chapter 21

1K 41 4
                                    

"I'll just take this call." aniya at lumabas.

Itinuon ko na lang ang buong atensyon sa pinapanuod. Napatingin ako sa tyan ko ng malakas itong tumunog, grabe kumakain naman ako ng popcorn pero nagugutom pa rin ako.

Tumayo ako at tumungo sa kusina. Walang mga kasambahay ngayon kasi inutusan mamalengke ni silas. Ewan ko ba roon, hindi pa naman ubos ang laman ng ref niya at ng pantry.

Binuksan ko ang ref at inilibot ang patingin sa laman niyon. Naka organize ang mga prutas, gatas, at iba pa.

Dumampot lang ako ng isang kahong gatas at isang piraso ng saging. Ito muna ang kakainin ko habang nagluluto para maibsan naman kahit papa-ano ang gutom na nararamdam ko.

Sinubo ko ang kalahati ng tinapay at naglabas ng karne sa freezer ng ref. Adobo ang lulutuin ko kasi yon ang hinahanap ng bunganga ko, tsaka gusto ko rin magluto kasi simula ng mapunto ako rito ay hindi ako pinagluluto ni silas, ewan ko ba sa isang yon.

Niready ko lang ang mga sangkap at nagbalat na ako ng bawang, sibuyas at iba pa. Nalinisan ko na rin ang manok na ilalagay ko, papakuluan ko nalang para lumambot ang karne.

Kumuha ako ng kaldero at nilagay ko ang karne tsaka nilagyan ng tubig‚ pagkatapos ay ipinatong ko na ito sa stove.

Habang naghihintay na lumambot ang karne ay bigla nalang akong napaigtad ng may malalaking braso ang pumalibot sa bewang ko. Ramdam kong ipinatong niya ang baba niya sa aking balikat kaya napatingin ako sa taong yon.

"Hmmm.... what are you doing, baby?" malambing na tanong niya. Nangilabot naman ako sa tono niyon.

"Uhm, nagluluto ako ng adobong manok, nagugutom kasi ako eh hehehe." ani ko at pinatay hininaan na ang stove dahil malambot naman na yong karne, mabilis lang kasing lumambot ang karne ng manok.

Ubos na rin ang tubig na nilagay ko kaya dinagdagan ko iyon ng isang baso ng tubig bago ilagay ang mga sangkap. Tahimik lang akong pinapanood ni silas na para bang sinurusi ang bawat galaw ko.

"Bumitaw ka muna kaya? para makapagluto ako ng maayos?!" saad ko. Hindi kasi siya bumibitaw eh, kanina pa siya nakalingkis sa akin na parang linta.

"Let's stay like this, I will watch you." aniya at hinalikan ako bigla sa leeg kaya mas lalo akong hindi makapagfocus sa ginagawa ko.

"Sige, sabi mo eh." pagsuko ko. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin akong magluto, paminsan-minsan ay hinahalikan ako ni silas sa leeg at pisngi pero hindi ko nalang siya binibigyan ng pansin.

Hinalo ko lang yon sa panghuli beses at pinatay na ang kalan. Nagsuot ako ng gloves bago isalin ang naluto kong adobo sa mangkok.

"It smells good." papuri niya kaya napangiti ako.

"Maupo kana roon at nang matikman mo na." utos ko sa kanya. Napaungot pa siya pero sinunod din naman ang utos ko, ayaw niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin eh.

Ipinag-sandok ko siya ng kanin at ulam at umupo sa tabi niya. Gusto kong malaman kung masarap ba o hindi ang luto ko.

"Masarap ba?" tanong ko. Bumaling siya sa platong may lamang ng pagkain at kumuha ng kutsara para tikman iyon.

Nang maisubo at manguya niya yon ay nananatili akong naghihintay sa sagot niya.

"Yes." aniya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ummm....may itatanong sana ako sayo, pwede ba?"  kabado kong tanong. Hihiramin ko sana ang cellphone niya para matawagan sila inay, wala kasing load yong cellphone ko.

"Hmm.." he hummed at uminom ng tubig bago ibaling sa akin ang buo niyang atensyon.

"Pwede ko bang hiramin ang phone mo? may tatawagan lang san ako." nahihiya at kabado kong tanong. Simula kasi ng makapunta ako rito ay isang beses palang akong tumawag kila inay. Gusto kong malaman ang kalagayan nila.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay dahil sa sinabi ko, biglang rin dumilim ang buong mukha niya. "Who?" galit niyang tanong.

"Uhmm...si inay sana, gusto ko lang malaman ang kalagayan nila," ani ko. "Matagal na rin kasi nang huli akong tumawag sa kanila eh."

Lumambot ang expression niya at walang imik na inabot sa akin ang kanyang cellphone.

Itinipa ko ang numero ng cellphone ni inay at wala pang ilang ring ay may sumagot na.

"Hello? sino po sila?" tanong ni inay sa kabilang linya.

"Nay?" saad ko.

Halos abutin na ng ilang segundo bago pa sumagot si inay. "Rihanna, anak? ikaw ba 'yan?" bakas ang hindi makapaniwalang tono roon.

"Opo, kamusta po kayo ni itay?" tanong ko at napatingin sa katabi kong nakatitig lang sa akin.

"Ayos lang naman kami, ikaw ba? kamusta ang pag-aaral?" wika ni inay. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Ayos lang naman po ako at ang pag-aaral ko inay." mahinang saad ko. Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang tunggkol kay silas, baka kasi pag nalaman nila ay pauuwiin na nila ako, at yon ang ikinatatakot ko. Gusto kong tapusin ang pag-aaral ko para balang araw ako naman ang tutulungan sa magulang ko.

Tsaka hindi naman kami ni silas para ipakilala ko pa siya sa kanila.

"Anak?" bumalik ako sa diwa ng magsalita si inay sa kabilang linya.

"P-po?" tanong ko. Narinig ko namang siyang napabuntong hininga bago ako sagutin.

"Mag-iingat ka ha? pagbutihan mo ang pag-aaral mo." wika ni inay. "Mahal na mahal ka namin ng papa mo, lagi mong tatandaan iyan."  dugtong ni inay.

Rinig ko pang suminghot siya kaya naguunahan na ding tumalo ang luha ko. "Opo kayo rin, mahal na mahal ko po kayo.." pumiyok pa ako ng magbara ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

Lumapit ang tingin ko kay silas ng tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Pinaghiwalay niya ang hita ko at tumayo sa ginta.

Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mata ko at paminsan-minsan ay hinahalikan ako sa ulo at bumabulong ng mga matatamis na salita.

Nang matapos ang usapan namin ni inay ay ganon pa rin ang posisyon naming dalawa. Miss na miss ko na kasi talaga sila inay, siguro pagnakaipon na ako ng sapat na pera ay uuwi ako roon para dun magcelebrate ng pasko.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now