chapter 11

1.5K 44 1
                                    

Flashback

Nandito ako sa harap ng unibersidad na pag-aaralan ko, namamangha ako dahil sa laki nito. First time ko lang kasi rito sa maynila kaya naninibago pa ako sa mga bagay bagay na nakikita ko na wala sa probensiya namin.

Gaya nalang ng mga kotseng dumadaan sa harap ko, sa amin kasi ay puro tricycle lang ang makikita mo. Meron namang kotse na mangilan-ngilan, pero kung wala kang budget para sa kotse ay sa tricycle rin ang bagsak mo.

Napalingon ako sa malaking gate nang makarining ako ng malakas na hiyawan. Nasa loob kasi ako ng unibersidad habang yong mga sumisigaw ay nasa labas.

Nag sisiksikan at nag tutulakan pa sila para lang mapunta sa harap kung saan naruruon ang pinagkakaguluhan nila.

Hindi ko nalang sila pinansin at lumakad na para hanapin ang magiging room ko. Hahanapin ko nalang yong room ko para naman hindi ako ma-late sa unang araw ng klase.

Habang naglalakad-lakad ay hindi ko inaasahan na biglang may akong makabunggo. Lumiko kasi siya bigla kaya nag kabungguan kami.

"Ouch!" daing niya ng mapaupo siya sa sahig. Nag aalalang lumapit ako sa kanya para tulungan siyang tumayo.

"S-sorry! hindi ko sinasadyang mabunggo ka." nang hihingi ng pasensya kong sabi bago siya alalayang tumayo. Pinagpag niya muna ang damit niya bago ako tignan ng diretso.

"Ayos lang! kasalanan ko naman, hindi ko kasi tinitignan yong dinadaanan ko." ani niya at bahagyang ngumiti. Ginantihan ko naman siya ng malawak na ngiti.

Akala ko masungit siya kasi base palang sa pananamit at galawan niya para siyang isang anak mayaman.

"Hala! malalate na ako! una na ako ha!" tarantang sabi ko sa kanya ng makita ko sa relo ko ang oras.

"Wait! anong pangalan mo?" tanong niya.

"Rihanna, ikaw?" saad ko at nag lahad ng kamay.

"Viola!" ani niya bago tanggapin ang naka-lahad kong kamay.

"Ano bang course mo anna?" tanong niya.

"Education, saan ba yon? hindi ko kasi alam eh hehe" saad ko habang sabay hawak sa batok dahil sa hiya. Hindi naman siguro siya magagalit kung mag tatanong ako diba? tsaka mukha naman siyang mabait eh.

"Hala same tayo ng course kyahhh!" tumitiling sabi saad niya tsaka ako hinila papunta sa kung saan.

"Alam mo magiging close tayo! parehas tayong maganda eh." ani niya dahilan para matawa ako.

"Ikaw lang kaya yong maganda." saad ko. Totoo naman eh, maganda siya at sexy. Marami rin naman nagsasabi sa akin na maganda ako pero hindi ako naniniwala. Malay ko bang binubola lang nila ako, diba.

Break time na namin kaya kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni viola para kumain, kanina kasi ng magkausap kami ay hindi niya na ako tinantanan at dumaldal nang dumaldal.

"Anong gusto mong pagkain?" tanong niya habang nananatiling nasa menu ang mata. Napaisip naman ako, ano bang masarap na kainin? lahat naman kasi ng nasa menu ay mukhang masarap.

"Kung ano nalang ang sayo ay ganun nalang din ang akin!" nahihiyang sabi ko sa kanya bago ibaba ang hawak na menu.

Hindi na namain kailangang mag bayad dahil kasama na iyon sa mga binabayaran sa school na ito. Dahil nga scholar ako ay libre rin ang mga kakainin ko, kaya siguro maraming nag hahangad na makapag-aral sa school na ito. Bukod kasi sa maganda ang school na ito ay maganda rin ang pamamalakad.

"Hoy?!" sigaw ni viola sa pag-mumukha ko kaya mabilis akong napatingin sa kanya at nag tataka siyang tinignan.

"Bakit?" gulat kong tanong sa kanya.

Pumitik-pitik naman siya sa harap ko at isa-isang tinuro ang mga pagkain na nasa mesa na kanina lang ay wala pa.

"Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo ba talaga yang mga pagkain kasi hindi mo naman ginagalaw, tapos nakatulala ka lang! hay! dapat kasi ay ikaw nalang ang pumuli ng pagkain mo." naka ngusong sabi niya at nag umpisa ng maglagay ng pagkain sa plato niya.

Nahihiya naman akong ngumiti. Hindi ko napansin ang pag dating ng mga pagkain ni inorder niya kasi nga kanina pa pala ako tulala. Nakakahiya tuloy kasi akala niya ay maarte ako sa pagkain.

"Hindi ko napansin na dumating na hehe, may iniisip lang kasi ako." naiilang na sabi ko habang nag kakamot ng batok. "Tsaka gusto ko rin tikman yang mga yan, mukhang masarap eh!"

"Hays! kain na nga tayo! kulang lang yan sa kain." saad niya at sumubo ng pagkain.

Napuno ng katahimikan sa amin. E-enjoyin ko nalang yong pagkain kasi ngayon lang ako makakakain ng ganito. Sa probinsya kasi namin ay puro gulay pero minsan naman ay nagluluto si inay ng karne.

Syempre probinsya nga kaya puro gulay ang pagkain dun, pero mas maganda sa probinsya kesa rito sa maynila. Sa probinsya kasi ay sariwang hangin ang malalanghap mo pero rito sa maynila ay usok na nang gagaling sa mga sasakyan.

Napalingon kaming dalawa ni viola sa entrance ng cafeteria ng bigla nalang magsitiliin ang mga tao rito. Ewan pero para silang uod na nilagyan ng maraming asin.

"Bakit ang ingay nila?" takang tanong ko kay viola. Nilunok niya muna yong kinakain niya bago sumagot sa akin.

"Ganiyan talaga sila pag pumapasok ng cafeteria yong ssg president, ewan nga sa mga taong yan! parang uod pag-nakakakita ng pogi." iritang saad niya at lumingon sa direksyon ng entrance. "Huwag mo nalang silang pansin! kain kana."

Tumango nalang ako at kumuha ng pagkain. Nakakatakam kasi ang mga naka-lagay sa mesa na inorder ni viola, hindi ko alam yong tawag sa mga 'to kasi bago lang naman sa paningin ko, maliban nalang sa pasta.

Mukhang sanay na talaga si viola sa ingay pag pumapasok daw ang sinasabi niyang ssg president kaya hindi ko na rin pinansin yong mga tao na hindi pa rin tumitigil sa kakatili.

"Shut the fuck up." sigaw ng isang malamig na tinig. Napatigil naman ako sa pagsubo dahil dun. Bahagya akong lumingon para makita kung saan nanggagaling ang boses na yon, sa lalaking pinagkakaguluhan.

Umiigting ang panga niyang nilibot ng tingin ang buong cafeteria, nagulat nalang ako ng sa akin tumigil ang nakakatakot niyang mata.

LS #1: Silas LaurierWhere stories live. Discover now