chapter 5

1.6K 63 1
                                    

May mga walang mali at meron din namang meron. Hindi naman mawawala yan eh, pero proud parin ako sa kanila.

Biglang pumasok sa isipan ko si liana, ilang linggo na siyang hindi pumapasok, at lubos akong nag aalala dahil don. Napapabayaan niya na kasi ang pag-aaral niya.

Naaawa nga ako sa batang yon, kasi kahit na minsan lang siya pumasok ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral.

Minsan nga ay naba-banggit nang kanyang mga kaklase sa akin na kaya hindi raw siya pumapasok ay hindi kaya nang kanyang mga magulang na supurtahan ang kanyang pag-aaral.

Naiintindihan ko naman yon, kasi hindi naman lahat nang tao ay pare-parehas ang estado ng buhay. Pero naaawa ako kay liana, gusto niyang mag-aral pero hindi pwede.

Siguro ay de-deritso nalang ako sa bahay nila para makausap ang mga magulang ni liana. Gusto kong makapag-tapos siya ng pag-aaral, alam kong may pangrap siya na dapat na tuparin.

Kung kailangang bigyan ko siya ng pampa-aral ay gagawin ko. Naranasan ko na kasi yong nararanasan niya ngayon, kung hindi lang nag sumikap si itay at inay ay wala ako sa kinaruruonan ko ngayon.

Kaya gusto ko siyang tulungan, sabi nga nila 'share your blessings' kasi pag tumulong ka, masarap sa pakiramdam. And besides wala namang mawawala pag tumulong ka sa kapwa mo.

"Oh ma'am? kanina ka pa rito?" sa sobrang daldal ko ay hindi ko napansin ang pagpasok ni sir mateo, grade 10 adviser.

Medyo close kami niyan kasi lagi rin siyang tumatambay rito. Minsan nga ay pinagkakamalan kaming may relasyon, pero hindi nalang namin pinapansin. Bahala sila r'yan kung anong gusto nilang isipan, basta kami alam naming hanggang mag kaibigan lang.

"Oo, nag c-check ako ng mga papel." ani ko  at ipinakita ang mga papel na tapos ng ma-check.

"Oh, i see." tumatangong sabi niya at umupo sa katabi kong upuan.

Napatingin ako sa wall clock, break time na pala. Sa sobrang daldal ko hindi ko na namalayan na recess na pala, aayain ko nalang si sir mateo na kumain sa cafeteria.

"Sir mat?" tawag ko sa kanya.

"Bakit?" natanong niya, habang takang naka-tingin sa akin.

"Kain tayo sa cafeteria? nagugutom ako eh." nahihiyang ani ko at nahihiyang ngumiti. Okay lang naman sigurong yayain ko siya, wala naman siyang ginagawa eh.

"Sige! tara?" agad na tugon niya at mabilis na tumayo. "Libre mo ba?"

"H-ha? sige!" napipilitang sagot ko. Jusko! napaka-buraot talaga!

"Sabi mo eh, tara!" excited na aya niya at nauna ng lumabas. Nakakahiya tumanggi, ako nag-aya eh.

napailing nalang ako, dapat pala hindi ko nalang siya niyaya. Kasi akala ko ako yong makakatipid, siya pala.

Inayos ko ang mga naka-kalat na gamit at agad na sumunod sa kanya. Paglabas ay naabutan ko siyang naka-sandal sa pader, malamang hinihintay ako.

"Ang tagal mo naman!" reklamo nito ng makita akong naka-tingin sa kanya. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa kanya, siya na nga 'tong ililibre siya pa 'tong may ganang mag reklamo.

"Ang reklamo mo." iritang sabi ko sa kanya at iniwan siya ro'n. Bahala siya r'yan! basta ako kanina pa gutom.

"Hoy? hintayin mo ako!" ani nito at ramdam ko namang hinahabol niya ako. Tch! napaka-kupad.

"Dalian mo." asik ko rito, kalalaking tao ang kupad-kupad.

"Ito na!" mabilis siyang kumapit sa akin nang maabutan niya ako.

"Ang haba-haba ng binti mo tapos ang kupad mo mag lakad." nagbibirong sabi ko sa kanya. Mabilis naman siyang napahiwalay sa akin at masama akong tinignan.

"Kung hindi lang kita gusto, baka nasakal na kita!" mahinang sabi niya at kumapit ulit sa braso ko. Mabilis akong napa-ismid dahil hindi ko masyadong narinig yong binulong niya.

"Ha?" nag tatakang tanong ko.

"Wala!" ani niya at mabilis na umiling. Ewan ko ba sa lalaking 'to, ang weird niya today.

Nang makarating sa cafeteria ay napuno ng tilian ang buong silid. Napatingin ako sa katabi kong cool lang na naka-kapit sa braso ko at parang wala na atang balak humiwalay. Kaya napagkakamalan kaming may relasyon eh.

"Tara! pila tayo!" sabi niya sabay hila sa akin papunta sa counter area. Konti lang ang pila kasi kanina pa pala yong break time, kaya madali nalang para sa amin na makabili.

Matapos ang babaeng nasa harapan namin ay agad nang nag order si mateo. "Two iced tea po, and isang box ng pizza. Anong sayo rihanna?" tanong niya.

Ang kapal naman ng mukha nito. Huwag niya sabihing sa kanya lang yong isang box ng pizza? jusko naman! literal na libre ko nga.

"Kulang pa ba sayo yon?" naka-ismid na tanong ko.

Inilingan niya naman ako. "Sayo yong isang ice tea, akin yong isang box ng pizza." naka-ngiting paliwanag niya at kinuha ang kanyang order ng iabot ito sa kanya.

Napipikon na ako sa lalaking 'to! i swear to god, pag hindi pa 'to tumigil ay baka mapatay ko siya!

Syempre joke lang.

"Isang slice po ng chocolate cake, manang." naka-simangot na sabi ko sa tindera, lugi ako! isang box ng pizza yong kay mateo tapos sa akin isang slice lang ng cake.

Nauna na palang mag hanap ng upuan si mateo. Nakita ko siya sa bandang dulo na bagot na nag-hihintay sa akin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" takang tanong ko sa kanya.

"Hinihintay kita, baka mamaya bugahan mo na ako ng apoy!" nang-aasar na sabi niya. Ayos na sana yong sinabi niyang hinintay niya ako eh! pero yong bugahan ng apoy? hindi.

Naiinis na talaga ako sa taong 'to. Next time hindi ko na siya yaya-yain.

Padabog kung nilapag ang hawak kong tray na nag lalaman ng aking pagkain. Nagulat naman ito sa ginawa ko at mabilis na napatikom ng bibig. Kanina pa kasi yan nang aasar eh! nakakakulo ng dugo.

Umupo ako sa kaharap ng upuan niya at inayos ang pagkain sa tray. Napatingin naman ako sa kanya ng makitang binuksan niya ang kahon ng pizza at nag lahad ng isang slice sa akin.

"Ito oh! para hindi na mainit yang ulo mo." sabi niya. Wow naman! pagkatapos niyang painitin 'tong ulo ko sa sobrang kalokohan niya tapos ngayon naman may pa biga-bigay pa siyang nalalaman.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now