ng tingin, naka dark blue long sleeves polo shirt siya at bahagya pang nakatupi hanggang siko. He's also wearing a black slacks. Formal na formal.

"A-ang gwapo mo rin....." nahihiya kong sabi. He's side of his lips rose up.

Nagkabit balikat lang ito habang hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi. "Let's go outside, the guests is already there."

Marahan akong tumango sa kanya at nauna ng maglakad papunta sa labas. Pagkalabas namin ni Silas ay sumalubong sa amin ang mga bisitang nagkalat na.

Nakita ko pa si inay na kinakausap ang mga ibang bisita kaya hinagit ko si Silas papunta roon para ipakilala.

"Nay!" tawag ko rito, agad naman itong lumingon sa akin kaya pati na rin ang mga kinakausap niya ay napalingon na rin sa akin. Napansin ko pang lumapit ang tingin nila sa katabi kong seryoso lang na naka-tayo.

"Rihanna, andito nga pala si mareng tinay. Hinahanap ka nga eh," aniya at binalingan si aleng tina na hindi ko napansin na siya pala ang kausap na inay.

Binalingan ako ito at bahagyang nginitian. "Aleng tinay! buti naman po at nakapunta kayo!" linapitan ko pa ito para mayakap.

Yumakap naman siya pabalik at bahagya pa akong tinapik ng mahina sa likod. "Aba'y syempre naman! inimbitahan niyo kami eh" nagagalak na saad niya.

Humiwalay ako sa yakap at binalingan si Silas. "Si Silas nga po pala, ahm....." hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin kasi hindi pa naman namin napag-uusapan kung anong relasyon ang meron kami. Hindi kami mag-kasintahan, pero may anak kami.

"Her fiance, ma'am." dugtong niya. Gulantang ko siyang nilingon.

Mas lumapit pa ako sa kanya para bulungan siya. "Ano ba yang pinagsasabi mo?"

Ngumisi lang siya at binaliwala ang tanong ko.

Napatakip ng bibig si aleng tinay, "Nakapagawpo naman niyang mapapangasawa mo, Rihanna."

Matunog na ngumisi si Silas dahil sa natanggap na papuri mula sa matanda. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni aleng tinay, wala naman kasi akong masabi. Gwapo naman talaga siya.

"Maiwan na muna kita, mareng tinay. Aasikasuhin ko lang ang iba pang bisita. Kung nagugutom ka na kumuha ka na lang o kung may kailangan ka, pwede mo akong tagawin." saad ni inay, nang tumango si aleng tinay ay pinuntahan niya naman ang iba pang bisita.

Natapos ang munting salo-salo sa aming bakuran ng walang naging sagabal. Masaya lalo na't maraming pumunta.

Kinagabihan nag-aya nang mag-inom si itay na pinaunlakan naman ng mga kumpare niya. Nasa labas na sila kasama si Silas, inaya rin kasi siya ni itay.

Matapos mapainit ang kare-kare at menudo na pulutan nila ay pinatay ko na ang kalan at nilipat sa bowl. Binitbit ko iyon at lumabas na para ibigay sa kanila.

Nasa may pintuan pa lang ay rinig ko na ang halakhakan nila. Agad kong nilipag ang pulutan nila kaya napunta sa akin ang mata ni Silas.

Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasandal siya sa upuan habang namumungay ang matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa tama ng alak o baka naman ay inaantok na siya.

Tinignan ko ang iniinom nila at halos manlaki ang mata ko ng makitang hindi ang alak na binili ni Silas ang iniinom nila, gin bilog at red horse ang iniinom nila. Kaya pala ang bilis niyang tamaan ng alak.

Napaigtag ako ng hilahin ako paupo ni Silas sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Bakit hindi na lang iyong binili mo ang inumin niyo? hindi ka naman imiinom ng gin bilog at red horse ah!" tanong ko sa kanya.

Pinatong niya ang braso sa inuupuan ko at pinakatitigan ako. "Tinikman lang nila, mas masarap daw iyan kaya iyan na lang ang ininom namin,"

"Pero kasi, mabilis makalasing yan!"

He chuckle, "It's okay, I have high tolerance, baby. You don't to worry..."

I sigh, "Pero huwag kang masyadong uminom ng marami," nag aalalang bilin ko sa kanya.

Baka kasi kinabukasan ay magsisi siyang uminom ng gin bilog, base na rin pag nakikita kong imiinom si itay niyan noon ay sumasakit ang ulo niya kinabukasan at mabilis din iyang makalasing.

Tinignan ko si itay na nakikipag-usap sa mga kumpare niya. Kakaumpisa pa lang nila pero apat na silang bote ng gin.

"Aalis na ako! papatulugin ko lang si Elias," mahinang sabi ko kay Silas.

Nagtaka naman ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, "Okay, baby..." aniya at kinantilan ako ng halik sa pisngi.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo para pumasok sa loob ng bahay. Dumeritso ako sa sala kung saan naglalaro ang anak ko.

Naabutan ko itong naglalaro ng mga sasakyan na laruan. Binilihan kasi ni Silas kanina sa palengke tapos may mga luma pa naman siyang laruan dito, pinaglaro ko kasi siya kanina para hindi siya mabored.

LS #1: Silas LaurierOù les histoires vivent. Découvrez maintenant