chapter 2

1.8K 76 5
                                    

"Hindi naman po siguro inay!" usal ko tsaka nilapag ang dress para iligpit ang mga iba pang naka-kalat sa kama. "Si elias po pala?"

"Nasa tatay mo, pumunta sila sa sakahan. Mag papakain daw ng mga baka." usal ni inay. "Osige, lalabas na ako. Mag bihis kana para maaga kang makarating sa baryo." sabi nito ang lumabas na.

Four o'clock ang start ng event, hindi ko nga alam ba't ang aga nila mag umpisa eh.

Matapos magbihis ay agad kong tinignan ang itsura ko sa salamin. Bagay pala sa akin ang mag suot ng ganito, noon kasi ay hindi ako mahilig mag suot ng ganito. Sadyang sulsol lang talaga si insan.

Nang makita ako nila itay at inay ay gulat silang napatayo, malakas akong natawa sa naging reaksyon nila.

"Anak ba talaga kita?" manghang tanong ni inay. "Ngayon lang kita nakitang mag suot nang ganyan." dagdag pa nito.

"Ang ganda mo anak!" papuri ni itay. "Pero hindi ko gusto yang suot mo." ani nito at biglang sumeryuso.

Bigla nalang bumukas ang pintuan at pumasok dun sila elias at johan.

"Mama! ang ganda mo po!" puri rin sa akin ni elias at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi, napahagikgik naman ako dahil don. Grabe ang lambing na naman nang anak ko.

"Thank you baby!" ani ko sa kanya.

"Sabi sayo insan eh! ang ganda." singit naman ni insan na kanina pa pala nakalapit sa amin.

"Oo na, maganda na ako! mauna na ako baka nag uumpisa na." natatawang sabi ko sa kanila.

"Ihahatid na kita anak!" presinta ni itay at kinuha ang susi ng tricycle na nakasabit sa lalagyanan ng mga susi.

"Sige po!  nay, johan alis na kami." paalam ko sa kanila at tumingin kay elias. "Baby, dito ka lang ha? may pupuntahan lang si mama."

"Opo mama! ba-bye po!" masigla nitong sagot sa akin, napangiti naman ako dahil don.

"Ba-bye!" sabi ko habang kumakaway.

Sumakay na ako sa tricycle at agad naman itong pinaandar ni tatay. Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang plaza kung saan gaganapin ang event.

Agad akong bumaba sa tricycle at nag paalam kay itay. "Salamat po tay! ingat sa pag drive." ani ko rito, tumango lang siya at agad na nag driver paalis.

Sinukbit ko ang dala kong shoulder bag sa aking balikat at pumasok na sa loob ng plaza. Grabe nakakahiya naman dito, pinag titinginan na kasi ako.

Nagulat ako ng biglang may lumapit sa aking isang babae.

"Ikaw po ba si Rihanna Alvarez?" tanong niya.

"Oo, ako nga! bakit?" takang tanong ko.

"Doon po ang magiging pwesto niyo ma'am." ani niya sabay turo sa mahabang mesa na nasa harap ng stage.

Iginaya niya ako paupo ro'n, konti palang kaming mga judge ang andito. Bali anim palang kaming andito, kulang pa nang apat. Hindi naman mainit dito sa pwesto namin dahil covered court.

Habang tumatagal ay parami na nang parami ang mga tao, sa sobrang dami napuno na nang ingay ang kaninang tahimik na court.

Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na ang host sa stage at nag salita nang kung ano-ano. Ang boring pala umattend sa ganito.

"Maganda hapon sa ating lahat! bago natin umpisahan‚ gusto niyo na bang makita ang mga special guest natin?" malakas na nag hiyawan ang mga nandirito dahil sa excitement.

"Please welcome the Laurier Family." malakas na sigaw niya at kasabay non ang pag akyat nang taong matagal ko ng kinalimutan.

Kasama niya ang dalawa niyang pinsan. Bali apat sila, may kasama silang babae pero hindi ko mamukhaan.

Napuno ng tilian at sigawan ng tuluyan na silang maka-akyat sa stage. Napahigpit ang kapit ko sa lay-layan ng suot kong dress.

Pinasa nang host ang mic kay silas na agad naman nitong kinuha.

"Good afternoon! thank you for inviting us here." he coldly said. Nanigas ako sa kina-uupuan ko nang marinig ko ulit ang kanyang boses.

"Omg! ang gwapo!"

"Kyahh! ang g-gwapo!"

"Pero teka! sino yong babaeng nakakapit sa lalaking nag salita?" tanong na naka-agaw sa pansin ko.

"Hindi ko naman akalain na pogi pala ang mga pupunta rito‚ sana pala nag paganda muna ako!" rinig kong bulong ng isang kasamahan namin na napaka-ikli ng suot.

Napako ako sa kina-uupuan ko nang makita ang buong mukha nang babae. Anong ginagawa nila rito?

Biglang bumalik lahat nang alaalaang matagal ko ng pilit na kinakalimutan. Mabilis akong napatayo sa kina-uupuan ko nang ilibot niya ang kanyang paningin sa buong auditorium.

Agad na nagtama ang paningin namin, hindi ko alam kong namamalikmata ba ako or guni-guni ko lang ba. Pero nakita ko kung paano sumilay ang ngisi sa labi niya.

Agad akong umalis don at dumeritso sa cr. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko sila.

Hindi niya pwedeng malaman na may anak kami. At hindi niya kaylan man malalaman.

Nang makapasok sa cr ay agad akong napahawak sa sink. Hinalukat ko ang dala kong shoulder bag at nilabas ang cellphone. Kailangan ko nang umuwi.

Tinawagan ko si johan, makalipas ang limang ring ay agad niya itong sinagot. "Oh insan? bakit napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Andiyan ba si itay? uhmm, pwede bang pakisabi sunduin ako?" alinlangang tanong ko.

"Oo, kasama ni elias, bakit naman uuwi kana? tapos na ba?" takang tanong niya.

"Uhmm, hindi pa! teka nga! ba't ba andami mong tanong? sabihin mo na, dali!" iritang kong utos sa kanya. Hindi na nauubusan ng tanong.

"Oo na sige!" sabi niya. Narinig ko namang sinabi niya yon kay itay sa kabilang linya. "Hintayin mo nalang daw." ani niya at pinatay ang tawag. Tch, kahit kailan talaga.

Agad kong binalik sa bag ang cellphone at nag-mamadaling lumabas sa cr. Luminga-linga muna ako at nag-mamadaling umalis don.

Nakaka-dalawang hakbang palang ako nang makarinig ako ng baritonong boses.

"Where are you going?" he asked, coldly.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil don. Nag-dadalawang isip pa ako kung lilingon ba ako o hindi.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now