chapter 25

1.1K 39 1
                                    

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong pumasok sa loob. Nang maisara niya ito ay umikot siya para pumasok sa driver's seat.

Pagpasok niya ay agad siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa mata. Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya napasandal ako sa gilid ng pintuan.

Pinatakan niya ako ng isang matamis na halik sa labi bago ko marinig ang pag tunog ng seatbelt ko. "You forgot to put it on." saad niya at umayos ng upo tsaka binuksan ang makina ng sasakyan.

Nag iinit ang pisngi akong nag iwas ng tingin. Nakakakilig! ang lambot ng labi niya!

Napahawak ako sa namumulang pisngi ko at itinuon ang paningin sa side mirror. Nakita kong pumasok si Gael at Chelsea sa isang sasakyan tapos pumasok naman si Kael sa isa pang sasakyan.

Halos sabunutan ko ang buhok ko ng may maalala, patay nakalimutan kong mag impake ng damit namin.

"Hey?! what's wrong?" tanong ni Silas nang mapansing hindi ako mapakali.

"Nakalimutan kong mag impake ng damit natin, ikaw kasi eh!" paninisi ko sa kanya kahit wala naman soyang kasalanan. Sa tutuusin nga ako yong may kasalanan kasi hindi ako maagang nagising.

Humalaklak siya na ipinagtaka ko, "Bakit ka tumatawa ha? mukha ba akong clown para tawanan mo?!" naiiritang tanong ko sa kanya. Nakakainis siya! nakita niya na ngang problemado ako rito tapos nakuha niya pa akong tawanan.

"Don't worry, nasa sasakyan na ni Kael ang mga gamit natin. Naipahanda ko na yon kahapon pa." saad niya na nakapag pa kalma sa akin. Paano naman kasi, alangan bumili pa kami ng dadamitin namin doon, sayang kaya pera. Alam ko namang kayang bumili ni Silas ng damit o kahit pa isang mall pero hindi naman kasi pinupulot lang ang pera. Pinaghihirapan yon.

Bumuntong hininga ako. "Bakit kasi hindi mo sinabi ka-agad?"

Nagkabit-balikat siya at binalingan ako ng tingin bago ibalik sa daan. "You didn't ask, baby."

Napasimangot ako. Oo nga naman, hindi ako nag tanong. Hindi na ako umimik pa at umayos ng upo at sumandal sa upuan. Dito ko na lang siguro ipagpapatuloy ang naudlot kong tulog kanina.

Bago hilain ng antok ay naramdaman ko pang nilagay ni Silas ang kamay niya sa hita ko.

Naalimpungatan ako ng maramdamang tumigil ang sasakyan. Nandito na pala kami sa harap ng airport.

"Wait me here." saad niya at tinanggal ang seatbelt tsaka lumabas ng sasakyan. Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin. Pagkalabas niya ay lumapit siya sa sasakyan nila Chelsea at may sinabi.

Makalipas ang ilang minuto ay may nag sidatingan nang mga tao at may kinuha sa likod ng kotse ni Gael, mga bagahe siguro namin.

Naglakad siya palapit sa kotse ng makuha na ng mga crew ang bagahe namin at dinala sa loob ng airport.

Binuksan niya ang pinto sa pinag uupuan ko at inalalayan akong bumaba. Nang makababa ay agad niya akong hinapit sa bewang tsaka sinara ang pinto ng kotse.

Lumapit sa sa amin sila Gael, Kaell at Chelsea. Nauna na kaming mag lakad ni silas at nakasunod naman sila sa amin.

Nang makarating sa bilihan ng ticket ay si Kael na ang bumili ng para sa amin habang kami naman ay hinintay na lang siya sa waiting area.

"Why so tagala naman ni Kael? so daming pila kasi eh!" conyong reklamo ni Chelsea dahilan para matawa ako. Jusko!

Humalakhak si Gael bago sumagot sa tanong ng kapatid niya. "Shut up sis! hintayin na lang natin siya."

"Tse! bakit kasi ayaw niyong gamitin yong private airplane ni kuya Silas?" singhal niya at inirapan pa ang kapatid.

Nagulat naman ako ng marinig na may private airplane pala si silas, hindi na kataka taka yon kasi mayaman naman kasi ang pamilya niya o siya kaya hindi na malabong magkaroon siya no'n.

Napaigtad ako ng bigla akong hilahin ni silas palapit sa kanya. Sumandal siya sa balikat ko at pumikit, tiyak na napagod siya sa pag dadrive. Halos isa't kalahating oras kasi ang naging byahe namin.

Makalipas ang ilang minuto pag hihintay kay kael ay sa wakas nakabili na rin siya ng ticket. Mula rito sa waiting area ay nataw namin siyang umalis ng pila at maangas na naglakad. Karamihan pa ng mga tao o mga babae na nadadaanan niya ay napapalingon talaga sa kanya.

Nang makalapit siya ay tinaas niya ang suot na shade na hindi ko manlang napansin kanina na suot suot niya pala. " Tara na guys! malapit na raw mapuno ang eroplano," turuan niya at hinila ang maleta niya.

Tinapik ko naman si silas na nakatulog na ata sa balikat ko. "Silas?! gising na..." usal ko.

Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko at mabilis akong hinalikan sa labi na ikinapula ng pisngi ko. Nakatingin kaya sa amin yong mga pinsan niya.

Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin patayo. "Let's go."

Pagsakay namin sa eloprano ay agad nila kaming inasikaso. Binigay na rin namin ang mga ticket na binili ni kael kanina. Kasalukuyan na kaming naka upo, na sa unahan namin si Gael at Chelsea at na sa may bandang likod naman namin ni silas si kael.

"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7 with service from Manila to Boracay. We are currently second in line for take-off and are expected to be in the air in approximately four minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing SL Airlines. Enjoy your flight." anunsyo ng flight attendant. Ang ipinagtataka ko bakit SL lang? napaka-ikli naman mag isip ng ipapangalan nung may-ari nito.

"Rest now, baby." bulong ni silas akin at inigaya ang ulo ko pahiga sa balikat niya. Mahaba habang tulog siguro ang maitutulog ko, almost 1 hour kaming na sa himpapawid.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now