CHAPTER 4

83 9 40
                                    

CHAPTER FOUR

"IS THIS seat taken? Or its you who's available?"

Nakagat ko ang aking ibabang labi ng bigkasin ko ang mga katanungan iyon, sa gilid ni Glen. Bakit ako pa ang kinikilig, imbes na sya?

Ang corny ko talaga!

May vacant seat kasi sa tabi nito kaya nauna na talaga ako sa iba ko pang kasama na maghanap ng mauupuan. Mahirap nang mahuli at maagawan. Maigi na yung nauuna para sure talaga.

"Taken na ang upuan, at mas lalong taken na rin si Glen. So, back-off Santanilla!" mataray na asik ni Bianca na nakatayo na pala sa gilid ko.

Kailan pa 'to napunta dito?

Humarap ako dito saka sya tinaasan ng kilay.

"And who are you to say that? Jowa ka ba? Feeling jowa ka lang naman, diba? So ikaw ang mag back-off, Jeminez!"

Nagsagutan kaming dalawa na para bang walang teacher sa unahan namin. Pati ilang classmates namin ay nagchicheer na rin kung saan sila papanig.

"Iyong upuan ba ang pinag-aawayan nyong dalawa? O si Glen?"

Pareho kaming napatingin ni Bianca kay Ma'am Climente. Nahihiyang humingi naman ako ng pasensya sa guro.

"Bianca go back to your seat. And for you Margaux, d'yan ka na maupo sa upuang katabi ni Glen."

Ngumiti naman ako ng pagkalawak-lawak bago tumango. Bumalik na si Ma'am sa harapan at nagsulat sa blackboard.

Bakit kaya tinawag na blackboard ang pisara kung gayong dark green naman ito? Dapat greenboard yun eh.

CHARING! Let's go back to the topic na lang. Dami kong advertisment eh.

Ngiting ngiti akong umupo sa upuan katabi ni Glen. Nasa gilid naman nito si Zander tapos nasa unahan nito si Josh.

Napaliligiran ako ng mga ulupong, except syempre kay Glen my Hubby.

"Hello, Hubby! Paano ba yan classmates na tayo. Hindi mo na ako maiiwasan," bulong ko habang nakangiti na parang baliw.

Baliw nga kasi sa kanya. Enebeee!

Masungit na tumingin ito sa akin. "Goodluck then!"

Nakaramdam naman ako ng konting kaba base sa boses at pagkakasabi nya. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa stay ko dito sa Section A.

Sana lang ay wala.

Sana lang ay wala syang kinalaman kung sakali man.

PAGKATAPOS ng morning class namin ay nagtext ako kay Ella na magkita na lang kami sa cafeteria. Napansin ko namang lumabas agad si Glen ng room. Susundan ko na sana ito nang kausapin akong bigla ni Josh.

"H'wag mo nang balakin na sundan si Pareng Glen. Badmood 'yun dahil sayo. Baka pag-initan ka na naman eh."

"Dahil sa'kin talaga? Ano na namang ginawa ko?"

"Classmates na kayong dalawa, so it means araw-araw mo na syang mabubwesit nyan."

Natigilan ako. Malungkot na bumuntong hininga sabay sukbit ng aking bag.

"Bwesit ba talaga ako para sa kanya? Yun ba talaga ang tingin nya sa akin?"

"Ohhh... chill lang Erish! What I mean is, next time mo na lang ulit sya guluhin. Pag-alisin mo muna ng init ng ulo. Badtrip din kasi iyon dahil grounded sya ng isang linggo. No gadgets at all at bawal din umalis ng bahay."

"Bakit daw?"

"Nahuli kasi ni Tita na may kachat na magandang chikababes. Nagsend yata ng nudes si girl sakto namang daan ni Tita sa likuran nya. Kaya ayon, huli si balbon!"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now