chapter 13

1.2K 43 2
                                    

Napasandal ako sa pinto at hinawakan ang labi kong hinalikan ni mr. president, nakakainis lang na hinalikan niya na ako pero hindi ko pa alam ang pangalan niya. At sigurado rin akong hindi niya rin alam ang pangalan ko.

Napasimangot ako at inis na binabana ang bag ko sa upuan. Hindi ko alam ang pangalan ng taong nakakuha ng first kiss ko! argh kainis.

Nagluto lang ako ng adobong manok para sa hapunan ko, yong matitira kasi ay ipapainit ko nalang bukas para hindi na ako magluto pa. Hinugasan ko muna ang plato at ang pinaglutuan ko bago ko ilagay sa tupperware ang natira sa adobo para ilagay sa ref.

Walang assignment na ibinigay sa amin kaya maaga akong makakatulog, at nagpapasalamat ako dahil dun. Maaga kasi gaganapin ang announcement na sinasabi ni ma'am castro, hindi raw pwede na malate dahil pagnagsimula na ang announcement ay isasara na nila ang gate.

Pumunta na ako sa kwarto ko at parang lantang gulay na humiga, nakakapagod itong araw na ito, panigurado bukas ay mas marami na naman kaming gagawin.

Dahang-dahang bumigat ang talukap ng mata ko dahilan para mapunta ako sa isang mahimbing na tulog.

Alas kwarto ng madaling araw na ako nagising dahil sa nag-set ako ng alarm sa cellphone ko kagabi para masigurado talagang hindi ako malalate.

Nagunat-unat muna ako bago tumungo sa kusina para initin ang adobong na sa tupperware. Binuksan ko ang stove at ipanatong ang kawali roon tsaka ko inilagay ang adobo.

Habang naghihintay na uminit 'to ay naglabas na ako ng plato at kubyertos, nilagyan ko na rin ng kanin ang plato bago kunin ang kawali at patayin ang stove.

Isinalin ko ang adobo sa mangkok at kumain na. Matapos kumain ay hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago ihanda ang gamit na dadalihin sa school.

Pagkatapos maligo ay isinuot ko ang uniporme. Ang uniporme ng UOL. Above the knee na kulay green sa pang-ibaba at long sleeve naman na puti pero kulay green ang kuwelyo nito, na may nakalagay na logo ng UOL.

Medyo hindi ako komportable sa skirt na suot ko ko dahil naka-pantalon lang naman ako kahapon dahil hindi pa binigay ang uniform namin.

University Of Laurier

Nakatinga ako sa malaking gate kung saan dun nakalagay ang malalaking letra na iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang dito ako mag-aaral.

Maingay na room ang bumungad sa akin pagpasok ko palang sa room namin. Hinanap naman ng mata ko si viola dahil magkatabi lang ang upuan namin. Hindi siya pumasok ng hapon kahapon dahil may pinuntahan daw siya.

Umupo ako sa tabi niya at agad naman niya akong napansin. "Buti andito ka na, magsisimula na rin kasi ang announcement sa auditorium! tara na?"

"Sige!" aniya ko at inibinaba ang bag ko at tumayo para sumunod sa kanya.

Nang makarating sa auditorium ay umupo kami sa bandang harap, dun kasi ang napili ni viola.

lumapit ang secretary sa kinaruruonan ng mic at itinapat ang bibig niya roon. "Ehem! mic test!"

"Good morning my co-students! may i have your attention please." aniya. Biglang natahimik ang kaninang auditorium at namayani ang katahimikan.

"Dahil nga ngayon ipagdidiwang ang unang araw ng klase ay ngayon niyo rin makikilala ang may-ari ng eskwelahan na ito. Please welcome Mrs. Ayana Laurier!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas ang isang ginang na sa tansya ko ay nasa 30+ palang. Ngumiti siya sa harap namin at naka-ngiting tinanguan ang secretary na inalalayan siya papunta sa mic.

"Hi! good morning students! natutuwa akong nakadalo ako sa okasyon na ito, natutuwa akong makita na matatag parin ang eskwelahang itinayo ng ama ng aking asawa. But let me introduce to all of you my son, ang susunod na mag mamay-ari ng paaralang ito. Silas Laurier." mahabang saad niya at hindi parin natatanggal ang mga ngiti sa labi niya.

Walang emosyong lumapit si mr. president sa kanyang ina. Kaya pala magkahawig sila ay dahil anak niya pala yang si mr. president.

Silas pala ang pangalan niya? well not bad, ang ganda.

Tumayo lang siya sa tabi ni Mrs. Laurier, tumayo lang talaga siya at hindi na nag abalang magsalita pa. Nung huling kita namin ay nakakapag-salita naman siya.

"Well, as usual. Ayaw na naman niyang magsalita." umiiling na sabi ni Mrs. Laurier at bumungisngis. Napangiti naman ako dahil dun, akala ko kasi ay masungit siya.

Napalingon ako kay viola ng kalabitin niya ako. "Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Ang boring diba? tara na! tapos na yan." aniya at hinila na ako patayo. Nagsitayuan na rin ang ibang etudyante ng sabihin ng secretary na pwede na kaming lumabas.

Hinila ako ni viola pabalik sa room, at nagpahila naman ako. Ang sabi niya kasi ay pag nag ce-celebrate sila o nag aanunsyo walang klase sa umaga.

"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya, rihanna?" tanong niya ng maka-upo kami sa kanya kanya naming upuan.

"Saan?" nagtatakang tanong ko. Ngumisi naman siya na tila may naisip na kalokohan sa isip.

"Sa bar, mamaya gabi. Hahanap tayo ng pogi." aniya at tinaas baba pa ang dalawang kilay na animoy excited.

"Ayaw ko! hindi ako mahilig pumunta sa ganiyang lugar." naka-ngiwing tanggi ko. Ni-minsan ay hindi pa ako nakakapunta sa bar. Tulad nga ng sabi ko, hindi ako mahilig pumunta sa ganung lugar.

Ang kaninang excited niyang mukha ay napalitan ng panghihinayang. "Hindi ka naman iinom eh, samahan mo lang ako! please!" pagpupumilit niya at nag puppy eyes pa.

"Ayoko." final na sabi ko at ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin. Pag-aaral ang ipinunta ko rito kaya hindi ako pupunta sa ganung lugar.

"Sige na! pretty please! magtatampo talaga ako sayo at hindi na kita papansinin." pagpapa-awa niya at pinagsaklop pa ang dalawang lapad.

Malakas naman akong napabuntong hininga at nag-aalangan na tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung totoohanin niya ba yon o hindi pero kasi pag tinotoo niya yon mawawalan naman ako ng kaibigan, at yon ang ayaw kong mangyari. Siya lang kaya ang naging kaibigan ko rito.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now