chapter 7

1.6K 62 4
                                    

"Kung gusto niyo po ay bibigyan ko kayo ng allowance kada buwan, para matustusan ang mga pangangailangan niyo." alok ko. Hindi ko ginagawa 'to para mag pasikat, ginagawa ko 'to para sa bata na naiipit sa sitwasyon.

"H-hindi na, hindi mo naman kailangang gawin yon! s-salamat pero hindi ko matatanggap ang alok mo." pagtanggi ng ginang. Nakaramdam naman ako ng pagka-dismayado.

"Ginagawa ko po ito para sa bata, n-naaawa ako sa kanya! may pangrap po ang anak niyo kaya hindi niya nalang po basta-basta bibitiwan yon." mahinang paliwanag ko. Sana naman ay tanggapin niya na, hindi man ako mayaman pero kung kailangan kong tumulong sa kanila ay gagawin ko.

Tila nanigas siya sa kanyang kinauupuan at agad na nag angat nang tingin. Nakita ko pa ang pagtutol sa mga mata niya pero dahil sa sinabi ko ay tila nagising siya sa katotohanan.

"T-tama ka! hindi ko dapat na hayaang hanggang dito nalang ang estado ng buhay namin." bulong niya. Malawak akong napa-ngiti nang marinig yon mula sa kanya. Willing akong tulungan sila, yon ay kung papayag ang mama ni liana.

"Pumapayag kana po ba?" tanong ko. Mabilis naman siyang tumango at binaling ang paningin kay mateo. Kanina ko pa napapasin ang isang 'to, napakatahimik niya ngayon samantalang kanina ay halos hindi siya matahimik dahil sa pang aasar sa akin.

Matapos makipag usap sa nanay ni liana ay agad na kaming umuwi. Hapon na rin kasi, baka hinahanap na ako ni elias eh.

Pumayag ang nanay ni liana sa alok ko at nag pasalamat pa sa kin, ang gaan sa pakiramdam pag nakakatulong sa kapwa. Sinabi rin nang mama ni liana kanina na mag hahanap daw siya ng magandang trabaho para hati raw kami sa pag papa-aral kay liana.

Samantalang ang trabaho naman ng tatay ni liana ay construction worker. Sapat na lamang ang kinikita nito sa pang araw-araw na kinakain nila, naikwento rin kasi ng mama ni liana kanina.

Nang makarating sa bahay ay bumungad sa akin si inay at itay na seryosong nag uusap. Pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay napansin na nila ang presensya ko.

"Anak? halika!" tawag ni itay sa akin at hindi maalis ang seryosong mukha. Kinakabahan ako bigla, bakit kaya ang seryoso nila? ano kaya ang pinag usapan nila at bakit parang ang importante nitong bagay?

Humarap si inay sa akin na kanina ay naka talikod sa pwesto ko. Nagulat ako nang makitang namamaga ang mga mata niya. Anong nangyari? bakit parang galing sa pag iyak si inay?

"Nay? tay? anong nangyari?" kinakabahang tanong ko. Bakit grabe nalang ang kabang nararamdam ko ngayon?!

Muling tumulo ang butil ng luha sa mata ni inay at mahigpit akong niyakap. "May mga pumuntang armadong lalaki rito kanina at bigla nalang nilang kinuha si elias, tumawag kami nang pulis pero ni isa walang dumating para tulungan kami."

Parang may bombang sumabog sa ulo ko ng marinig ang sabi ni inay. "P-paanong kinuha nila ang a-anak k-ko? inay naman! hindi po magandang biro yan." halos pumiyok pa ako nang sabihin yon.

Sino naman ang kukuha sa anak ko? ni-wala akong maalala na may nakaaway ako. Sino naman ang walang pusong taong yon? ano ang pakay niya sa anak ko? maraming tanong na tumatakbo ngayon sa isip ko na alam kong hindi ko agad masasagot. Na walang kung sino man ang makakasagot nito kundi ang kumuha nang anak ko.

Nanghihina akong napa upo sa lupa at malakas na umiyak. Bakit 'to nangyayari sa akin? naging mabait naman ako sa kapwa ko ah? bakit ang anak ko pa?

"A-anak tumayo ka r'yan, madudumihan yang uniporme mo." sambit ni inay at inalalayan akong tumayo. Paano na ako? paano ko hahanapin ang anak ko? saan ko siya hahanapin? lalo akong napa iyak dahil sa mga tanong na nasa isip ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong eksena. Bakit walang ginagawa ang mga pulis para iligtas ang anak ko.

"N-nay? bakit ang anak ko pa? b-bakit nila kinuha ang anak ko?" nahihirapan kong tanong. Wala akong narinig na sagot mula kay inauy. Si itay naman ay seryoso parin ang mga matang naka tingin sa amin.

Mag gagabi na at hindi parin nahahanap si elias. Kanina ay nag presenta ang mga kapitbahay namin na tumulong sa pag hahanap kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kasi akala ko pag marami na kaming mag hahanap sa kanya ay mapapadali ang pag hahanap pero nagkamali pala ako.

Tinigil na muna nila ang pag hahanap kaya andito ako sa kwarto, hindi ako makaramdam ng antok o kahit na pagod man lang. Kung alam ko lang na mangyayari yon ay sana hindi ko nalang siya inuwi at sinama nalang sa amin.

Napahinto ako sa pag mumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone kong nasa paanan ng kama. Agad ko naman itong kinuha ng makitang may tumatawag pala, kaso nang makuha ko yon ay nag tataka kong tinignan ang caller.

Unknown number.

Sino naman kaya 'to? wala akong maalala na sinabi ko sa iba ang number ko. Hindi kaya ito ang taong kumuha sa anak ko?

Agad kong sinagot ang tawag dahil sa biglang pumasok sa isipan ko.

"H-hello?" paos na sabi ko. Kinakabahan ako, paano kung may masama silang ginawa sa anak ko?

"Hey?" nanigas ako ng marinig ang napaka lamig na boses sa kabilang linya. Pero bakit ganon? parang may kaboses siya.

"A-anong k-kailangan m-mo?" nauutal na tanong ko.

Nakakakilabot siyang tumawa. "You! i need you." halos mabitawan ko ang cellphone na hawak dahil sa sinabi niya. Sino ba 'to? bakit sinasabi niyang ako ang kailangan niya gayong ang anak ko ang kinuha niya.

"S-sino ka?"

"You don't need to know. Meet me at the foras mall, just call me when you got there." yon ang huling sabi niya bago ibaba ang tawag. Marami pa akong gustong itanong kaso pinatay niya na. Siguro ay tatanungin ko nalang siya bukas kung ano ang pakay niya sa akin o sa anak ko. 

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now