CHAPTER 49

51 5 0
                                    

CHAPTER FOURTY-SEVEN

JOSH EZEKIEL'S P.O.V

ISANG linggo at tatlong araw ko nang iniiwasan si Erish.

Sa tuwing lumalapit s'ya, lumalayo ako. O di kaya ay magdadahilan na may pupuntahan or makikipag-usap ky Zan, para lang hindi ito matuloy sa gagawin.

Sa tuwing natitigilan ito habang nagpipigil na h'wag umiyak, pinipigilan ko rin ang sarili ko na lapitan s'ya ay higitin para sa yakap.

Pero nang magsimula ang Foundation Day, napapansin ko na hindi ko s'ya nakikita o nakakasalubong dito sa school. Nakapagtataka! Pero wala namang sinasabi sa akin sina Zander kung may nangyari man, kaya baka hindi lang talaga kami nagkikita.

Sabagay, ako na kasi mismo talaga ang umiiwas. Hangga't maari hindi ko hinahayaan na makita ko s'ya.

Dahil baka hindi ko mapigilan, maging marupok ako sa kanya.

Sobrang hirap ng ginagawa ko. Pero ginagawa ko ito para subukin kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa kanya.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa.

Naiinis ako, oo. Naiinis ako dahil sa tuwing magpapapansin ako o maglalambing sa kanya, ginagawa n'ya iyong biro. Pero pagdating naman kay Glen, kahit saktan na s'ya nito, ipagtabuyan at ipagtulakan na papalayo, tuloy pa rin s'ya. Binibigay pa rin n'ya ang lahat.

Pero bakit pagdating sa'kin?

Joke lang ba para sa kanya lahat ng effort ko? Lahat ng sakripisyo ko mapasaya lang s'ya? Yung mga araw na magkasama kami, naging masaya ba talaga s'ya sa mga panahong iyon? Bakit isang malaking joke lang ang tingin n'ya sa mga ginagawa ko?

Sabagay....

Sabagay, hindi naman kasi n'ya alam. Hindi n'ya alam na nagseselos ako.

THE F*CK?! Saan galing 'yun?

Tangin*! Hindi ako nagseselos! Hindi ako nagseselos kasi wala naman akong karapatan para maramdaman 'yun.

Hindi n'ya ako gusto.

Kaibigan lang ang tingin n'ya sa katulad ko. Panyo na maaari n'yang gamitin kapag umiiyak s'ya. Bandaid na pantapal sa sugat at sakit na nararamdaman n'ya. Unan na mayayakap kapag gusto n'yang mapag-isa.

Kaibigan na handang mag-stay sa tabi n'ya para lang masigurado na magiging okay s'ya.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, mas doble ang balik sa akin no'ng sakit.

At ang saglit na paglayo at pag-iwas sa kanya, makakatulong iyon para sa sarili kong kapakanan. Habang hindi pa tuluyang bumibigay ang puso ko sa kanya, pwede ko pang maagapan.

Pero kaya ko nga ba?

Gayong hindi lang s'ya makita ng ilang minuto ay namimiss ko na kaagad s'ya. Paano pa kayo kung isang linggo, buwan o taon na? Baka mabaliw na ako no'n.

Baka mabalitaan na lang ninyo na nakasuot na ako ng puting uniporme habang sumisigaw ng "Ilabas n'yo ako dito! Hindi ako baliw!" Nakakahiyang mabalita ng ganoon.

Siguro naman hindi pa ako aabot sa puntong mababaliw ako dahil lang hindi ko sya pinapansin.

Okay na rin iyon. Mukhang okay naman s'ya eh. Masaya na akong laman na okay at masaya s'ya.

"Hindi mo pa rin ba pinapansin si Erish?" Napatingin ako kay Zan na kapapasok lang ng studio.

Sabado na ngayon. Sobrang bilis lumipas ng mga araw, ilang oras mula ngayon ay gaganaoin na ang isa sa mga inaabangan ng lahat. Mamaya na kasi ang Battle of the Band at bago magsimula 'yun may opening concert muna ang ABStract Band, which is US.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now