CHAPTER 53

57 4 0
                                    

CHAPTER FIFTY-THREE

PAGKARATING na pagkarating namin sa cafeteria ay agad kaming naghanap ng table.

Saktong may good for six people's table ang bakante malapit sa may glass wall. Iyon ang napili naming pwesto. Pagkaupo pa lang ay humalumbaba agad si Bianca sa mesa.

"Kami na ang oorder. Anong gusto n'yo girls?" Tanong ni Zan.

"Kahit ano na lang. Kayo na bahala. Tinatamad akong pumili kapag ganitong gutom ako." Bianca said.

"The usual akin," sambit ko. The usual means iyong palagi kong binibili kapag sa cafeteria kami kumakain.

Kapag break, spaghetti, muffins and chicken nuggets. Ang drinks naman ay apple juice. And when it comes to lunch, rice, menudo and water. Rocky road flavored ice cream naman ang desert.

Napangiwi si Josh. "Hindi ka nagsasawa?"

"Hindi. Kapag favorite mo, hindi mo pagsasawaan."

"Sana naging favorite foods mo na lang din ako. Para hindi mo rin ako pagsasawaan." May kung ano itong binulong pero hindi ko naman naintindihan.

"Ano kamo?" Pag-uusig ko.

"Wala. May sinabi ba ako? Kung anu-anong naririnig mo Erish, iba na 'yan."

Sinimangutan ko naman ito. May narinig talaga ako na binulong n'ya, hindi ko nga lang naintindihan.

Tinapik naman sa balikat ng nakangising si Zander ang kaibigan. Naiiling naman si Glen pero may maliit na ngisi rin sa labi. Naningkit ang mga mata ko. Sure talaga ako na may alam silang hindi nila sinasabi sa akin, sa amin.

Mga lalaki nga naman masyadong showbiz. Daming sekreto, eh wala namang sekretong hindi nabubunyag.

"Minsan hindi naman masamang umamin. Hindi ba Erish?" Napatango ako sa tanong ni Zander. Kahit nagtataka ay sumagot pa rin ako. "Ikaw rin, baka maunahan ka na naman ng iba."

"Tama si Zander. Marami nang ahas sa mundo. Hindi lang sa gubat, kahit nasa kapatagan ka may ahas na rin." Tumango-tangong singit pa ni Bianca.

"May pinaghuhugutan 'te?"

"Bumili na nga kayo. Ginugutom na ako. Baka iba pa ang makain ko."

"Demanding?"

Inirapan lang ni Bianca si Zander saka humalumbaba na naman sa mesa.

"Anong gusto mo, Bro?" Josh asked Glen.

Humalukipkip si Glen. "Gusto ko? Gusto ko rin 'yong gusto mo. Bakit, ibibigay mo ba?" Aniya nito sabay baling sa kaibigan.

Natahimik ang buong mesa. Kahit si Zan ay natigilan rin. Si Bianca na kanina ay nakatulala sa mesa, ngayon ay pabalik-balik na ang tingin sa dalawa.

Ako naman ay walang maintindihan sa nangyayari.

"Teka... pagkain pa rin ba ang pinag-uusapan n'yong dalawa o may iba pa?"

"Pagkain. Pagkain syempre. Hindi ba, Bro?" May riing wika ni Josh habang taimtim na nakatitig rin kay Glen.

Pekeng umubo si Zan saka hinila na si Josh papuntang counter. Napailing na lang si Bianca sabay balik ulit sa paghalumbaba.

"Hoy, babae! Tigilan mo nga 'yan. Kaya ka umaattract ng badvides dahil ganyan ka ng ganyan."

Sinimangutan lang ako nito.

Napatingin ako sa counter. May pinag uusapan ang dalawa. Tila seryoso pero hindi mawawala ang nakalolokong ngisi ni Zander. Mukhang pinagtitripan ang kaibigang seryosong nagsasalita.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now