chapter 26

1K 40 0
                                    

Nagising ako ng maramdamang nilapag ako sa malambot na kama.

"hmm...." mahinang ungol ko ng maramdamang hinahalik-halikan ako sa leeg ni Silas. I know he is the one who put me on the bed, because I know the smell of his perfurme.

"Hey! let's eat first, before you sleep." aniya sa malambing na boses. Nagmulat ako ng mata at nilibot ang paningin sa kwartong pinag dalahan sa akin ni Silas.

"Are we in Boracay yet?" I asked.

He nods, "Yes, baby."

"This room is quite big!" namamangha kong saad.

"Uhuh, let's eat! they're waiting in the lobby." aya niya. Inabot ko naman ang mga kamay ko sa kanya kaya natatawa niya akong tinulungan bumangon mula sa pagkakahiga.

"You're so cute, baby!" naka ngiting saad niya. Sus nambola pa ang isang 'to.

"Hindi na ako magpapalit ng damit, kakaligo ko lang kaya bago tayo pumunta rito!" naka simangot kong saad.

He smiled, "If that's what you want."

Iginaya niya ako palabas ng hotel room. Nang makarating kami sa tapat ng elevetor ay pinindot niya ang ground floor. Nauna siyang pumasok at tsaka ako hinila para makapasok dun, kami lang naman ang sakay no'n kaya mabilis kaming naka-rating sa lobby.

Tumunog ang elevator senyales na bumukas na ito. Hinapit ako ni Silas sa bewang at iginaya palabas ng elevator.

Tinungo namin ang daan palabas at tama nga ang sinabi ni Silas kanina, naghihintay na sila roon, hindi lang sila Chelsea, Kael at Gael ang nandun. Kundi may iba pa silang kasama na hindi ko na kilala.

"Sino yong mga kasama nila?" pabulong na tanong ko kay Silas. Nilingon niya naman ako atsaka nagsalita.

"My other cousins, I'll introduce you to them." paliwanag niya. Tumango tango ako at hindi na nagsalita pa. Ang dami pala nilang mag pipinsan? siguro ay mayaman din sila tulad ni Silas, no doubt.

Nang makalapit kami sa kanila ay agad silang napalingon sa akin. Bali walo sila kasama na sila Chelsea, yong lima pa nilang kasama ang hindi ko na kilala.

"Bakit ang tagal niyo? kanina pa kami naghihintay rito oh!" reklamo ni gael.

Humalaklak naman si Chelsea at nang aasar na tinignan si gael. "Ang sabihin mo nagagugutom ka lang! tsk. Patay gutom talaga." asar niya kay gael dahilan para samaan siya nito ng tingin.

"Tumigil ka nga riyan at baka hindi kita matimpi, masakal kita. Pasalamat ka at kapatid kita." nang gigigil na sabi ni gael.

"Tse! isusumbong kita kay mommy! akala mo ah!" nakasimangot na saad ni Chelsea. Ang cute niya!

Nagtawanan naman ang iba pa nilang pinsan dahil sa pag babangayan nila, para silang aso't pusa.

Pumagitna ang medyo matangkad na babae at inawat sila. "Tama na yan! para kayong aso't pusa!"

"Omsim barabida, hindi ba kayo nahihiya sa kasama ni insan?" sang-ayon naman nung lalaking hindi ko alam kung anong pangalan. Sa tansya ko ay siya ang pinaka bata sa kanilang mag pipinsan.

"Ipakilala mo naman siya sa amin, kuya!" saad nung babaeng medyo matangkad. Maganda siya, kulay brown ang buhok niya samantalang kulay berde naman ang mga mata niya. Tapos lagi siyang naka ngiti, masiyahin siya. Maputi at makinis ang balat niya na halatang alagang-aga.

Tumikhim si Silas, "She's Rihanna Ruiz, my girlfriend." seryosong sabi niya.

Unang lumapit sa akin yong babaeng kulay berde ang mata at nag lahad ng kamay. "I'm Sofie, ate Rihanna! welcome to the family!!" naka ngiting saad niya bago ako yinakap.

Napa-ngiti ako. "Salamat, sofie!"

Kumalas siya sa pagkakayakap at umatras para mabigyan ng daan ang lalaking pinaka bata sa kanila.

"Hi ate hehehe," nahihiyang saad niya. "Xavier po pala." sabi niya at ngumiti. Ang cute ng ngiti niya.

"Hi Xavier! masaya akong makilala ka!" naka ngiting saad ko. Masaya akong tanggap ako ng mga pinsan niya.

Bumaling siya sa tatlo pang lalaki na hindi pa nag papakilala. "Siya po si kuya Tyler," turo niya sa lalaking katabi ni sofie. Kumaway naman sa akin yong lalaki at kinawayan ko rin siya pabalik.

Tinuro niya ang dalawang lalaking katabi ni tyler, "Si kuya Ezekiel at kuya Strom!" pakilala niya sa kanila. Tumango tango naman ako at tinandaan ang mga pangalan nila.

"Masaya akong makilala kayo!" maligayang wika ko. Binalingan ko naman si Silas na kanina pa tahimik.

Nag tiptoe ako para bulungan siya, "Nagugutom na ako, silas. Kain na tayo hehehe..." nahihiyang saad ko.

Bumaling siya sa mga pinsan niya. "Let's eat! Rihanna is hungry already." sabi niya na sinang-ayunin ng mga pinsan niya.

Nilakad lang namin ang malapit na restaurant. Hindi ko alam na maganda pala talaga rito sa Boracay, hindi ko pa masyadong napag mamasdan ang buong lugar sabi naman ng mga pinsan ni silas ay lilibutin daw namin ito mamaya pagkatapos naming kumain.

Nakapag order na si Chelsea bago pa kami pumunta rito kaya iseserve na lang ang pagkain namin. Pass 9:30 na rin kaya hindi masyadong matao rito. Nakakahiya nga at pinaghintay pa namin ang mga pinsan niya pero siya ay hindi manlang nag abalang gisingin ako kaninang nakalapag na pala ang eroplano.

Napatingin ako sa plato ko ng lagyan ni silas ng hipon iyon, and take note, binalatan niya pa iyon bago ilagay sa plato ko. So sweet.

"Eat now, baby." wika niya pagkatapos lagyan ng maraming kanin at iba't ibang putahe ng hipon ang plato ko.

Nag rereklamo ko siyang tinignan. "Hindi ko yan mauubos silas! bakit ang dami mo naman atang nilagay? mukha ba akong patay gutom?!" pag rereklamo ko at sinabayan pa ng pag padyak ng paa sa ilalim ng mesa.

"You should eat more! you're so thin, baby." nang aasar na saad niya. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil dun.

"Anong payat? sexy ang tawag dyan!" atungal ko. Nagkabit-balikat lang siya at hindi na ako pinansin. Samantala, ang mga pinsan niya naman ay may sari-sarili na ring mundo.

Matapos mag breakfast ay tinungo na namin ang iba't ibang lugar dito. Bumili rin kami ng mga souvenirs, at iba pang pwedeng ibigay pag uwi namin. Pagkatapos no'n ay nag hiwalay-hiwalay na kami para magtungo sa kanya kanya naming kwarto.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now