CHAPTER 33

44 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

AT TAMA nga ang hinala ko. Pagdating n'ya sa rooftop ay mabilis na tumakbo agad ito palapit sa akin, para yakapin ako ng mahigpit.

"M-Margaux..." Namamaos ang boses na tawag n'ya sa akin. Narinig ko na rin ang mahihina n'yang paghikbi. Hinagod ko naman ang likuran n'ya para patahanin s'ya sa pag-iyak.

"Tahan na."

Pero mas lalo lamang lumakas ang kanyang pag-iyak. Na kahit ako ay naiiyak na rin.

Kilala ko s'ya bilang isang happy go lucky na babae. Minsan ko lang sya nakitang umiyak at iyon ay noong mga bata pa kami. Naglalaro kami ng hinabulan tapos nadapa sya at nagkasugat sa tuhod. Pagkatapos 'non hindi ko na ulit sya nakitang umiyak, dahil para sa kanya mahina ang babaeng umiiyak.

Ngunit minsan, hindi ibig sabihin pag-umiyak ka mahina ka. Dahil minsan kailangan din nating umiyak para mailabas ang sakit na nararamdaman natin. Pero hindi ibig sabihin 'non malulugmok na tayo. Kailangan pagkatapos mong ilabas lahat ng sakit, iyon ang gawin mong lakas upang bumangon muli at magpatuloy.

"Iiyak mo lang yan, tapos tama na ah. Mamumugto lang mga mata mo. Ayaw mo namang pumangit, diba?" Naramdaman ko ang kanyang pagtango bilang sagot.

Ilang segundo lang kaming nasa ganoong posisyon. Mahigpit na nakayakap sya sa akin habang hinahaplos ko naman ang kanyang likod para pagaanin ang kanyang loob. Nang tumigil na sya sa pag-iyak ay kumalas na sya at pinunasan ang pisngeng basa ng kanyang luha.

"Tell me! Alam mo namang handa akong makinig sa lahat ng rant mo, diba?"

May pag-aalinlangan kung sasabihin ba nya pero sa huli ay nagkwento pa rin sya.

Gagaan ang loob ng isang tao kapag nailabas o naikwento nya sa iba ang bigat na nararamdaman nya. Mas bibigat lang ang kanyang loob kung mag-isa n'yang kikimkimin ang problema.

What friends are for 'ika nga diba?

"N-Narinig ko kasi sina Mom at Dad kagabi. May pinag-uusapan silang dalawa. Hindi ko na sana papansinin dahil baka about lang sa trabaho, pero nang bigla na lamang sumigaw si Mom ay nagulat ako. Pilit akong sumilip sa nakaawang na pintuan ng kwarto at nakita kong nagtatalo silang dalawa. First time kong makita na magalit si Mom kay Daddy. Kahit kailan hindi ko pa narinig o nakitang magtampo sya kay Dad, ang mag-away pa kaya?! Pero kagabi, galit na galit si Mom kay Dad."

Tahimik lamang ako habang nakikinig.

Sa aming dalawa, sya ang may masaya at perpektong pamilya. Hindi sa sinasabi kong hindi masaya ang family ko, ang gusto kong sabihin is... Naririyan palagi sina Tito at Tita para kay Ella. Hindi ko pa nalaman na kumain mag-isa si Ella. Palagi silang magkakasabay sa hapag kainan. At palagi ding namamasyal ng buo ang pamilya. Hindi naman kasi palaging busy ang mga magulang nya kaya may oras ang mga ito sa nag-iisang anak...

Unlike me.

Nag-iisa lang din akong anak nina Mom at Dad pero minsan ko lang sila makasabay sa pagkain, mapa-almusal man o hapunan. Palagi silang busy sa trabaho.

Minsan nga naiinggit ako kay Ella dahil palaging may oras sa kanya ang kanyang parents. Pero iniisip ko na lang na para sa akin din naman ang ginagawa ng mga magulang ko. They just want to give me a good life in the future.

"Tapos... tapos..." Nangingilid na naman ang mga luha nito. "Tapos narinig ko ang pinag-aayawan nila ay tungkol sa babae ni Daddy. Margaux, may kabet si Daddy. Niloloko ni Daddy si Mommy."

Bigla ko syang niyakap. Umiiyak na naman sya ngayon.

Alam kong masakit malaman ang katotohanan, pero mas masakit para sa isang anak na malaman na baka posibleng magkalamat ang masayang pamilyang iningatan nila.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now