chapter 31

1.2K 26 0
                                    

Para hindi mabored ay pinagdiskitahan ko na lang ang mga pagkain dito sa mesa na ibinigay ng maid nila.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na siya bitbit ang isang folder kasabay nang pagbaba niya ay ang pagdating ng babaeng hindi ko makita ang mukha kasi gulo-gulo ang buhok niya at natatabunan niyon ang kanyang mukha. Gulo-gulo rin ang suot niyang drees at bahagyang madumi.

Tinakbo niya ang pagitan nila ni silas at sinunggaban ito ng yakap. Dahil nga na sa may hagdan palang si silas ay hindi ko masyadong naririnig ang sinasabi ng babae pero base sa nakikita ko sa mukha ni silas ngayon ay may sinabi siyang ikinagalit ni silas. Nagbago kasi ang timpla ng mukha niya at napalitan iyon ng galit.

Mabibilis ang mga hakbang niya nang humiwalay ang babae sa kanya. Ni-hindi niya na nga ako napansin dahil nilagpasan niya lang ako na parang hangin. Hawak niya sa kamay ang babae kaya nahihila niya ito pasama sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakatayo at hinabol sila ng makitang malapit na silang makalabas ng pinto.

"Teka silas!" hinabol ko siya at hinablot sa siko dahilan ng pagtigil niya sa paglalakad pati na rin ang babae.

"What?!" galit siyang bumaling sa akin dahilan ng pagsinghap ko.

"S-saan k-ka pp-upunta?" naiiyak na tanong ko. Hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata niya.

"Wait me here, rihanna. May pupuntahan lang ako." saad niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa siko niya hinawakan ulit ang babae bago sila lumabas ng bahay.

Hinabol ko ulit siya at hinawakan sa siko. "I-iwan mo ako rito?"

"No. Babalik ako, just wait me here rihanna." saad niya at sa pangatlong pagkakataon sinubukan ko siyang hawakan ulit sa siko.

"Huwag mo akong iiwan dito, please. May importante pa akong sasabihin sayo, please silas!" nag-mamakawa kong saad sa kanya at tuluyan na ngang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"We will talk later, just fucking wait here rihanna." galit na sigaw niya. Malakas akong napaiyak ng winaksi niya ang kamay kong naka-hawak sa siko niya.

Bago ko pa sila mahabol ay nakasakay na sila sa sasakyan ni silas. Napasalampak ako sa lupa at napahawak sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong sinabi nung babae kay silas at bigla na lang siyang naging ganon, basta ang alam ko. Pinili niya ang babaeng iyon kesa sa akin.

Ilang minuto pa akong umiyak doon hanggang sa maubos ang mga luha ko. Kanina pa nga ako inaalo ng mga katulong nila silas, eh. Kaso ang sakit pala talaga sa dibdib, akala ko nga sa mga novels at movies lang yon nangyayari, pati pala sa totoong buhay.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lupa at wala lingon-lingong umalis sa lugar na iyon. Hindi na ako babalik sa bahay ni silas, oo at babalik ako roon para kunin ang mga gamit ko at hindi na magpakailan mang babalik pa.

Sumakay ako ng taxi pabalik sa bahay niya at buti wala sila manang dulce. Kaya malaya kong linagay sa maleta ang mga gamit ko. Pagkatapos non ay hinatak ko iyon pababa.

Balak ko sanang sabihin kay silas ang tungkol sa pagbubuntis ko kanina para hindi na siya umalis pero mukhang hindi ko ata masasabi kasi aalis na ako rito at babalik na sa probinsya.

Sumakay ulit ako ng taxi papunta sa terminal ng mga bus. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila inay pagnalaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko pero haharapin ko na lang siguro iyon ng mag-isa.

Sumakay ako ng bus papunta sa probinsya namin at pilit na tinutuyo ang mga luhang kanina pa tumutulo. Masakit, oo. Masakit kasi ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko! nawala na lang ng parang bula ang mga pinaghirapan nila itay.

Patuloy lang ako sa pag-iyak Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagsara ng talukap ng mga mata ko.

"Oh! bababa na ang mga bababa!" nagising ako ng sumigaw mula sa unahan ang kondoktor ng bus.

Pinulot ko ang bag ko na nasa baba may paa ko at sinulbut iyon sa aking balikat. Tumayo ako at pumili para sa pagbaba. Marami kasi ang bumaba at idagdag pa na nakaharang ang kondoktor sa may pintuan ng bus kaya ang hirap na makababa.

Nang makababa ay naghanap ako ng tricycle na masasakyan at sa wakas nakahanap ako ng tricycle na papunta sa isa pang bayan papunta sa barangay namin.

Dalawang beses ka kasing sasakay sa tricycle para makapunta sa barangay namin pero kung may kotse ka naman ay hindi na kailangan iyon.

Matapos ang isa't kalahating oras ay narating na namin ang bayan papunta sa barangay namin.

"Manong bayad ho!" bumaba ako at inabot sa driver ang bayad.

Pagkatapos niyon ay sumakay pa ako sa isa pang tricycle. Trenta minutos lang ang byahe papunta roon kayo mabilis akong nakarating sa barangay namin. Itinuro ko ang bahay namin sa driver at binigay ang bayad bago bumaba sa sasakyan niya.

Nang-tuluyang makatapak sa bakuran ng bahay namin ay malakas akong napabuntong hininga. "Kaya mo yan rihanna!" pampalubag loob ko sa sarili.

Pumasok ako sa naka-awang na pinto at bumungad sa akin si inay at itay na nanonood ng tv. Hapon na rin kasi kaya siguro ay nagr-relax na lang sila.

"Nay, tay?" tawag ko sa kanila na ikinalingon nila sa akin. Parehas na nanlaki ang mga mata nila at agad nila akong sinalubong ng yakap

"Bakit ang aga mo umuwi anak? wala ka bang pasok?" takang tanong ni inay nang humiwalay siya sa yakap.

"Ahmm.... Inay, ano po kasi! hindi na po ako babalik sa maynila!" sabi ko na ikinagulat nila.

"Bakit naman anak? mahirap bang mag-aral sa manila at napa-uwi ka pa ng wala sa oras?" tanong ni inay. Umiling ako at nagsimula nang mag-init ang gilid ng mata ko na ikinataka nila.

"B-buntis po ako, sorry po inay, itay! sinira ko pa ang pinaghirapan niyo....." tuluyan na ngang lumabas ang mga luhang akala ko ay ubos na.

Parehas silang napasinghap at nagkatinginan.

"S-sino ano nakabuntis sayo?" may halong galit sa tono ng boses ni itay.

Umiling ako at hindi makasagot, ayokong sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni silas.

Yinakap lang ako ni inay ay inala. "Hindi ayos sa akin na maaga kang nabuntis, anak. Pero tanggap ko ang dinadala mo, tahan na!" mahinang sabi ni inay at bahagyang hinaplos ang likuran ko.

"Hindi rin ayos sa akin pero wala naman na kaming magagawa, eh. Andyan na yan, basta paghanda ka nang sabihin sa amin. Makikinig kami ng inay mo, anak." sabi ni itay sa kalmado ng boses. And with that, malakas akong umiyak.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag wala sila, kaya nagpapasalamat akong binigay sila sa akin ni lord.

End Of Flashback

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now