chapter 12

1.2K 46 0
                                    

Napasinghap ako dahil dun, hindi ko kayang tagalan ang makipag-titigan sa kanya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

Ang kaninang maingay na cafeteria ay napuno ng katahimikan nang magsimulang maglakad yong ssg president. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan ng papunta siya sa direksyon namin.

Ipinag sa walang bahala ko nalang yon at nagpatuloy sa pagkain, para ngang baliwala lang kay viola yong nasa paligid niya eh. Hindi niya kasi pinagtutuonan ng pansin yong nangyayari at patuloy lang na kumakain.

Nakahinga ako ng maluwag nang
nilagpasan niya ang table namin, bakit ba napapraning ako? hays. Siguro epekto lang 'to ng pagkamiss ko kila inay at itay.

Malakas na tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Nag unat ako ng kamay bago ayusin ang naka-kalat na gamit sa table ko. Ang dami naming ginawa kahit first day palang, pero ayos lang kasi nag enjoy naman ako.

Isinukbit ko ang bag sa likod ko at lumabas na ng class room. Sinabi kanina ng teacher namin na bukas daw ay may magaganap na announcement para sa pagbubukas ng klase, dadalo ang may-ari ng school dahil gusto niya raw makita ang school. Halos isang taon na rin daw kasing hindi siya nakakadalaw dito, ang sabi ni ma'am ay ang anak daw ng may-ari ng school na ito ang namamahala rito.

Napa-daing ako ng bigla nalang akong mauntog sa pader. Dahil sa lakas ng impak non ay napahawak ako sa noo kong namanhid ata dahil sa sakit.

Teka pader?!!

Paano nagka-pader sa hallway? nag angat ako ng tingin at napa-nganga ako ng makitang hindi pala pader ang nabunggo ko. Kundi si mr. president.

"S-sorry! h-hindi ko sinasadyang mabunggo ka!" uutal at natataranta kong sabi. Napakalamig kasi ng mga mata niya at nakakatakot siyang tignan kasi wala manlang siyang pinapakitang emosyon.

Pangalawa beses ko nang mabunggo sa araw na ito, unang araw ng pasukan pero napaka malas ko naman ata. Nung una si viola pero ngayon si mr. president na? huhuhu nakakainis.

"Come with me." usal niya at hinawakan ng marahan ang pupulsuhan ko para hilain.

"T-teka! s-saan t-tayo pupunta?" kahit na nauutal ay nagawa ko paring magtanong sa kanya. Hindi siya sumagot at nag tungo lang sa direksyon ng parking lot.

"Shut up and don't ask." malamig niyang sabi bago huminto sa harap ng isang kotse. Malamang ay sa kanya itong kotseng ito dahil naglabas siya ng susi sa bulsa niya.

Pinatunog niya muna yon bago imikot sa pinto ng shotgun seat at binuksan iyon. "Get in."

Nag-aanlinlangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi pero binigyan niya lang ako ng matalim na tingin kaya dali-dali akong sumakay. Hindi naman siguro niya ako ki-kidnapin diba? tsaka hindi naman na ako bata, pwede namang adultnap?

Sinara niya ang pinto ng shotgun seat nang makapasok na ako. Umikot siya at dumeritso sa driver's seat. Pinaandar niya ang kotse at nagsimula ng magmaneho.

"Ahm? saan tayo pupunta?" mahinang tanong ko. Naiilang ako sa kanya dahil ang bigat ng presensya niya, yong tipong sa sobrang nakakatakot manginginig ka nalang. Kakaiba kasi ang presenyang meron siya, sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito.

"I'll drive you home." he answered me in a calm voice.

"P-pero, alam mo ba kung saan ako nakatira?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah!" aniya bago ako balingan ng tingin. Mas lalo lang akong nagtaka dahil sa sagot niya, paano niya naman nalaman kung saan ako nakatira? wala pa naman akong pinag-sasabihin ng address ko rito sa maynila kasi kakalipat ko lang dito nung isang araw.

Nagrerenta lang kasi ako ng maliit na bahay di kalayuan sa school dahil bukod sa nagtitipid ako ay para hindi na rin ako magpamasahe at lakarin nalang pauwi. Medyo may kalayuan nga lang pero pwede naman lakarin, sayang din kasi ang perang pangpapamasahe ko. Ibibili ko nalang iyon ng pagkain sa bahay para may makain.

Ayaw ko kasing maging pabigat pa kila inay at itay, kung maaari nga ay maghahanap na rin ako ng trabaho para pang dagdag gastusin. 4k kada buwan ang renta sa bahay, kasama na ang tubig at kuryente.

Maswerte nga ako dahil binigyan ako ng discount nang may-ari, nag bibigay raw kasi siya ng discount sa mga estudyante.

"Hey! you're spacing out." napatingin ako may mr. president ng mapansing tumigil na ang kotse niya.

Nagtataka ko siyang tinignan. "H-ha?"

He laughed softly bago ako sagutin. "We're here!"

Napatitig ako ng mabuti sa kanya ng tumawa siya, bakit ang gwapo niya tumawa? ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Pinalig ko nalang ang aking ulo at inilibot ang patingin sa labas. Totoo ngang nasa bahay na nirerentahan ko na kami, at totoo ngang alam niya kung saan ako nakatira.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko at binalingan siya ng nagtatakang tingin.

He shrugged his shoulders and gave me a playful smirk. "I just know."

Napanguso ako dahil sa sagot niya. Ano ba yan! ang ayos ayos ng tanong ko pero hindi niya manlang sinagot ng matino.

"Pwede ba yon? ano yon hinulaan mo lang?" nakasimangot kong saad. Mahina ulit siyang tumawa at inilapit ang mukha niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng ilang dahil dun.

"I think i like you." seryoso niyang sabi at biglang nalang akong hinalikan.

hinalikan niya ako?!!!

Nanlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa bigla niyang paghalik sa akin. Punyemas!!

Ilang segundo pa ang itinagal ng labi niya sa labi ko bago niya tuluyang ilayo ang sarili. Namula ako ng tumaas ang sulok ng labi niya, yong first kiss ko.

Mabilis kong hinawakan ang labi ko at mahinang bumulong. "Yong first kiss ko, wala na."

"I'm your first kiss?" namamanghang tanong niya. Marahan akong tumango at nahihiyang tinitigan siya sa mata. Napaka ganda ng mata niya, kulay asul ito at parang kumikinang pag tumatama sa ilaw ng mga sasakyang dumadaan sa harap namin.

"Ahh, thank you sa paghatid ah!" pasasalamat ko sa kanya at hindi ko nang hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto dahil ako na misimo ang nagbukas niyon at nagmamadali pumasok sa loob ng bahay ko.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now