chapter 10

1.5K 48 4
                                    

"Ibalik mo nalang kasi sa akin ang anak ko, silas!" bulyaw ko kay silas nang makababa ako sa kotse. Ni-hindi niya manlang ako pinansin at tuloy-tuloy na naglalakad habang hila hila ako.

Kanina pa ako naiinis sa taong 'to! pag talaga itong tali sa kamay ko naalis, bibigwasan ko siya.

"Kailan mo ba tatanggalin itong tali ha, silas?! bwesit ka! ang sakit na ng kamay ko." galit na bulyaw ko. Kanina pa ko pa siya sinisigawan pero hindi niya manlang ako binigyan ng pansin.

"Shut up baby, ang ingay mo." aniya at pumasok sa loob ng mansion niya. Alam kong sa kanya 'to dahil kaya niyang bumuli ng maraming mansion.

Paano ko nasabi? kilala siya bilang isang sikat na businessman kaya hindi na malabong mangyari iyon. Hindi lang naman siya ang kilala sa pamilya nila kundi ang buo nilang angkan. Kahit nga ata hindi sila magtrabaho ay hindi sila mamumulubi.

Narating namin ang living area kaya mabilis kong inilibot ang paningin sa loob. Isa lang ang masasabi ko, ang ganda. Halatang mamahalin yong mga naka display na painting at vase.

"Wait here." bilin ni silas bago umakyat ng hagdan.

"Teka! tanggalin mo muna itong tali." ani ko. Tumigil siya sa paghakbang bago lumingon sa akin.

"Sorry! i forgot." aniya niya bago nag mamadaling lumapit sa akin. Tinanggal niya ang tali at inilapag sa mesa na nasa tabi niya.

"Asan ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto niya, wait here!" aniya bago muling tumalikod.

Ilang minuto na akong naka upo rito sa sala at talagang naiinip na ako. Bakit ba ang tagal bumulik ni silas? hindi naman ako maka-alis sa kinauupuan ko kasi kanina pa naka bantay sa akin si kuyang naka earpiece.

"Pst, kuyang naka earpiece!" agaw pansin ko sa kanya.

"Why madame?" tanong niya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko. Hindi naman siguro masamang itanong kung anong pangalan niya, diba?

Nag aalangan pa ata siya kung sasagot ba siya o hindi, hindi kasi mapakali mata niya. "Ahm, benjamin madame."

"Rihanna nalang." sabi ko bago ngumiti sa kanya.

Ngumiti naman siya pabalik. "Hindi po pwede, magagalit po si sir."

"At baki-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni elias.

"Mama!" sigaw niya at mabilis na tumakbo papunta sa akin.

Lumuhod ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "I miss you, baby." bulong ko sa kanya.

"I miss you too mama!"

"Hindi ka ba sinaktan ni silas anak?" nag aalalang tanong ko bago suriin ang braso niya.

Umiling naman siya at mawalak na ngumiti. "Hindi naman po mama, ang bait kaya ni daddy."

Lumingon naman ako sa direksyon ni silas, sinabi niya na kaya? malamang oo, tinawag niya na ngang papa si silas eh.

"Hindi? ano 'yong video na nakita ko? naka tali ka anak." nalilitong tanong ko. Nanatiling tahimik lang na pinapanuod kami ni silas.

"Sabi po kasi ni daddy need daw po namin gawin 'yon para sumama ka hehehe." aniya sabay hawak sa pisnge ko. Anak ng tokwa!

Nanliliit ang matang tumingin ulit ako sa kinatatayuan ni silas, pero ang loko ngumisi lang. Naalala ko yong mga pulis, wala manlang silang ginawa para tulungan ako, nag dala-dala pa ako ng mga pulis wala rin palang silbi.

Andito kaming dalawa ni silas sa library kung saan naruruon ang opisina niya. Ang sabi niya may pag uusapan daw kami, pwede niya namang sabihin nalang sa living room eh.

"Anong sasabihin mo?" walang pag aalinlangan kong tanong.

"Marry me." sabi niya sa walang emosyong mukha.

"Pakasalan kita? nahihibang kana ba? ayoko." bulalas ko. Baliw na nga talaga 'tong lalaking 'to.

"Papakasalan mo ako o hindi mo na makikita ang anak ko? you choose." kalmado niyang sabi. Ito na naman tayo sa anak ko eh, pag si elias talaga ang usapan hindi ako makapag desisyon ng tama.

"Hayaan mo nalang kasi kami!" galit na sigaw ko sa kanya. Parang wala lang siyang narinig at hindi manlang pinansin ang pag sigaw ko.

"Parang awa mo na, hayaan mo na lang kaming mamuhay ng tahimik." nag maaka-awang sabi ko. Ramdam ko pa ang pag landas ng luha sa aking mata, naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon.

"How about me?! iniwan mo nalang ako ng basta basta, rihanna." galit na sigaw niya at bahagya pang hinampas nang kay lakas ang table na nasa harap niya.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko dahil dun. Hindi ko naman kasi siya iniwan ng walang dahilan! iniwan ko siya kasi mas pinili niya ang babae niya kesa samin ng anak niya.

"May dahilan ako para iwan ka noon." sabi ko gamit ang garalgal na boses. "Ginawa ko naman ang lahat! naging mabuti akong girlfriend sayo! pero mas pinili mo pa ang babaeng yon kesa sa akin."

"What? pinili?" naguluhang tanong niya.

"Oo! yong babaeng umiiyak na lumapit sa atin nung nasa mansion niyo tayo." pag lilinaw ko sa kanya dahil mukha pa siyang nalilito na ewan, pero nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang tumawa ng malakas.

Baliw na ata siya?

"Fuck baby!" aniya bago humawak sa tyan niya at pinipigilang wag matawa, pero ang mukong na 'to matatae na ata sa pantog niya kakatawa hindi parin tumitigil.

Mas lalo akong nalito, bakit siya tumatawa? may nakakatawa ba sa sinabi ko? tuluyan na ata siyang nasiraan ng ulo.

"Teka nga! anong nakakatawa sa sinabi ko?" naiinis kong tanong. Lakas talaga ng tama nitong lalaking 'to, kulang nalang isipin kong nag d-drugs yan eh.

Nag drugs ba siya nung iniwan ko siya? pasalamat siya at hindi ko dala yong cellphone ko, kung hindi tatawag talaga ako ng rehabilitation center para madala na nila itong lalaki na ito.

"Anong nakakatawa? umamin ka nga! naka drugs ka ba?" walang preno kong tanong dahilan para matigilan siya sa pag-tawa.

"Hindi ako gumagamit ng droga, sayo lang naman ako adik." he said in a serious tone.

Namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Punyeta! bakit bigla akong nakaramdam ng kilig? imposible namang mahal ko pa siya? matagal na akong naka move on.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now