CHAPTER 44

50 5 0
                                    

CHAPTER FOURTY-FOUR

MAAGA akong pumasok sa school dahil balak kong matulog at magpahinga ng maayos sa clinic.

Wala pa akong maayos na tulog kagabi dahil kahit na inaantok ay nilabhan ko pa ang uniform ko. Kung hindi ko iyon lalabhan wala akong ipampapalit ngayon. Hindi ako pwedeng umuwi para kumuha lang ng uniform dahil male-late na ako. Eh kung maaga akong pumasok may maidadahilan naman ako kung bakit nasa clinic ako. Masama talaga ang pakiramdam ko.

Mabuti na lamang talaga at may dryer sa condo ng senyorita, kaya natuyo rin kaagad ang mga damit ko.

Hindi ko ginising ang senyorita dahil nagmamadali ako. Uutusan na naman ako 'non hanggang sa hindi pa ako makapasok. At alam kong mang-gagalati na naman iyon sa inis kapag dumating na s'ya.

Alam ko naman kaya n'yang pumasok mag-isa ng walang nagbibigay ng kahit na anong tulong. Gusto lang n'ya akong pahirapan, pero sorry s'ya. Alam ko na mga galawan n'ya. TSK! At hahanap ako ng paraan para ilabas iyon.

PAGDATING sa school ay para akong zombieng naglalakad.

Namumungay ang mga mata at anytime ay pipikit na lang. Mukha rin akong lasing dahil sa pasuring-suring kong lakad. May ilan nga akong nakakasalubong na pinagtitinginan ako, pero dedma na lang. Wala ako sa mood panita ng mga Marites.

Nang makarating sa tapat ng room ay agad na pumasok ako, diretso sa table namin at pasalampak na naupo sa upuan ko. Ni hindi ko nga pinansin ang mga kaklase kong tinatanong kung kamista daw ba ako. Basta na lang ako dumukmo sa habang nakaunan sa dalawa kong braso.

Inaantok talaga ako.

"Erish, gising. Hoy! Patay ka na ba? Erish, gising may sunog!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

"Sunog ba kamo? SUNOG??? AAAAHHHHH MAY SUNOG MAY SUNOG!" Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo ako tsaka pinaghihila palabas kung sinong mahawakan ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG EPIC NO'N! HAHAHAHAHAHA!"

Napatigil ako sa pag papanic dahil sa malutong na halakhak mula sa likuran. Kunot-noong lumingon ako kay Zan na humahalakhak, nakahawak pa nga ito sa tiyan dahil sa katatawa.

"What's funny?"

At doon ko lang narealize ang nangyayari. Napatingin ako sa mga kaklase kong nagpipigil ng tawa. Ang iba naman ay umiwas ng tingin pero nakatabon naman ang kamay sa bibig.

Nanlilisik ang matang siniringan ko si Zan. Natigil naman ito sa pagtawa at nagtaas ng dalawang kamay na tila sumusuko.

"WALANGHIYA KA TALAGA AGUILAR! MAGKIKITA TALAGA TAYO SA IMPYERNO!"

"Erish naman, joke lang eh. Papakabait na'ko. Ayoko pang masunog."

"Ako na lang susunog ng buhay sayo, gusto mo? Kapag ganitong naistorbo ako sa tulog, baka ikaw ang patulugin ko forever."

"Sorry na!"

"Si Josh?"

Mukhang nabuhayan naman ito ng loob dahil iniba ko na ang usapan.

"Akala ko ba si Glen? Eh bakit si Pareng Josh na ang hinahanap?"

"Ah gano'n ah. Sige, madali naman akong kausap. Madali ka lang rin namang siraan kay Ella, hhmmm.... sige sige ganoon nga."

Namutla naman ito sa tinuran ko. Gusto kong tumawa pero baka mas umasim pa ang itsura n'ya, kawawa naman.

"OO NA! HAHANAPIN KO NA ANG VILLAFLOR NA IYON! Kung hindi ka lang talaga kaibigan ni Panget ay baka—"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now