chapter 27

1K 46 0
                                    

Hapon na ng lumabas kami sa hotel room namin kasi kinatok na nila kami pag patak pa lang ng alas singko. Inaya aya nila kaming maligo na sinang-ayunin ko naman, hindi na kasi masakit sa balat ang sinag ng araw kaya mas magandang maligo.

Hinalungkat ko ang bag na pinahanda ni silas sa maid para mag hanap ng masusuot kaso puro pajamas at t-shirts lang ang laman niyon. Sinong baliw ang mag s-swimming pero naka pajamas? sigurado akong si silas ang may pakana nito. Minsan talaga hindi ko maiwasang patayin siya sa isip ko sa asar.

"Silas?!!" sigaw ko sa sobrang inis. Anong gagawin ko sa pajama? unang punta ko pa lang dito pero mag papajama ako? nakakahiya naman sa ibang naliligo na naka two piece.

"Baby? why are you shouting?!" natatarantang sigaw niya pabalik at nag mamadaling lumabas ng banyo. Naliligo kasi siya kasi ang sabi niya hindi raw siya maliligo sa dagat.

"Bakit puro pajama at t-shirt lang laman nitong bag ko?!" frustrated kong tanong sa kanya. At tinuro pa ang bag na puro pajama at t-shirt ang laman.

Napalunok naman siya at nag iwas ng tingin. "Ahmmm..... Because I don't want you to wear a two piece, baby. And wearing pajama while swimming isn't that bad." pag dadahilan niya pa na lalong nagpa-inis sa akin.

Kung hindi niyo kasi natatanong, noong na sa probinsya pa lang ako ay laging nag aaya si insan na maligo sa dagat at nag sususot kami ng bikini. Kaya hindi ako maiilang na magsuot niyon dito.

"Silas naman!!" reklamo ko at sumimangot. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nag hanap nang masusuot ko. At halos manlaki ang mata ko ng ma-realize na nakatapis lang pala siya ng tuwalya. Hindi na siguro siya nag abalang mag bihis kaninang marinig niya ang sigaw ko.

"Here you go, you can change now baby..." saad niya pagkatapos ma-satisfied sa hinandang dadamitin ko na pajama at t-shirt, hays. Mababaliw ata ako pag lagi ko siyang kasama.

Frustrated akong napabuntong hininga. "Ituloy mo na yong pagligo mo! dali, alis na. Sho! sho!" bugaw ko sa kanya at tinulak siya balik sa banyo. Nagreklamo pa siya pero pumasok din naman.

Agad akong nagbihis at nakalumbabang umupo sa sofa para hintayin na matapos si silas sa pagligo. Makalipas ang isang minuto ay lumabas na siya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, tumigil lang ang tingin ko sa abs niya. Umbok na umbok ang abs niya, kape na lang ang kulang.

"Enjoying the view?" nag iwas ako ng tingin dahil dun. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong naka ngisi siya. Namumula tuloy ang mga pisngi ko dahil nahuli niya akong naka tingin dun.

"H-huh? h-hindi a-ah..... M-magbihis ka na nga!" utal utal kong tanggi kahit alam kong nahuli niya akong tinitignan ang abs niya, tsaka hindi ko naman kasalanang hindi agad siya nag damit. Ayan tuloy!

"Okay, I'll just pretend that I didn't caught you." he teasingly said to me. Namumula akong tinapunan siya ng masamang tingin na lalong nag pahagalpak sa kanya ng tawa.

Nag e-enjoy siyang inisin ako.

"Isa! pag hindi ka tumigil sa akin sa kaka-asar mo, iiwan kita rito." nag babantang wika ko na ikinatigil niya sa pagtawa.

Nagtaas siya ng kamay senyales ng pagsuko. "Easy, baby! i'm just teasing you!" nakasimangot na paliwanag niya.

"Bla bla bla..." ani ko at hindi siya pinansin. Bahala siya riyan! nakakarami na siya ng asar sa akin ah.

Natawa ako nang makitang nakasimangot parin siya hanggang sa matapos siyang magbihis, para siyang nalugi sa sugal.

"Let's go?" nakasimangot paring saad niya at naglahad ng kamay sa harap ko na agad ko namang tinanggap. Baka mainip sa paghihintay ang mga pinsan niya sa lobby.

Nang makababa sa lobby ay agad na naming nakita ang mga pinsan niya na hinihintay na naman kami, as usual.

Nagbreakfast lang kami bago pumunta sa cottage na nirent ni silas para sa amin. Yong iba naman niyang pinsan ay bumili ng mga lamang dagat na iluluto para sa meryenda at lunch. Balak kasi naming mag ihaw ng mga hipon, alimango at isda. Also, nagpabili si Chelsea ng karne ng baboy para sa barbeque. Yon din kasi ang gusto ng iba kaya napagdesisyonan naming damihan na lang nila ang bibilihin nila. Gusto ko pa nga sanang sumama kaso hindi ako pinayagan ni Silas.

Nakanguso kong binalingan siya ng tingin na ngayon ay busy sa pakikipag usap sa mga pinsan niyang babae. Sila gael kasi ang bumili at hindi na sinama sila Chelsea.

Nakanguso ko siyang kinalabit sa balikat. "Oy, silas! ligo tayo?" aya ko sa kanya. Nabuburyong na kasi ako rito, na sa dagat kami tapos ayaw niya naman maligo. Dapat ay hindi na lang siya sumama kung ganon.

Bumaling siya sa akin, "Later baby."

Sinimangutan ko lang siya at binaling ang buong atensyon sa mga taong payapang naliligo sa dagat. Ang sarap siguro ng tubig dyan, malamig. Hindi pa naman kasi masyadong sumisikat ang araw kaya hindi pa masakit sa balat.

Hindi rin nag tagal ay nakarating na sila Gael na may dala-dalang mga pinamili. Tutulong na lang ako sa pag ihaw ng mga pinamili nila kasi ayaw rin naman maligo ni Silas sa dagat. Sabagay, maaga pa naman.

Pagod akong nag punas ng pawis sa noo habang nag papaypay ng inihaw. Salitan kami nila Chelsea at Sofie sa pag-paypay kaya mabilis naming naluto ang mga kakainin namin, habang sila Silas at ang mga pinsan niya ay umiinom na ng beer. Kay aga-aga alak agad ang inuuna nila.

"Ako muna rito ate rihanna, pahinga ka na po!" wika ni Sofie kaya binigay ko na sa kanya ang pamaypay. Pagod na rin kasi ako.

Tumango ako, "Ibigay mo na lang ulit sa akin pag pagod kana ah?" saad ko na tinanguan niya naman.

Tumingin ako sa direksyon nila silas at laking gulat ko nang makitang nakatingin siya sa akin habang nakikipag usap sa mga pinsan niya. Buti nga at hindi pa sila lasing, konti pa lang naman kasi ang naiinom nila.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now