chapter 6

1.5K 53 0
                                    

"Tigilan mo nga ako!" nababanas na sabi ko sa kanya. Mabilis talaga ako mapikon, lalo na pag may problema.

"May gagawin kaba mamaya? pag katapos ng klase?" tanong ko. Mag papasama nalang ako sa kanya.

Umiling naman siya at uminom muna ng ice tea bago mag salita. "Wala, bakit? may pupuntahan ka ba?"

"Meron! pupunta kasi ako sa bahay nang estudyante ko, samahan mo ako?!" wika ko.

"Sige!" ani niya at nag patuloy sa pagkain.

Matapos ang nakakapagod na pag tuturo ay sa wakas na tapos rin! tatlong room lang naman pinasukan ko pero nakakapagod parin kasi yong isa nasa taas kaya nakakapagod talaga mag lakad.

Ewan ko ba sa nag pagawa nitong school, mas gusto niyang napapagod ang mga guro at estudyante.

Pumasok ako sa room ko. Nagulat pa ako nang makitang may guro pa sa loob, napatingin naman ako sa relo ko. 11:30 na bakit hindi pa sila tapos? overtime na ah.

Umupo nalang ako sa table ko. Siguro ay hihintayin ko nalang silang matapos, mapeh kasi ang subject nila ngayon, at art ang ginagawa nila.

"Goodbye class! see you tomorrow."

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin sila.

"Goodbye ma'am!"

Lumabas na ang mapeh teacher nila kaya napuno na naman ng ingay ay buong class room. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila.

"Sino ang cleaners ngayon?" tanong ko.

"Group 1 po ma'am!"

"Kami po, ma'am!"

"Okay! yong mga hindi cleaners pwede nang umuwi, cleaners? mag linis na kayo." wika ko.

"Asan si sophia?" tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Ihahabilin ko kasi sa kanya na siya nalang ang mag sa-sarado ng pinto. Pupuntahan kasi namin ni sir mateo si liana.

"Bakit po ma'am?" nag tatakang tanong ni sophia at bahagyang itinigil ang pag wawalis.

"Ikaw nalang ang mag sarado nang pinto, anak! ayos lang ba?" tanong ko rito. Agad naman siyang tumango, kaya inabot ko sa kanya ang susi ng pinto. Si sophia pala ang class president at isa sa may mga honor.

"Sige po!" ani niya at kinuha sa akin ang susi.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Si mateo pala, may dala siyang bag at nakapalit na rin ng damit. Kanina kasi ay naka uniporme, pero ang suot niya ngayon ay kulay puting t-shirt.

Bumaling ako kay sophia. "Maiwan ko na kayo ha? paki lock nalang nitong room! salamat." usal ko. Agad naman itong tumango.

"Tara?" patanong na sabi ko. Tumango naman siya at nauna na mag lakad, sinundan ko nalang siya. Yong motor niya siguro ang gagamitin natin, para malibre ako.

Nilibre ko siya kanina eh, kaya isasakay niya ako. Nawala sa isip ko si elias, baka hindi pa siya nasusundo ni itay.

"Saglit lang! dadaanan ko lang si elias." ani ko. Halos lahat ata ng co-teachers dito ay alam na may anak na ako. Hindi ko rin naman kasi tinatanggi pag tinatanong nila kung kaano-ano ko si elias.

Proud akong may anak na ako! hindi naman kasi ako tinatablahan pag iniinsulto nila ako na kesyo ang bata-bata ko pa raw. Hindi ko naman kailangan ng opinyon nila! ang mahalaga alam ko sa sariling kong sarili kong pera ang pinangtutustos sa kanya.

Nabalik ako sa reyalidad nang mahinang tinapik ang kaliwa kong kamay. Bumaba ang tingin ko kay elias na enosenteng pinagmamasdan ako.

Malawak akong ngumiti sa kanya at lumuhod para pantayan siya sa pagkakatayo. "Kanina ka pa ba r'yan, anak?" tanong ko na agad naman niyang tinanguan.

Dahil sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakarating sa harap ng class room ni elias at tulalang nakatayo.

"Gusto mong sumama kila ate liana mo o ihahatid ka nalang namin pauwi?" malambing na tanong ko sa kanya at kinuha ang hawak niyang bag.

"Ihatid niyo nalang po ako pauwi mama! i'm tired." tila pagod niyang sabi. Siguro ay marami silang ginawa ngayon, malapit na rin kasi ang bakasyon kaya malamang ay tinatapos na ng mga teacher ang lahat ng subject.

"Sige, kung yan ang gusto nang baby ko." usal ko. Agad naman na nag bago ang mood niya at parang hindi na gustuhan ang pag tawag ko sa kanya ng 'baby ko'.

Mahina akong natawa at ginulo nang bahagya ang mahaba niyang buhok bago siya hinila paalis sa lugar na yon.

Tulad nga ng sabi niya ay hinatid namin siya sa bahay at dumeritso sa bahay nila liana. Nang marating naman ang bakuran nila, nagulat pa ako ng makitang nag lalaba si liana kasama ang kanyang ina.

Kumatok ako sa gate na gawa sa kahoy kaya agad kong naagaw ang atensyon nila. "Magandang tanghali po! gusto ko lang po sana kayong makausap, kung pwede po?" nag aalinlangang sabi ko.

Tumayo naman ang nanay ni liana at nag punas nang kamay sa damit bago lumapit sa pwesto namin para buksan ang gate.

"Pasok kayo!" aya niya at ngumiti ng tipid.

"Salamat po!" ani ko ng tuluyan kaming makapasok. Lumipat ang tingin niya kay mateo na ngayon ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ko habang pinag-mamasdan si liana na nag lalaba.

Pinapasok niya pa sa bahay nila, hindi ko naman maiwasang ilibot ang paningin sa buong bahay. Huminto lang ito nang makita ang isang medyo kalakihang family picture nila. Apat silang mag kakapatid? pero asan ang mga kapatid niya kung gayong dalawa lang si nang mama niya ang narito?

"Maupo kayo." sabi ng ina ni liana kaya napunta ulit ang tingin ko sa kanya. " Anong kailangan niyo?"

"Uhm, gusto ko lang po sanang tanungin kong bakit hindi na po pumapasok si liana?" kinakabahang tanong ko. Alam ko naman na ang sagot pero gusto ko paring marinig yon mula sa nanay ni liana.

Malalim naman siyang napabuntong-hininga. "Ang totoo kasi ay wala kaming pampa-aral sa kanya kaya hindi ko na siya pinapapasok pa. Kahit naman gustuhin kong pumasok siya ay wala kaming sapat na pera para sa baon niya araw-araw" paliwanag niya at napayuko pa.

Naaawa ako para sa bata, hindi niya kailangang maranas ang ganitong sitwasyon. Pero alam kong may dahilan si god kung bakit niya ginagawa 'to.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now