CHAPTER 60 : WAKAS

108 5 2
                                    

CHAPTER 60 : WAKAS

IF HAPPY EVER AFTER DOES REALLY EXIST, I WOULD WISH EVERYONE FIND AND HAVE IT.

****

ISANG araw bago ang Engagement party nina Zan at Erish, hindi ako nagkaroon ng chance na makita si Josh.

Nandito s'ya sa Isla, pero hindi s'ya nagpapakita. O kung magpakita man, hindi n'ya ako nilalapitan.

Ang alam ko lang, darating din ang ABStract Band ngayon dahil sila ang kakanta sa party para bukas.

"Napakadaya!"

"Echos ka, Mare! Ano namang minamaktol mo d'yan babaita?"

Napatingin ako sa lalaking naupo sa tabi ko. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Kailan ka pa napabilang sa federasyon, Rio? I didn't taught na... You're one of my Mare na pala."

Nawala ang ngisi nito sa labi at napalitan iyon ng ngiwi. Akmang babatukan sana ako nito mabuti na lang at naharangan ko ng aking braso.

"Lunurin kaya kita sa dagat, gusto mo?"

I rolled my eyes on annoyance. "Bakit ba kasi? Istorbo ka ng katahimikan."

"May naghahanap sa'yo."

"Sino raw?"

"Malamang parents mo. Nandyan na sila kasama ng ibang parents ng mga kaibigan mo. Nga pala, narinig ko pangalan ng jowa mo kanina."

"Jowa? May jowa pala ako."

"Ay, oo nga pala. Hindi nga pala naging kayo. Sorry, my bad!"

Kahit hindi n'ya sabihin, kilala ko kung sino ang tinutukoy n'ya. At inaasar na naman n'ya ako, palibhasa alam n'ya ang past ko.

TSK!

"Eh kung ikaw kaya ang lunurin ko sa dagat. Maraming isda ang magdidiwang dahil may pagpi-fiestahan silang gwapong hapunan."

Inirapan ako nito. Minsan talaga, gusto kong isipin na isa rin s'yang eba, kung hindi lang talaga adan na adan ang tindig n'ya. Pero pwede rin namang disguise lang iyon.

Tumayo na ito at pinagpagan ang suot na board short.

"Ayaw mo bang hanapin o puntahan si Josh Ezekiel? Kung ayaw mo, ipapakilala ko na lang 'yon sa kakilala kong naghahanap ng bagong jojowain."

"Subukan mo at ako ang maglilibing ng buhay sa'yo dito, oramismo!"

"Highblood? Chill ka lang. Kaya ka pumapangit eh."

Umabante akong hahampasin s'ya kaya dali-dali itong tumakbo papalayo habang tumatawa.

"Konti na lang talaga, may kalalagyan ka na sa'king hinayupak ka." Bulong ko bago ko napagpasyahan na magtungo na sa Reception Hall kung nasaan ang buong pamilya nina Ella at Zan.

At katulad ng sinabi ni Rio, naroroon na nga sina Mom at Dad. Kasama nila ang parents ni Glen at Josh na tuwang tuwa naman nang makita ako.

At dahil pinagkaguluhan akong bigla, nakalimutan kong hahantingin ko nga pala ang Villaflor na iyon. Maybe, mamaya na lang pagkatapos kong makipagkwentuhan sa parents n'ya.

TANGHALI na nang makatakas ako kina Mommy at sa mga tanong nina Tita Lani.

Naglalakad ako pabalik sa cabin para sana ayain sina Ella na kumain ng dessert, nang may tumawag sa pangalan ko. Malakas iyon at talagang rinig na rinig ko. Kahit nga yata iyong nasa di kalayuan sa pwesto namin ay napatingin din.

"MARGAUX! MARGAUX!"

Hinihingal na tumigil si Zander sa harapan ko. Nakahawak na rin ito sa tuhod habang walang tigil sa paglanghap ng hangin, dahil sa pagtakbo.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon