chapter 38

553 13 0
                                    

"Elias, anak?" tawag ko rito. Agad naman itong lumingon sa kinaroroonan ko at pahagya pang binitawan ang hawak-hawak na laruan para lapitan ako.

"Bakit po mama?" inosenteng tanong niya sa akin. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang ulo para haplusin.

"Matulog ka na. Gabi na, anak. Masama sa bata ang mag puyat," sabi ko. Ngumuso siya kaya bahagya akong natawa.

"Pwede po mamaya na lang, mama? gusto ko pa pong mag laro!" nakasimangot niyang sabi.

Umiling ako, "No. Bawal kang mapuyat, gusto mo bang mag karoon ng dark circles yang mata mo? magiging panda ka na niyan." pananakot ko rito at pinaseryoso pa ang mukha para mapaniwala ko siya.

Mabilis naman itong umiling-iling. "No po mama! ayoko po maging kamukha ng panda!"

"Kaya nga po matulog ng maaga para hindi maging kamukha ng panda." ani ko.

Kalaunan ay napapayag ko itong matulog na kaya pinauna ko na siya sa kwarto para maipag-timpla ko ng gatas.

Pagkatapos magtimpla ay agad akong sumunod kay Elias. Naabutan ko itong nakaupo sa kama habang dinuduyan ang mga paa sa hangin.

"Ito na ang gatas mo, anak!" ani ko at lumapit sa kanya.

Kinuha niya naman ito ng ilahad ko sa kanya. "Mama? bakit po kailangan uminom ng milk?" inosente nitong tanong.

Ngumiti ako, "kailangan iyan para mabilis ka mag grow, baby. Tsaka para maging healthy ka!"

Mabilis niya naman itong ininom pagkarinig ng sinabi ko. Mabilis niya itong naubos, hindi naman kasi masyadong mainit ang nilagay ko roon. Katam-taman lang.

Binigay niya rin naman sa akin ang basong wala ng laman nang maubos niya ito. Agad ko itong kinuha at nilapag sa mesa na malapit lang sa kama.

"Sleep ka na, anak." malambing na saad ko sa kanya at tinabihan siya sa pagkakahiga, hinahaplos ng marahan ang kanyang ulo.

"Good night po mama...."

"Good night, anak. Sweet dreams." ani ko habang patuloy pa rin sa paghaplos sa malambot niyang buhok.

Hindi nag tagal ay tuluyan ng tumiklop ang talukap ng mga mata niya. Hinalikan ko ito sa noo at kinumutan bago tumayo para silipin sila Silas sa labas.

Saktong kakalabas ko pa lang sa kwarto nang salubungin ako ni inay.

"Anak, kunin mo na roon si Silas at lasing na lasing na!" aniya. "Naku! ang tatay mo talaga! masyadong nilasing!"

Tumango ako, "Sige po, inay."

"Ang apo ko pala? tulog na ba?" tanong ni inay.

Tumango ulit ako at sinilip si Elias na mahimbing na natutulog sa kama. "Opo inay, napagod po siguro kanina kaya madali ring nakatulog."

Mahina naman itong tumawa, "Ang apo ko talagang iyon, ang kulit kulit! mana sa lolo niya!"

Tumawa na rin ako pero mahina lang, baka kasi magising si Elias. "Oo nga po! tignan ko lang sila sa labas, nay."

Tumango lang ito kaya lumabas na ako para tignan ang mga nag-iinoman sa labas.

Nadatnan kong si itay at Silas na lang ang nandoon. Parehas silang nakadukdok sa mesa senyales na lasing na. Linapitan ko si Silas at tinapik sa balikat.

Nag-angat siya ng tingin gamit ang namumungay na mga mata.

"Hali ka na, lasing ka na oh! mag pahinga na tayo." ani ko.

Tumango naman siya at tumayo kaya tinulungan ko siya. Nang makatayo siya ng maayos ay sinabit ko ang isa niyang kamay sa balikat ko.

Lumapit kami kay itay para mag pa-alam. "Tay? kaya mo pa po bang tumayo? tara na po sa loob."

Lasing naman itong nag-angat ng tingin mula sa pagkakadukdok sa mesa. "Kaya ko pa, anak. Mauna na kayo sa loob." kahit lasing na ito ay nakakapag-salita pa rin ng deritso.

Wala akong magawa ng dumukdok ulit si itay sa mesa. Mukhang naparami ata ang inom nila.

Binalingan ko si Silas na nakayuko habang nakapikit. Kahit nabibigatan sa kanya ay pinilit ko pa ring maglakad para maipasok ko siya sa loob.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay wala ng tao sa sala kaya pinasok ko na si Silas sa kwarto namin ng anak niya.

Matapos kong mapa-upo sa gilid ng kama si Silas ay tinapik ko ang balikat niya. "Kaya mo bang maligo, Silas?"

Namumungay na umangat ang mga kulay asul niyang mata sa akin. "You're gorgeous as fuck, baby." imbes na sagutin ang tanong ko ay ayan ang lumabas sa lapastangan niyang labi.

Umiling na lang ako habang namumula ang buong mukha, kahit na lasing siya ay pinupuri niya pa rin ako.

"Sabihin mo na lang kung kaya mo pang maligo, Silas."

"No...." he paused for a second. "I'm not drunk. But, you can accompany me in the bathroom." then he smirks.

"Kaya mo na iyan, matanda ka na! tsaka sabi mo nga, hindi ka pa naman lasing." napalitan ng pag tawa ang kanina'y namumula kong mukha.

"Tsk!" singhal niya at bigla akong hinila. Kaya ang ending napa-upo ako sa hita niya.

"H-hoy, S-silas! natutulog ang anak natin ha!" ani ko ng maalala ang anak naming mahimbing na natutulog sa kama.

"Insan?" nabaling ang tingin naming dalawa sa pintong nakasara nang kumatok si Jahan.

Mabilis naman akong tumayo mula sa pagkakatayo sa hita ni Silas at lumapit sa pinto para pagbuksan si insan.

"Bakit, insan?" nag tataka kong tanong sa kanya. Akala ko kasi ay nakatulog na siya. Gabi na ah!

"Ahh....." nag kamot siya sa batok. "Pwede bang sa akin muna matutulog si Elias ngayon? namiss ko kasi siya,"

"Ha? huwag na insan dito n-"

"Kunin mo muna ang anak namin, Johan." singit ni Silas. Nagtataka ko naman itong binalingan ng tingin.

Pinagsasabi nito? ayaw niya bang makatabi ang anak niya?

Mabilis namang tumalima si insan at maingat na kinarga si Elias palabas ng kwarto.

"What was that?" inis na tanong ko sa kanya nang makaalis si insan.

He chuckled softly, "Easy, baby." aniya at tumayo.

Napatingala naman ako sa kanya dahil sa pag tayo niya. Ang tangkad niya kasi masyado.

Humakbang siya palapit kaya napahakbang ako pa-atras.

"A-ano b-bang g-ginagawa m-mo?" kanda utal-utal kong tanong sa kanya.

Ang weird niya pala malasing.

Sumilay ang nakakaloka niyang ngisi at kinabig ako palapit sa kanya. Kinuha niya ang tyempo na iyon para masara ang pinto.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now