chapter 33

750 18 0
                                    

Mabilis akong napamulat ng mata ng maramdamang wala akong makapa sa magkabilang gilid ko. Saan naman kaya nagpunta ang mag ama?

Bumaba ako mula sa kama para hanapin sila, baka nag bonding lang silang mag-ama. Alam ko kasing sabik na sabik sila sa isa't isa, at kasalanan ko kung bakit sila nagkalayo.

Dumeritso ako sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo ng ngipin. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para hanapin sila Silas. Sa lawak ng bahay ni Silas ay nahirapan pa akong hanapin sila sa second floor kaya na-isip kong baka nasa baba sila.

Pagbaba na pagbaba ko pa lang sa hagdaan ay nabigla na ako sa dalawang taong nakaupo sa sofa, sa living room.

They're here! silas's parents is here.

Umusbong ang kaba sa aking dibdib at hindi ko alam kung paano sila kakausapin o lalapitan manlang.

Agad silang napatingin sa akin kaya lalo akong kinabahan, parang gusto ko na lang bumalik sa itaas kaso nakakabastos naman tignan non.

I cleared my throat to avoid stuttering. "Uhmm.... Hello po! magandang umaga po!" buti na lang ay hindi talaga ako nautal. Kinakabahan kasi ako, kinakabahan ako kasi ngayon ko lang sila makakausap.

Mas lalo pa akong kinabahan ng tumaas ang kilay ng mommy ni Silas.

"Who are you?" mapanuring tanong ni ma'am Aya. I don't know if it's her real name. Ang sabi-sabi kasi sa school noon ay hindi 'Aya' ang tunay na pangalan ng nanay ni Silas.

Nangingnig ako dahil sa kaba, idagdag mo pa ang pagiging mapanuri niyang mga mata. "Ako po si Rihanna, Rihanna Ruiz po, ma'am...."

Gulat ang rumehistro sa maganda niyang mukha. Eh, wala namang nakakagulat sa sinabi ko kaya nakakapagtaka lang. Bakit siya magugulat?

"Omg! for real? you're Rihanna Ruiz?!" hindi makapaniwalang tanong niya at mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo.

Nahihiya akong tumango. "Opo...."

Mabilis siyang lumapit sa akin kaya napa-pikit ako, akala ko kasi sasampalin niya ako kasi nandito ako sa bahay ng anak niya pero nagkamali ako ng iniisip nang maramdaman ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.

"I'm glad you're back! I'm really really glad, my son is crazy over you!" natatawang saad niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Hindi ako makapaniwala! alam ko namang mabait siya pero kinakabahan pa rin ako sa maaari niyang sabihin sa akin.

Nahihiya akong ngumiti, hindi alam ang dapat na sabihin.

Malawak siyang ngumiti, tila naramdaman niyang nahihiya ako. "By the way, where's Silas? I haven't seen him yet."

Oo nga pala! hinahanap ko rin si Silas eh, at ang....... anak namin.

"Hindi ko po alam eh, siguro po may pinuntahan po." nahihiya kong saad at nag iwas ng tingin. Kung hindi pa nakikita ni ma'am Aya si Silas dito, ibig sabihin wala sila rito sa bahay? saan naman kaya nagpunta ang mag-amang iyon.

"Pwede po ba akong...... uhm, bumalik sa taas? kukunin ko lang po iyong cellphone ko para po matawagan ko po siya." hindi ko na mabiling kong naka-ilang 'po' na ako.

Humalakhak siya at hinawakan ang nanlalamig kong mga kamay. "Let me introduce my self first. I'm Alyana Laurier and my husband's name is Leonardo Laurier." saad niya, hindi parin naaalis ang ngiti sa labi.

Lumapit ang asawa niya at pormal na nakipag kamay na agad ko namang tinanggap. "Like what's my wife's said, I'm Leonardo Laurier. Just tito or daddy is fine with me." saad nito at binitawan ang kamay ko. Nagulat pa ako ng ngumisi ang tatay ni Silas kaya namula ang buo kong mukha nang mapagtanto ang sinabi nito.

Okay pa sana ang 'tito' pero ang 'daddy'? hindi pa naman kami kasal ni Silas, siguro tito na lang muna hanggat hindi pa kami kinakasal ng anak niya, nakakahiya naman kung tatawagin ko silang mommy at daddy eh hindi pa naman ako kabilang sa pamilya nila. Tsaka na siguro pag kabilang na ako.

Grabe, saan ko ba napulot itong pinag-iisip ko?!

"Mom? what are you doing here?" natigil ako sa pag-iisip nang makita si Silas at Elias sa bungad ng pinto.

"Bakit ngayon ka lang? halos dalawang oras na kaming nag hihintay rito. And w-wait, w-who's that kiddo? w-why i-is h-he.... exactly look like you?" gulat at hindi makapaniwalang tanong nito. Kung kanina ay gulat siya, mas gulat naman ang bumakas sa mukha nito.

"He's my son, mom." walang pag-aalinlangang sagot ni Silas. Akma namang mahihimtay si tita Aya kaya na-alarma kaming lahat. Mabilis siyang dinaluhan ni tito at nag pakuha ng maiinom ni tita sa kasambahay.

"I can't believe this!" tila problemadong saad ni tita Aya. Kahit sino naman siguro ay magugulat kung bigla-bigla na lang susulpot si Silas na may kasamang bata at sabihin anak niya iyon.

"He exactly looks like you, son." manghang saad ni tito Leonardo. Kamukhang-kamukha naman kasi talaga ni Silas ang anak namin, para lang niyang naging little version si Elias.

Napangisi si Silas sa sinabi ng tatay niya. "Yeah, I'm a good shooter. Like you, dad." he proudly said and winked at me. Namula ang buong mukha ko sa kahihiyan nang humalakhak sila nang tatay niya, pati si tita Aya na hindi makapaniwala kanina ay naki-sabay na rin.

Bwesit! proud pa talaga ang kumag!

"Uh.... aakyat lang po ako sa itaas," nahihiyang saad ko at mabilis na tumalikod para tumakbo pa-akyat sa hagdan. Iniwan ko na si Elias, alam ko kasing gusto siyang makilala ng lola at lolo niya. Hindi naman ako nababahalang may gawin sila kay Elias, ramdan kong mabait ang magulang ni Silas.

Nakakahiya talaga!

Nang makapasok sa kwarto ni Silas ay mabilis akong umupo sa kama para pakalmahin manlang ang inis ko, at the same time. Pati na rin kahihiyan na nararamdaman ko.

Matapos mahimasmasan ay agad akong nag halungkat nang damit at boxer ni Silas para may maisuot. Ayaw ko namang humarap sa mga magulang niyang wala akong ligo, 'no.

Nagpapatuyo ako nang buhak ng mapadaan sa malaking salamin dito sa banyo ng kwarto ni Silas. Maiigi kong pinagmamasdan ang sariling repleksyon doon. Sa sobrang laki ng polo shirt ni Silas ay umabot ang laylayan niyon sa baba ng aking mga tuhod, natatakpan ang suot kong boxer shorts na kay Silas din.

Wala akong dalang damit eh, ayaw naman bumili ni Silas ng damit ko magmula noong nakita niyang lagi ko nang sinusuot ang mga damit niya. Ang sabi niya, para raw makapagtipid kami. Sa yaman ba naman niya ay hindi siya mamumulubi kung bibilihan niya manlang ako ng kahit tatlong pares na damit. Pero ang sabi niya, okay lang naman na gamitin ko ang damit niya para raw hindi dagdag gastos.

Bakit feeling ko hindi talaga siya nag titipid? feeling ko kasi gusto niya lang na suotin ko ang mga damit niya.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now