chapter 8

1.5K 50 4
                                    

Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang bigla na naman itong mag vibrate. Kung kanina ay tawag ngayon naman ay message mula sa mag kaparehong number.

"Nine o'clock." basa ko sa message. Nag vibrate ulit 'to at nag pop out ulit ang isa pang text.

'Your son is with me.'

Hindi ako mapakali sa nalaman. Sino ang taong yon? bakit ang anak ko ang kinuha niya kung gayong ako naman pala ang kailangan niya.

"Anak?" napatingin ako sa pinto ng may kumatok. At alam kong si inay yon, sa boses palang.

"Bakit po?" walang ganang tanong ko. Parang ang bigat-bigat ng nararamdam ko sa mga nangyayari, hindi matanggap ng utak ko.

"Kakain na, alam kong pagod ka rin sa paghahanap! halika kana!" pag aaya ni inay. Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan kahit na ang bigat ng pakiramdam ko. Alam kung pagod din sila kaya ayaw ko ng maging pabigat pa.

"Sige po nay! susunod na ako." sambit ko bago ilapag ang cellphone sa kama para lumabas na sa kwarto.

Naabutan ko silang tahimik na kumakain kaya umupo na rin ako sa. Nagsasandok ako nang kanin ng biglang magsalita si itay.

"Pumunta sila pareng juan dito kanina, nilibot na raw nila yong buong baryo pero hindi parin nila makita si elias." ani niya. Marahan naman akong tumango bago nag angat ng tingin.

"May tumawag ho sa akin kanina, ang sabi niya nasa kanya si elias. Magkikita raw po kami sa mall."  usal ko. Nabitiwan naman ni inay ang kutsarang hawak.

"Ayos lang ba ang apo ko?" tanong ni inay.

Mabilis naman akong umiling. "Hindi ko po alam inay! sana lang ay wala siyang ginawang masama sa anak ko."

Matapos ang usapang yon ay napuno na ng katahimikan ang buong hapag-kainan. Natapos namin ang pagkain na walang nag sasalita, nag presinta ako na ako nalang ang mag huhugas ng mga pinagkainan namin.

Hindi pa nakakauwi si johan dahil nag over time siya sa trabaho. Hindi rin namin nasabi sa kanya yong nangyari, for sure mag wawala yon lalo na't close sila ni elias.

Hindi ko naman siya pwedeng abalahin sa pag tra-trabaho, tsaka tumawag naman na ang kumidnap kay elias kaya kahit pa-paano naging kampanti ako. Tatawagan ko nalang si johan mamaya pagkatapos ko mag hugas ng pinggan para sabihin ang nangyari kay elias.

Mag papaalam na rin ako sa school na hindi muna ako makakapasok. Hindi naman kasi pwedeng tumunganga nalang ako rito.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa wakas. Pinupunasan ko nalang ang mga 'to para mabilis na matuyo. Humihikab pa akong pumasok sa kwarto dahil sa pagod, gabi na rin kasi kaya siguro dinadalaw na ako ng antok.

Nang makaupo sa kama ay kinuha ko ang cellphone para tawagan si johan. Sa kabilang baryo kasi siya nag tra-trabaho kaya nag oover time siya, ewan ko ba sa babaeng yon mas gusto sa malayo, pero wala naman akong magagawa kasi yon yong gusto niya eh.

Dinial ko yong number niyo bago itapat sa tenga. Makalipas ang ilang ring ay sa wakas sinagot niya na rin.

"Hello insan? ba't napatawag ka?" tanong niyo gamit ang pagod na boses.

Bumuntong hininga muna ako bago mag salita. "I-insan? kasi ano..." hindi ko matuloy-tuloy dahil sa kaba.

Alam kong mag aalala yang si insan, tapos pagod pa siya sa trabaho. Bad news na kagad ang bubungad sa kanya.

"Ano insan? kinakabahan naman ako!" totoo nga, kanina ay mababakas pa sa tono ng boses niya ang pagod pero ngayon ay napalitan na yon ng kaba. Maski ako eh! hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Nawawala si elias!" sa wakas na sabi ko na rin ang kanina ko pa hindi masabi-sabi sa kanya.

Nakarinig naman ako ng malakas na pag kalabog sa kabilang linya. Marahil ay may nahulog na kung ano.

"H-ha? nagbibiro ka ba insan? g-grabe ka naman m-magbiro, n-nakakakaba!" ani niya.

"Hindi ako nagbibiro insan! totoo." usal ko at mahinang humikbi. Inaiiyak ako pag naalala ko kung paano ko nalaman yong pagkawala ni elias. Akala ko nga nagbibiro lang sila inay at itay non kung hindi ko lang nakita na parehas silang seryoso.

"Mag papaalam ako sa boss ko, uuwi na ako." bakas sa boses niya ang pagka-taranta.

"Sige! hihintayin ka namin. Mag iingat ka!" ani ko bago putulin ang linya.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na nag mumula sa labas ng aking kwarto. Bumangon muna ako bago mag inat ng katawan.

Ngayon pala yong punta ko sa mall na sinasabi nung kumuha kay elias. Tumingin ako sa side table para tignan ang oras, 6:15 am na pala. May dalawa't kalahating oras pa ako para mag handa.

Lumabas ako nang kwarto at dumeritso sa kusina. Mag papasama ako kay itay sa istasyon ng pulis para ipaalam na pupuntahan ko ang kumuha kay elias, para na rin may kasama ako pag pumunta ro'n sa  lokasyon na sinasabi ng kidnapper.

Baka may masamang mangyari sa akin pag ako lang mag isa ang makikipagkita sa kidnapper. Mas mabuti na 'yong nakakasigurado.

"Tay! samahan nyo po ako sa pag punta sa police station" ani ko kagad ng makarating sa kusina. Tumango lang si itay.

Tatlo na sila rito at andito na rin si insan. Seryoso silang nag uusap, kaya napaseryoso na rin ako.

Pagkatapos namin mag almusal ay ka-agad na kaming dumeritso ni itay sa police station, gusto pa sanang sumama nila inay at pinsan pero hindi na sila pinayagan ni itay at baka mapahamak sila pag sumama pa sila.

"Ma'am? anong oras po siya kinuha?" tanong ng kaharap kong pulis.

"Around 3 o'clock po!" sagot ko. Tumango ito at nag sulat sa hawak na papel.

"Sa tingin nyo pa, may alam po ba kayong dahilan para dukutin ang anak mo?" muli na namang nitong tanong kaya halos umusok ang ilong ko sa galit. Bakit ba ang dami niyang tanong e nanganganib na nga ang buhay ng anak ko.

"Wala! kaya sir pwede bang pakibilisan?" si tatay na ang sumagot non kaya tumango-tango ang pulis bago sumenyas sa kasamahan niya.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now