chapter 4

1.7K 66 3
                                    

"Good morning din po mama!" masiglang bati ni elias pabalik. Si inay naman ay nginitian lang ako at tsaka ipina-patuloy ang pagsubo kay elias.

Mas gusto kasi ni nanay na alagaan si elias, paano mas favorite niya na si elias kesa sa akin, parehas sila ni itay.

Minsan nga ay nag seselos na ako sa anak ko. Pero wala akong magagawa. Ang dami kong daldal!

Matapos kumain ay hinanda ko na ang mga gamit namin ni elias. Ako kasi ang mag hahatid sa kanya ngayon, nasa sakahan kasi si itay kaya hindi niya kami maihahatid.

"Oh insan! ang aga mo ata?" tanong ni johan na bigla-bigla nalang lumitaw.

"Jusko naman johan! nakakagulat ka!" sabi ko at napahawak pa sa dibdib dahil sa labis na gulat. Malutong naman siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. Talagang tuwang-tuwa pa.

"Abala ka kasi, kaya hindi mo ako napansin." tumatawa paring sabi niya. Yong totoo, pinsan ko ba talaga to?

"Tch!" singhal ko at ipinag-patuloy ang ginagawa. Hindi ko nalang siya pinansin nang muli na namang siyang tumawa, habang papasok sa kusina.

Napangiwi ako, para siyang baliw. Matapos mag ayos ay agad ko ng tinawag si elias para makapasok na kami sa school.

"Elias anak? tara na!" pag tawag ko sa kanya. Mabilis naman itong lumapit sa kinaruruonan ko at agad na kinuha ang kanyang bagpack.

"Ma! johan! alis na po kami!" sigaw ko mula sa labas ng bahay. Narinig ko pang tumugon si inay pero si insan, hindi. Siguro ay kumakain na 'yon, ganon 'yon eh.

Habang lumalakad ay nadaanan pa namin si aleng tinay na nag wawalis sa bakuran nila. Binati ko siya at ganon din naman siya sa akin.

Nang makasakay kami sa tricycle ay agad kong sinabi ang patutunguhan namin. "Sa school ho manong!" sabi ko rito na ikinatango niya.

Matapos ang dalawang minuto ay tumigil ang sinasakyan namin sa tapat ng eskwelahan. Agad akong bumaba at inalalayan si elias pababa bago tuluyang nag bayad.

Habang nag lalakad ay maraming estudyante ang bumabati sa akin. Yan ang nakagawian ko, araw-araw kasi ay binabati ako nang mga estudyante rito sa school. Kaya binati ko rin sila pabalik.

Nang marating namin ang room ni elias ay nadatnan namin ang kanyang guro.

"Good morning ma'am, rose!" naka-ngiting bati ko sa kanya. As usual, ganito ang set up kapag hinahatid ko si elias sa room niya.

"Good morning ma'am, rihanna!" bati niya rin sa akin at malapad na ngumiti.

"Good morning, elias!" bati niya kay elias nang dumapo ang kanyang patingin rito.

Tipid lang na ngumiti pabalik si elias at mabilis na nag lakad mapunta sa desk niya.

"Pag pasensyahan mo na ang anak ko, ganon lang talaga yon." paliwanag ko rito. Pero parang wala lang sa kanya.

"Sanay na ako HAHAHAHA" sabi niya at malakas na tumawa. Jusko! pati ba naman teacher nang anak ko katulad ni johan, kung makatawa wagas.

"Mauuna na ako, ma'am rose!" paalam ko sa kanya. Agad naman siyang tumango.

"Sige ma'am!" ani nito.

Iling-iling nalang akong lumakad paalis. Ewan ko ba kung anong meron sa araw na ito, kung makatawa ang mga tao wagas. Hayst.

Lumakad nalang ako papunta sa kabilang building at mabilis na pumasok sa principal's office para mag attendance. Hindi lang estudyante ang may attendance 'no! pati kaya kami.

Nang matapos ay nag lakad na ako pupunta sa room ko. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay ingay na agad ang sumalubong sa akin.

"Tsk!" asik ko at mabilis na pumasok sa class room. Ang kaninang maingay na room ay biglang tumahimik.

Umagang umaga napaka-ingay na nila. Hindi naman maiiwasan 'yan pero ang sakit lang sa tenga.

"Good morning class." ani ko ng maibaba ko ang hawak na bag sa mesa.

Agad silang nag-sitayuan. "Good morning ma'am!" pati nila pabalik.

"You can now sit down."

Linabas ko ang laptop sa bag nito at kinonnect sa tv, ESP teacher ako. At high school ang mga tinuturuan ko.

Medyo nakaka stress pero wala akong magagawa, ito ang gusto ko eh. At higit sa lahat, mahal ko ang trabaho ko.

"Okay class, bring out a one whole sheet of paper, and answer these questions." usal ko. Nakarinig naman ako ng sari-saring reklamo, hindi naman mahirap yong mga tanong eh.

"Huwag na kayong mag reklamo! gusto niyo bang dagdagan ko 'yan?" natatawang tanong ko sa kanila. At halos humagalpak ako sa tawa ng lalong lumakas ang singhalan nila.

"30 minutes niyo lang 'yang sasagutan, kaya umpisahan niyo na." ani ko. 20 items lang naman yon, tapos may mga choices. Siguro naman ay walang makakakuha ng zero, ewan ko nalang.

Umupo ako sa aking mesa at tignan nang mabuti ang buong room. Malinis naman na kaya hindi ko na kailangang mag linis pa, kahit na ganiyan sila kaingay ay marunong parin silang mag linis.

Ayan ang pinaka gusto kong side nila. Matapos ang tatlumpung minuto ay sunod-sunod na silang ng pasa ng papel sa akin. Next subject na nila kaya pupunta ako sa faculty para mag check ng papel nila.

Dinala ko ang gamit ko para hindi na ako magpabalik-balik pa ro'n. May kalayuan din kasi ang faculty sa room kaya nakakatamad magpabalik-balik.

Wala nang katao-tao sa hallway, nasa kani-kanila na nilang room panigurado. May mga room pa akong nadadaan na maingay, siguro ay wala pa silang teacher. Pero anong oras na? eight fourteen na pero hindi pa sila nag uumpisa.

Napailing nalang ako, alam kong may dahilan ang mga kapwa ko guro kung bakit sila late. Ayaw ko namang mang husga nalang bigla, hindi magandang gawain yon.

Nang makarating sa faculty ay humahangos akong napa-upo sa mahabang mesa. Nakakapagod kaya mag lakad! ang haba nung nilakad ko, jusko.

Kung araw-araw akong pupunta rito ay maaga ata akong mamamatay dahil sa pagod.

Inayos ko ang mga gamit ko sa mesa at nag umpisa nang mag check ng mga papel nila. Salamat sa diyos dahil walang nakakuha ng zero, ayos lang naman na may makakuha ng zero kasi alam kong pinag-hirapan nang mga estudyante ang pag sagot. Pero iba parin sa pakiramdam yong walang nakakuha ng zero, at least alam kong nakikinig sila sa akin pag nag di-discuss ako.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now